Chapter 69

470 21 9
                                    

"Good morning Mr. Gregorio" bati namin sa department head ng accounting medyo matanda na sya pero matikas parin

Hindi naman nya kami binati tinitigan lang nya kami isa isa bago tawagin ang secretary nya at utusan kami

Kami ni Marco ang nautusang mag sort regarding sa sahod ng mga empleyado sila Ronnie sa business area na hawak ng buong San Diego Empire

Halos malula ako sa dami ng mga files na kaylangang i sort grabe ganito ka dami ang empleyado nila?! yung taga kabilang section naman ang bahala sa pag eencode nun well good luck din sa kanila

Halos lahat dito sa accounting dept. ay puro may edad na pala at lahat halos hindi ngumingiti dahil ba sa masyado silang dedicated? O sa dami ng kaylangang i trabaho

Nag uumpisa palang ako mag sort ng tawagin ako ni Ms. Lany ang may hawak samin dito

"Ms. Ruiz paki dala naman ito sa Finance department, eto sa budget dept. eto sa Marketing, tig iisang copy lang ang ibibigay mo ha yung isa pang copy ibabalik mo dito dapat may sign ng kung sino ang mag re-received ok? Copy?"

"Yes mam copy po" naka ngiti kong sabi saka tumango at lumakad na

"Isama mo na pala si Marco para may guard ka" pahabol nya kumindat pa sya sakin saka tinawag si Marco

"Ako na ang mag bitbit Andrea" prisinta pa ni Marco saka kami sumakay ng elevator pa puntang 10 floor inuna namin ang sa Finance department

"Makakagala tayo ah" masaya pa nyang sabi.. ako hindi masaya baka kase mag cross ang landas namin ni Mrs. San Diego wag naman sana

Una kaming pumunta sa 10th floor sa Finance department lahat sila ay busy kaya hindi namin alam kung sino ang kakausapin.

"Hey Andrea!"

Otomatiko akong napa lingon si Mark na jowa pala ni Rose!

"Uy Mark dito ka naka assign?" Naka ngiti kong sabi

"Actually hindi nautusan lang anong ginagawa mo dito? Nag tatrabaho ka na dito?" Tanong nya pa

"Ay hindi dito ako nag ojt 1week lang"

"Ahh kasamahan ka pala ng mga ojt, so nautusan ka dito?" Tanong nya pa kaya tumango ako

"May ibibigay akong folder kaso hindi ko alam kung kanino magpapa received" inilibot ko pa ang tingin sa mga busy na empleyado

"Ay doon sa bandang dulo yung malapit sa pinto sa kanya mo ipa received" naka ngiti pa nyang sabi "sige ha una na ko mag enjoy sana kayo dito"

"Ay Thank you pare" sagot pa ni Marco

"Thank you Mark" nag wave pa ko sa kanya

Nagpa pirma nga kami sa sinasabi nya sinungitan pa kami pero hindi nalang namin pinansin baka hindi maganda ang gising

Sunod sa Budget department na nasa 19th floor mabuti nga sinabi pala kay Marco kung saang floor kami dapat pumunta sa 28th at 20 lang kase ang alam ko

Pagdating namin doon ay busy din ang mga tao lahat naman yata, may nakita kaming empleyado na kumukuha ng tubig doon sa water dispenser may lumapit pa sa kanya na isa nagtinginan pa kami ni Marco bago kami lumakad palapit

"Galit na galit daw si Mrs. San Diego" dinig ko pang sabi nya

"Ayaw daw doon sa model pero agree naman daw lahat ng board" sagot naman ng isa

"Oo nga pati si Ms. Yeshia"

"Excuse me kanino po kami pwedeng magpa recieve?" Tanong ni Marco mabuti nalang at sya na ang nagtanong kinakabahan kase ako parang alam ko na kung ano ang pinag uusapan nila, sinuri pa nila kami ng tingin

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon