CHAPTER 57

442 14 0
                                    

Nakita namin na nagsasayaw si Aldritch at Monica ganun din si Lance kasayaw yung favorite model ko.

"Haiiist" sabay pa naming sabi ni Mina kaya nagka tinginan kami

"Iinom nalang natin" sabi nya saka tumayo para kumuha ng alak

"Tara Andrea sayaw tayo" hindi pa ako naka sagot ng hilain ako ni Noah pa dance floor ano ba yan dejavu nanaman iba lang ang kasayaw ni Aldritch.

"Papangit ka ng papangit nuh? Pagkuway sabi nya bago kunin ang kamay ko at ilagay sa dibdib nya

"Oo na pangit na kung pangit" sabi ko nalang

"Wala ka namang girlfriend dito diba Noah?"

"Sakit mo naman magsalita Andrea"
Umakto pa syang nasasaktan

"Hindi naman I mean baka lang may bigla saking sumabunot ganun" pabiro ka pang hinampas yung dibdib nya

"Wag kang mag alala saiyo lang ako" kumindat pa sya kaya napa ikot nalang ang mga mata ko

"Kilala mo ba s-sya?" Di ko mapigilang magtanong

"Sino?"

"Yung naka red"

"Yung kasayaw ni Al?" Tumango nalang ako

"Oo" maikli nyang tugon nag aantay pa ako ng iba nyang sasabihin pero mukang wala na syang balak ayoko naman magtanong pa kainis naman pabitin pa tong si Noah

"Mamaya labas tayo mag take tayo ng ng picture huh"

Tumango nalang ako, ihahatid na nya ko pabalik ng lumapit naman si Geo at ayain akong sumayaw

"Sorry kung busy ako"

"Wala yun nandito naman si Mina" naka ngiti kong sabi

"You're so beautiful love" puri nya

Napakagat pa ako ng labi ang senswal naman ng pagkakasabi nya

"Thank you"

Napalitan ng malamyos na tugtog ang musika kaya mas hinapit nya ako palapit, parang hindi naman na kami nagsasayaw parang nagyayakapan nalang

"Andrea" tawag nya sakin

"Hummm?" Sagot ko habang naka hilig sa dibdib nya pero hindi sya sumagot kaya nag angat ako ng tingin sa kanya

"Ok lang sakin kung mag uusap kayo, alam kong gusto mo syang maka usap" sincere nyang sabi

Hindi ako makapag salita napa awang ang labi ko

"Lahat para saiyo Andrea"

Napa yuko ako para namang hinahaplos ang puso ko sa mga sinasabi nya, pasimple akong sumulyap kila Aldritch na naka upo na nag uusap sila nung Monica mukang parehas masaya, eto nanaman yung pamilyar na sakit bakit ganun

Kaya ngumiti ako kay Geo, "mamaya" sagot ko bago tumingkayad at halikan si Geo sa pisngi nagulat pa sya sa ginawa ko kaya natawa ako. Dapat muka akong masaya sa harap nya ayokong mag mukag kawawa nanaman

"Later love" tumatawa nyang sabi bago ako ihatid sa upuan sakto nandun na si Mina may dalawang hawak na bote ng alak.

Hangang mamaya pa daw gabi ang party kaya nagkayayaan kami ni Mina na sa kwarto nalang uminom

Hinanap namin si Val kaso ewan kung saan na nagsuot yun.

"Tang ina talaga nya bwisit sya! Ipaparamdam saiyo na mahal ka tapos sasabihin hindi daw pala nya kayang mahalin ako ng buo!" Tinungga na ni Mina yung isang bote

"Kaya nga Mina sabi ng sabi na mahal ka papaasahin tapos ano? Pag umaasa kana iiwan ka nanaman sa ere!" Sagot ko naman na tinungga din yung isa

"Hayup talaga yang mag best friend na yan anong akala nya s-sya lang ang lalaki sa mundo? Hindi uy! Madami dyan hindi ako boba!"

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon