CHAPTER 19

551 18 0
                                    


Flashback

Dinig na dinig ko ang pagka basag ng mga gamit mula sa loob ng bahay. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko galit na galit talaga si Aldritch.

Maging ang pag sigaw nya at pag mumura nito rinig na rinig ko mula rito. Akala nya niloko ko sya..

Oo hindi ko nasabi kaagad sa kanya yun pero hindi ko sya niloko.. Hindi ko kaya yun bakit ayaw nyang makinig sa akin. Bakit ayaw nyang hayaan akong makapag paliwanag? Mahirap ba yun para sa kanya? Paano kami magkaka ayos kung ganito?

Gusto ko syang puntahan pero parang walang lakas ang mga binti ko.

Ni hindi ako maka hakbang halo halo na ang emosyon na nararamdaman ko.. Takot.. Awa.. Pangamba..

Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal na nakatayo sa labas ng dumating si Sir Geo.

Wala na akong naririnig na ingay mula sa loob kumalma na kaya sya.. Sabagay nandun ang mommy nya at si Tiffany. Napa ngiti nalang ako ng mapait.

Hindi ako makatingin kay sir Geo ng direcho malaki ang kasalanan ko sa kanila.

"Ihahatid na kita sa inyo. Ayaw ka nyang makita mabuti pa siguro hayaan mo muna sya nandun naman si ate" malamig nitong sabi bago humakbang palayo.

Hindi ko alam pero ayaw talagang humakbang ng mga paa ko para na akong napako doon nanginginig din ang mga kamay ko I feel helpless and stupid. Napatawa pa ko first time na nga lang mag mahal sa taken pa! kaya ano ako ngayon? Parang basura? Ni ayaw ng kausapin, ayaw pakinggan! Sobrang sakit

Siguro napansin nyang hindi ako naka sunod sa kanya kaya bumalik ito at binuhat ako. Atomatikong pinulupot ko ang aking braso sa leeg nya.

Seryoso ang mukha nya. He look mad syempre sino ba namang hindi? Pinagtaksilan namin ang kapatid nya. Aww 'pinagtaksilan'? Bakit naman yung ganung salita

Tumulo nanaman ang mga luha ko. Bakit umabot sa ganito? Dahil ba sa katangahan ko? Alam ko ng may kasintahan pero bakit hindi pa ako dumistansya. Ang sakit sobrang sakit.

"Sorry talaga Sir Geo sorry talaga.." napahagulgol na ko ng tuluyan at sumandal sa dibdib nya

"Shhhh Shh stop crying please Andrea wag na muna nating pag usapan". He said while giving a small kisses on my head.

Tahimik lang kame buong byahe may kasama naman kaming driver.

Narinig ko na nagriring ang cellphone nya at ng makita kung sino ang tumatawag ay ini off nito ang cellphone.

"Inaantok ka? C'mon tinapik nito ang hita "you can sleep here." hindi parin nagbabago ang tono nito

Wala yata ako sa sarili dahil sinunod ko ang sinabi nya feeling ko pagod na pagod ako sa lahat, bahagya nyang nilalaro ang buhok ko,hinayaan ko nalang.. Pagod na pagod ako na ako.. Parang panaginip lang pala ang lahat ng saamin ni Aldritch tapos kaylangan ko ng gumising sa katotohanan. I smiled bitterly.

Magkalayo kami ng agwat sa buhay. Kung nakaka alala ito malamang isa lang ako sa mga lalagpasan nito ni hindi tatapunan ng tingin.

Kaso ganun talaga nahulog ako sa kanya,

"Andrea n-nandito na tayo." Banayad nitong sabi

"Hummm.. Pakurap kurap ako bago tuluyang dumilat kita ko ang gwapo na maamo nyang mukha. Bago mag seryoso nanaman ito.

" Uhhm nandito na tayo p-pwede ka ng tumayo" he looked tense.

Ilang beses ko pang tinitigan ang mukha nya at tumingin uli sa harap ko

Huh?

Napalaki ang mata ko sa posisyon ko naka harap na ko sa kanya na bagyang naka dapa ang sagwa tignan

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon