CHAPTER 12

589 19 1
                                    

Magkaharap kami ni tiya sa kusina, si Mina naman ay may bibilhin lang daw muna, siguro upang makapag usap kami ng maayos ni Tyang.

Simula nung dumating ako dito hindi ko pa nakita na ganito ka seryoso si tiya, hindi ko man alam kung ano pero kinakabahan talaga ako. Maka ilang beses pa siyang bumuntong hininga

"Mas magandang sakin mo na malaman Andrea kesa sa iba.. O kay Mr. San Diego pa mismo. " Pag sisimula ni Tyang

Nagulat ako sa sinabi nya alam ni tiya na San Diego si Aldritch? Pano?"

Naka ilang buntong hininga pa si tiya bago muling magsalita. Halata ang pangamba dito bakit ba kase natatakot na tuloy ako.

"N-nung una syang dumating dito sa bahay akala ko nagkamali lang ako..... Pero nang lumaon alam kong sya talaga yun. "

Tila naiiyak na ito sa mga sinasabi, hindi rin ako makapag salita parang may bumara sa lalamunan ko na kung ano kaya napatitig nalang ako kay Tiya

"Nagpapa salamat ako at wala syang maalala Andrea," Mahina nitong sabi.

"Tyang? B-bakit p-po a-ano ho ba yun?" Gulong gulo na ko

"Ang pinsan mo kase si Rex"

Dalawa lang kaming mag pinsan matanda ito sa akin ng tatlong taon, ang alam ko ay nag tatrabaho ito sa Manila. Matagal na rin ang ng huli kaming magkita, ang nag iisang kuya ko.

"Hindi ko alam kung ano ba pinag gagawa nya nun sa Manila, nalaman namin nagka utang sya sa mga San Diego matagal na at malaking halaga, milyon Andrea milyon, galit na galit ang tiyo mo dahilan para magka sakit sya," umiiyak nitong sabi

" May pumunta dito na abogado sinabihan kami na sinisingil na kame sa pagkaka utang at naka lagay sa kontrata na ang lupa ang kapalit may pirma ni kuya Rex mo, wala kaming magawa ipapa kulong daw ang kuya mo eh kaya nakipag kasundo kame na ibibigay nalang namin ang lupa, wag lang syang makulong, alam namin hindi kalakihan ang lupa kulang pa para sa utang nya"

"Pero pinag bigyan nya kame, isang araw mismong si Aldritch ang nag punta binigyan pa kame ng pera ng malaman nya ang ginawa ng kuya Rex mo."

"Nalaman nalang namin binili narin pala ni Mr. San Diego ang kalapit na mga lupa, para mapalawak nadin siguro ang pag aari nila at ng mga Montenegro."

"Galit na galit ang tiyo mo hindi daw nya ibibigay ang titulo, baka daw niloloko nya kami, naka ilang sulat ang dumating galing sa kanilang abogado pero matigas ang tiyo, mo hangang mamatay daw sya hinding hindi nito makukuha ang lupa.

" Hangang sa mamatay ang tiyo mo yun ang bilin nya,"
Napatigil ito ng ilang sandali bago muling nagsalita.

"Mga ilang linggo dumating sya, binigyan uli ako ng palugit sabi ko ibibigay ko ng matapos na pero ang totoo hindi ako pumunta Andrea nagtago ako, kaya nung dumating sya dito natatakot ako at nagpapasalamat nadin kase wala syang maalala." Ngumiti ito ng mapait "kahit alam kong mali nagpanggap akong walang alam."

"Nung nasa mansyon kayo ni Aldritch dumating nanaman ang kanilang abogado ipapakulong daw ako kung hindi ko pa ibibigay, lahat ng nandito naibenta na ang lupa at nasa kanila na ang titulo pero eto nalang ang meron kami Andrea ang ala ala ng tiyo mo, ayokong mawala sakin ito"

Humigpit ang hawak ko sa kamay nito. Mabait ang tiya ko, alam ko ganun din ang kuya Rex ko pero nasaan ba kase siya at kaylangan pa tuloy ni tiyang malagay sa ganitong sitwasyon.

Alam kong pwedeng ngang makasuhan ang tiya dahil hindi ito sumunod sa kontrata.

" Tyang, kakausapin ko po si Aldritch ipapaliwanag ko po ang lahat makikinig po sya sa akin alam ko, B-bago pa nya malaman sa iba baka akalain nya sinamantala natin sya para hindi makuha ang lupa."

"Bukas na bukas tyang pupuntahan ko po sya." determinado kong sabi. Tumango tango naman ito at ngumiti.

"Sana nga Andrea, sana nga"

Naka ilang baling na ba ako sa paghiga ngunit hindi parin ako maka tulog, ang dami kong naiisip yung mga sinabi ni tyang, si Tiffany at Aldritch, pano na pala ako kung piliin ni Aldritch si Tiffany.

Ayoko din namang maka sakit ng damdamin ng ibang tao

Ang sakit pala pag nagmahal.. Sabi nga nila hindi lahat ng pag ibig ay matamis..

Hindi ko alam kung saan ba dapat ako lumugar sinasabi ni Aldritch na ako ang mahal nya o sinasabi lang ba nya yun dahil wala syang maalala?

Hangang sa dinapuan din ako ng antok yun ang laman ng isip ko.



***



Nagpa alam na ako kay tiya na pagkatapos ko sa trabaho ay pupuntahan ko si Aldritch pero saan nga ba?.

Kung kilala silang pamilya madali ko yun matatagpuan diba?

"Hoyy Andrea malaki ang Manila nohh, saka hindi katulad ng lugar natin don na mababait halos ng tao halu halo ang mga tao doon" sermon ni Mina sa akin ng maikwento ko dito ang mga pangyayari she's my best friend. I trust her.

"Pero kase Mina kaylangan ko talaga maka usap si Aldritch. " Sabi ko sa kanya

"Sige sasama ako! May mga ka kilala ako dun kaya wag kang mag alala"

Nang bumukas ang pinto ng bakeshop ay parang sinagot agad ng langit ang panalangin ko

"Hi ladies.." Naka ngiti nitong sabi, its Geo

"Sir Geo!" Patakbo akong lumapit dito "anu pong ginagawa nyo dito..

" Dalawa lang yan drea kung hindi dahil pinuntahan ako ni sir pogi eh malamang dahil sa cake" pag mamalaking sabi ni Mina

Napakamot naman sa ulo ang lalaki. "amm actually nagustuhan ng kapatid ko yung cake dito kaya oorder uli ako".Masayang sabi nya

Naalala ko ang kapatid nya si Tiffany and her pretty face,

" k-kamusta na sila? " nag aalangan kong tanong

" Actually may ginagawa sila ngayon, kaya medyo busy"

"Amm Sir Ge pwede ko ba syang puntahan may sasabibin lang sana ako sa kanya." Tanong ko na kahit nahihiya ay naglakas loob na ako.

Taimtim itong naka titig sa akin "may problema ba Andrea?" mabilis akong umiling hindi nya dapat malaman yung tungkol saamin ni Aldritch ayoko syang masaktan kapatid nya si Tiffany. "May sasabihin lang po ako. "

Nagpaalam kami sa may ari via text na mag half day lang kami ni Mina para sumama kay Geo.

Sa isang hotel kami nagpunta pagka baba palang ay binati na agad ng mga staff si Sir Geo at sinabi nito na kasama nya kami.

"Bakit kaya sa hotel tayo nagpunta? Tanong ni Mina gusto ko dinmag tanong pero nanatili nalang akong tahimik.

Sa isang venue ng hotel kami tumuloy, marami naring tao mukang formal celebration ito halos lahat naka dress code kami lang ni Mina ang naiiba. Gusto kong manliit pero binulungan ako ni Geo " just relax babe." Parang nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa sinabi nya

"And now lets give them around of applause to our newly engaged couples Mr. Aldritch Lorenzo San Diego and Ms. Tiffany Cheng.

Sabi ng emcee, Parang gusto kong bumagsak nangangatog ang tuhod ko. Ayaw ko man ay napakapit ako sa braso ni Sir Geo.

" Bakit Andrea "tumingin ito sa akin na may bakas ng pag aalala. Si Mina naman ay hinahaplos ang likod ko. Parang nahilo ako na hindi ko malaman.

Ayaw ko man tumingin pa pero hindi ko maalis ang tingin sa dalawa. Parehas silang naka ngiti halatang masayang masaya sila. Akala ko ba?

"Bakit ang bilis naman yata kababalik palang ni papa Aldritch sa pamilya nya diba." tanong ni Mina kay Sir Geo.

"Hindi naman na kaylangang patagalin pa, siguro kahit nawala ang ala ala nya eh nakikilala naman sya ng puso nya, you know love can always find a way" naka ngiti nitong sabi

Kitang kita ko ng halikan ni Aldritch si Tiffany. Para akong hinihiwa ng pira piraso dahil doon kaylangan kong ng maka alis dito nahihirapan akong makahinga...!

Napa hawak ako sa dibdib ko ng may kamay na biglang humatak palabas sa akin.

Narinig ko pa ang pag tawag ni Mina sa pangalan ko maging  si sir Geo  pero hindi na ako naka lingon pa

Chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon