CHAPTER 41

457 18 1
                                    

"Rain rain go away come again another day coz we want to play" masigla nilang kanta, iniayos ko pa ang cellphone ko na gamit ko sa pag video sa kanila para maka sali ako. Kumakanta at sumasayaw kami

"Yehey very good babies" pinalakpakan ko ang dalawa at isa isang hinalikan. Tuwang tuwa naman sila nagtatalon pa nga si Ag.

"Mommy pancakes" yumakap pa sa leeg ko si Ag.
Tinusok ko ng tinidor yung pancakes at inabot sa kanya ganun din kay Au.

Umupo pa sila sa puzzle mat at masayang kumain.
"Careful babies huh"

"Yes Mommy" sagot nilang dalawa, masaya silang kumakain kaya napa ngiti ako, bago makaramdam ng kalungkutan naaalala ko nanaman si Aldritch

Excited kaagad sya kapag nagluluto ako ng hotcake, sya pa ang mag aayos ng lamesa, napatigil ako sa pag mumuni ng tumunog yung cellphone

Inabot ko  yun dahil sa sunod sunod ang pag tunog ng message tone. Nakita ko ang madaming message ni Rose.

[Rose:] Andrea tulungan mo naman ako.

: Please

:May gusto lang akong malaman.

:Dali na

I sighed mukang alam ko na kung anong gusto nya, ganyan din yung sinabi nya dati, naalala ko nung high school kami may nanliligaw sa kanya at ang sabi seryoso daw sa kanya yun, ang ginawa nya pinilit nya akong magpakilala doon para titignan daw nya kung sya parin ang gusto.

Kahit anong tanggi ko sa bandang huli napa payag din ako one week daw kase nya akong ililibre ng lunch at pamasahe well actually bonus na lang din yun, syempre gusto ko ding malaman kung seryoso ba yung lalaki mabilis pa namang ma inlove yung babae na yun.

[Me]: Anung kapalit?

Natawa pa ako sa naisip syempre joke ko lang naman yan sa kanya.

[Rose] kita tayo sa Ultramall sa food court usap tayo 4pm sharp.

Kung kelan namang maulan saka nagpapa punta. Bandang huli nandito na ako sa usapan namin nauna pa ako sa kanya may sharp pang nalalaman.

Naka suot ako ng old rose na skirt at cream na plain long sleeve. Naka upo lang ako sa sulok habang nag aantay sa kanya.

"Hi kanina kapa" humahangos nyang tanong.

" Medyo"

"Tara doon tayo libre kita token of my apology!" Hinila pa nya ako papasok doon sa isang restaurant.

Tama nga yung iniisip ko ipapakilala nya ako doon sa nanliligaw sa kanya. At ang deal pa nya ililibre daw nya ako every weekend.

"Hindi na kaylangan, kelan ba?" Tanong ko pa malapit na kase akong bumalik ng Manila pero pinag iisipan ko kung mag reresign na ako sa flowershop at hahanap ng mas malapit na trabaho sa anak ko

"Now na" naka ngiti nyang sabi kaya halos mabuga ko sa kanya yung kinakain ko.

"Grabe agad agad wala man lang paghahanda" reklamo ko sa kanya

"Wala na para alam ko na kaagad diba"

"Grabe may trust issue ka ba ever since?" Kase naman kung wala bakit need pang magpanggap diba.

"Wala naman medyo praning lang you know over thinker ako eh"

Hindi na ako nakapag salita pa, napa tingin ako banda sa parking lot, napa awang pa ang labi ko hindi ko alam kung namalik mata lang ba ako.

Tumayo pa ako at inilapit ang mukha sa salamin. Si Mina ba yun? Naka suot sya sya fitted red dress naka heels pa sya. Kasunod ang isang babae na mukang secretary at lalaki na pinapayungan si Mina bago sumakay sa mamahaling sasakyan.

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon