CHAPTER 7

680 18 0
                                    

Nanatili na lamang akong tahimik habang nakikinig sa kanya ramdam ko pa ang pagpatak ng luha nya. Siguro sobrang sakit na at hindi na nito kinaya, mahal na mahal talaga nya yung girlfriend nya. Sino ba namang lalaki ang basta nalang maiiyak sa harapan pa ng babae parang naiiyak din tuloy ako

"Ganito rin siguro ang naramdaman ni kuya Al nung umalis si ate Tiff." sabi pa nya ewan ko pero kinabahan ako bigla na hindi ko alam kung bakit

Mariin pa nyang sinandal ang noo sa balikat ko,

Nag aantay pa ako kung may sabihin pa sya, kaso mukang naka tulog na sya sa balikat ko. Napaka swerte naman ng babae na yun kung sino man siya. 

Nag bilang  pa ako ng ilang sandali bago dahan dahang tumayo para kumuha ng unan.

"Hayaan nyo sir ganun siguro talaga ang tadhana diba? Hindi lahat umaayon sa gusto natin, pero sa tingin ko dapat sundan nyo sya dun sa Paris, sabihin mo yung nararamdaman mo sa kanya, eh ano kung ayawan ka niya at least diba nasabi mo yung gusto mo ginawa mo yung part mo na nagsabi ka bahala na sya kung ano ang isasagot nya, pag sisisihan din nya yan kung iiwan ka nya haiiist ikaw pangit? Hindi worth it? Ano sya bulag! " mahaba kong sabi dito na tila sinesermunan kahit alam ko naman tulog na sya. Naka ilang buntong hininga pa ako bago sya pagmasdan

Umihip ang malakas na hangin kaya nag alangan akong iwan sya doon, iniisip ko kung kukumutan ko nalang ba sya o bubuhatin papasok

Napatikom nalang ako ng labi kaya ko naman siguro syang alalayan nakaya ko nga noon si Aldritch nung nasa hospital pa

"Sir tara po sa loob" pilit ko syang inalalayan bahagya pa syang nag reklamo pero kumapit din naman  kahit hirap na hirap akong alalayan sya eh nagawa ko naman halos sabay pa kaming bumagsak sa higaan

Pulang pula yung mukha ko dahil pagkakadagan nya sakin ilang beses pa yata akong kumurap bago sya maitulak

Patayo na ko ng ipulupot naman nya yung binti nya sakin at hatakin ako pabalik bahagya pa syang dumilat at ngumiti sakin bago hawakan yung pisngi ko

"Stay for a while" sabi nya bago halikan yung pisngi ko at isandal ako sa dibdib nya

Hindi ko tuloy alam ang gagawin, lasing lang to si sir kaya ganito haist nag hintay nalang ako ng ilang sandali bago tumayo na, pinalit ko pa yung unan para mayakap nya

"Sige sir aalis na po ako ha, wag kang papatalo sa nararamdaman mo ngayon kaya mo yan ikaw pa ba. "

Grabe pangit daw? Eh para na akong naka kita ng artista o model na taga ibang bansa tsss ang gwapo nya kaya sobra!

Pababa na ako ng hagdan ng mag ring ang cp kong de keypad wala na nga yung ibang parts nito eh sa sobrang kalumaan pero gumagana pa naman.

Si tiya? Takang tanong ko habang naka tingin sa screen "Helloo?" Sabi ko nagpaalam naman ako dito pero bakit ito tumawag?

" Asan ka hah! " pasigaw nitong sabi , kaya bahagya kong inilayo ang cellphone sa tenga bakit ba kase ito sumisigaw.

"Edi nasa trabaho" sagot ko bakit bigla naman yata itong nagtatanong ngayon.

"Trabaho? Sa ganitong oras?" halatang nag pipigil ito ng galit.

"Nagpaalam ako kay tyang kanina may raket kame" hindi ko na inantay ang sagot nya at pinatay ko na ang tawag, ilang linggo nya akong hindi pinansin at ngayon ay tatawag tawag? 

Bahala ka dyan at ini off ko na ang cellphone para hindi na ito maka tawag pero kahit papaano eh nakaramdam ako ng kaginhawahan

Pagbaba ko ay nakita kong kumakain na sila Mina kaya inalok nya na akong kumain kaya ako ay sumalo na sa kanila. 

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon