CHAPTER 10

608 16 0
                                    

Hindi ko na alam ang dapat gawin, gusto kong tumakbo pabalik sa kwarto at magtago magpanggap na walang nakita, pero ayaw gumalaw ng mga paa ko parang napako na ako dito

Ayokong makita sila na ganun ayoko ding makita nila ako. Parang nanunuyo ang lalamunan ko na hindi ko mawari,gusto kong maiyak pero ayaw tumulo ng mga luha ko. Nanginginig ang mga kamay ko sa sari saring emosyon. Galit? Selos? Takot?

Alis na Andrea please bumalik ka na sa kwarto. Gustuhin ko man pero ayaw sumunod ng katawan ko

Niyakap din ni Aldritch ang babae, they look so good together, ang ganda ganda nya muka syang manika at ang puti  parang gatas, she's tall and looks smart , her straight shiny black hair na lalong nagpapa tingkad sa ganda nito, she looks sophisticated halatang mayaman. Feeling ko nanliit ako sa kanya, sya yung tipo ng babae na gugustuhin ng mga lalaki, na siguradong lilingunin mo kapag dumaan maging ng mga babae

Napansin ako ni Lance, sumenyas ito na wag maingay saka umakyat din ito sa hagdaan papunta sa akin.

"They need to talk" yun lang at inalalayan nya ako paakyat, pabalik sa kwarto nya salamat naman at gumalaw na yung mga paa ko nilingon ko pa sila bago muling itinuon ang tingin sa baitang

Napaupo ako sa kama nanghihina ang mga binti ko, nalilito na ako hindi ko na alam ang dapat gawin first time kong makaramdam ng sakit

Oo nasaktan ako sa pagpapa layas ni Nanay pero ibang iba sa sakit na nararamdaman ko ngayon bakit kase ganito

Alam kong tinititigan ako ni Lance. Ako naman ay naka tingin sa bintana, salamat nalang din at hindi ako maka iyak, ayaw kong may maka kita sa akin na ganun na mahina ako.

"Hindi ko alam kung anong meron sa inyo ni Al, and I don't want to be harsh, but they need to talk she's Al's girlfriend" sabi nya na may seryosong tono.

Tila nanlamig ako sa sinabi nya bahagya ko pang ginalaw yung mga kamay ko, Kahit na expect ko naman na iyon, sa reaction palang nito kanina na makita si Aldritch alam kong espesyal sa kanya si Aldrich. Kung girlfriend sya ni Aldrich ano pala ako?

I smiled bitterly at humarap kay Lance "m-mag kaibigan lang naman  kami"

Sobrang nagpasalamat ako dahil nasabi ko yun ng hindi nah crack ang boses ko Doon man lang maitago ko ang nararamdaman ko.

"Actually they're about to engage kaso nawala si Al"

"Mahal na mahal sya ni Al naka plano na ang lahat even their wedding" sabi pa nya" Nung araw na nawala sya mismo may party dapat nun para sa kanila a proper proposal para sa engagement" pag papatuloy pa niya

Gusto kong pigilan sya, na tama na sana tumigil na, na ayaw kong marinig ang iba pa nyang sasabihin,pero hindi ko nagawang magsalita. Wala naman akong karapatan diba? Ngayong nandito na ang mga taong totoong kapamilya nya sino na nga lang ba kami? Wala diba?

Muli akong ngumiti sa kanya "Uhmm Lance pwede ba akong maki tawag, tatawagan ko sana ang tiya ko pasensya kana ha naiwan kase yung cellphone ko" ani ko bago muling ngumiti, Sanay ako sa ganun palaging naka ngiti kahit deep inside durog na durog ako.

Hindi ko alam pero parang natigilan si Lance dahil ba wala akong reaction sa mga sinabi nito? Kung alam mo lang!

Ayaw ko lang ipahalata pero durog na durog na ko pero kaylangan kong mag isip ng maayos, gawin ang tama.

" Lance? " Tawag ko sa kanya

"Ohh I'm so sorry I will get it" tarantang naghanap naman ito, "here sabay abot nito ng touch screen na cellphone.

Tiningnan ko yun,sabay nahihiyang tumingin sa lalaki " Amm Lance sorry pero pwede bang ikaw nalang ang tumawag hindi kase ako marunong nyan"  sabi ko totoo naman gustong gusto ko magkaron ng ganung cellphone pero sapat lang ang kita nila Papa nun para sa araw-araw namin tapos nagka sakit pa ito.

At ayan nanaman sya naka titig lang muna sa akin nagmura pa ito ng ilang beses bago lumayo sa akin, sumandal ito sa pader at idinial ang numerong sinabi ko pero out of coverage,pati ang number ni Mina hindi rin matawagan, Bagsak nanaman ang balikat ko, Ano na kaya ang nangyari sa kanila, gusto ko ng umuwi

Magsasalita pa sana si Lance ng biglang bumukas ang pinto at dumating yung dalawa pa nilang kaibigan

"Wooahh nag heart to heart yung love birds sa baba ahh!" Patawa tawang sabi nito.

Siniko naman ito ni Lucas sabay nguso sa akin masakit pero nginitian ko lang sila

" Swerte nman ni Al ang gaganda ng mga girlfriend nya" sabi pa nitong si Noah

"You're Andrea right?" Tanong ni Lucas kaya tumango lang ako. "So how are you?" Dugtong nya

Kamusta nga ba ako? Hindi ako maka sagot sa tanong nya salamat naman may nagtanong kung kamusta nga ba ako ang swerte din ni Aldritch sa kaibigan.

"Nakita mo ang lovebirds?" sabi pa ni Noah

"Basta nagugutom na ko" pag iiba ko ng usapan sabay ngiti ko sa kanila

"Hoyy grabe ka Lance! Nanggutom ka ng magandang babae!" May pabirong suntok pa dito si Noah

"Oo nga nuhh hindi kapa nag breakfast sorry ha nag give space lang naman ako dun sa dalawa" natatawang sabi nito sabay sumeryeso ng tila maalala ako.

Hindi ko alam pero dahil sa tatlong ito ay tila gumaan ang pakiramdam ko. Swerte sya sa kaibigan ahh atleast kung babalik na sya sa totoong siya eh may mabubuti at tunay syang kaibigan

Mag sasalita pa ako ng bumukas uli ang pinto nanlaki ang mga mata ko ng mapag sino ang pumasok, sabay yuko ng ulo para hindi ako mapansin bakit nandito na sya? Hindi ba sya natuloy?

"Heyy" bati ng mga ito sa bagong dating sabay isa isang nag fistbump

"Kelan kapa dumating? Tanong ni Noah dito

"Actually kanina lang nang marinig ko ang news". Masigla nitong sabi

"Madaya ka hindi na natuloy yung party sa pad mo so kamusta?" tanong muli ni Noah na umakbay pa dito

"Edi ituloy natin nandito na si kuya Al ehh kompleto na ang barkada!" Sagot pa nito.

Magka kilala pala si sir Geo at Aldritch? Sayang ni minsan hindi sila nagkita edi sana... Edi sana... Ipinikit ko nalang ang mga mata sumasakit ang ulo ko.

"So how's Paris? Mission accomplished ba?" Tanong ni Lance dito.

"Iinom nalang natin mamaya!" Sabi nito kahit masigla ang boses halata naman ang lungkot dito.

Hindi pala sila naging maayos kaya pala umuwi kaagad sya,nakaka lungkot naman hayy parehas pa talagang kaming sawi, sana nandito si Mina.

Napatingin si Geo sa banda sakin kaya yumuko ako..

"Who is she? Tanong nito "wag nyong sabihing stripper nyo ang aga aga ahh o inumaga?" Natatawang sabi pa nya

"Hoyy gago hindi nuhh!" Sabi ni Lance sa kanya

"Edi another girlfriend mo? Suot nya damit mo ohh"

"What the fuck Geo! Hindi nohh.. " tila naaasar na si Lance

Natatawa na rin ako sa mga pinag sasabi nila pero pinipigilan ko.

Umikot naman si Sir Geo para makita ang mukha ko. Kaya no choice naman ako kung hindi humarap dito

"H-hello Sir.." tipid na ngiti ko

"What the fuck!! Andrea??! Gulat na gulat sya nang makita ako.

Nagulat din ang tatlo sa reaction nya.

"Kilala mo?" Sabay sabay na tanong ng mga ito sa kanya.

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon