01. starting cradle

2.2K 60 0
                                    

- Catrina's POV -

Bigla na lang ako na gising at naramdaman ang kagat ng lamig sa mga balat ko.

". . .wala kang kuwentang bata ka, tumayo ka diyan!" Sigaw ni tatay habang dala-dala yung timba na ginamit niya sakin. Halos sumakit yung ilong at mata ko sa tubig. Tubig nga ba 'yon 'o acido?

Agad-agad naman ako napa-kalas sa higaan at maputlang tumayo sa harapan niya.

"Diba sinabi ko sayo na handaan mo ako ng almusal?" Lumapit siya sa akin, galit na galit yung mukha niya.

"Oh-opo. . ."

"Edi saan na? Hm? Ako pa ba ang maghahanap 'non? Ako pa ba ang mag-hahanda?!"

Tahimik na man akong naka tingin sa sahig. 'Bakit ba ang tanga mo Catrina?'

"Sagotin mo 'ko!"

"Hi-hindi po. . ."

Bigla na lang tinapon ni tatay yung timba, at nagulat na man ako.

"Eh, 'yun na man pala eh! Tumayo ka diyan at i-handa mo yung almusal ko!" Tinulak niya ako papunta sa kusina at agad-agad ko naman inihanda yung almusal niya. Hindi ko naman alam kung anong gusto niyang kainin, bahala na basta makagawa ako.

Sa sobrang pagod ko kagabi kaka-aral, ay hindi na ako naka gising nang umaga. 'Nako Catrina, pasalamat ka na lang at mukhang medyo na sa good mood yung tatay mo. Kung hindi, kanina ka pa pinatay nun.'

Sabi ko sa sarili ko habang ginagawa ang utos ni tatay. Basang-basa pa ako dahil doon sa tubig na binuhos niya sa akin, pero okay lang dahil hindi na man gaano kasakit. At least tubig lang yung tinapon at hindi kung ano-ano.

"Pagkatapos mo diyan, may sasabihin ako sayo."

Bigla akong naging interesado at talagang binilisan yung paggawa ng pagkain niya. Meron din akong naramdaman na konting kaba. Malay mo, baka hindi ako sang-ayon sa kung ano sasabihin neto.

Hindi nagtagal ay inabot ko na sa kanya ang plato at hinintay kung ano ang sasabihin niya.

"Alam mo kung anong bagay sayo? Tanong niya. Hindi naman ako agad naka sagot, "hindi ka nalang kaya mag-aral."

Biglang napatigil ang mundo ko sa sinabi ni tatay.

"P-po?"

Napatayo ako nang naka tulala, hindi pa nag si-sink in yung sitwasyon. Tiningnan niya ako nang masama at inulit yung sagot.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko, 'wag kana lang mag-aral!"

May sasabihin sana ako kaso inunahan ako ni tatay.

"Sayang ang pera ko. Hindi ka naman magaling sa kung ano-ano, hindi ka na man matalino, wala kang silbi."

"Sisikapin ko po nang mas lalo! 'Wag niyo lang po ako tigilan sa pag-aaral! Mag a-ayuda ako ng lubos dito sa bahay, please tay! Hayaan niyo lang po ako mag-aral!"

Napaluhod ako at umiyak, wala na ako iba pang magagawa kundi magmamakaawa sa kaniya.

"Sabi ngang ayaw! 'Bat ba ang tigas ng ulo mo?!"

"Simula bukas, huwag kanang pumasok sa iskwelahan. Mag-hanap ka na lang ng trabaho! Para may silbi 'din buhay mo dito!"

Sigaw niya at umalis. Iniwan niya ako na umiiyak sa sahig, ni hindi man lang lumingon sa aking direksyon.

My Little Moon - 𝗂𝗋𝖾𝗇𝖾 𝗆𝖺𝗋𝖼𝗈𝗌Where stories live. Discover now