03. bygone moment

1.3K 55 1
                                    


Maagang nagising si Imee knowing that she has quite a busy day today. All night long, she couldn't stop thinking about the girl and the fight with her sister.

She prepped herself and came downstairs, the house was quiet considering natutulog pa sila ni Irene at ni Mama Meldy. But as for their helpers, they were awake and doing their duties sa bahay nila.

Imee checked the time at agad-agad naman pinatawag yung driver niya na kunin yung kotse.

She decided to skip breakfast, kakain na lang siya pagbalik niya dito para sabay-sabay na silang lahat mag a-almusal.

"Manong! Yung kotse paki labas please," sigaw niya habang naghi-hintay sa garahe ng bahay nila. She expected Catrina to be waiting sa kalye kung saan sila nag-meet, so she made sure everything was right on time.

She waited for a while until she saw her car pull up and her driver opening the door for her.

"Saan po tayo Ma'am?" Tanong ni Manong Kaloy sa kaniya.

"Doon tayo sa may kalye na dinadaanan natin lagi, may susunduin lang ako."

Napatango naman ng ulo si Manong Kaloy and just like that, they were off. The ride towards their destination only took fifteen minutes and wala naman traffic so it made the journey more bearable.

Habang nakaupo sa loob ng kotse, Imee can't help but think about the words her sister said last night. It made her second-guess her decision. Alam na alam niya na tama ang mga sinasabi ng kaniyang utak, at lalong-lalo na ang mga sinabi ni Irene. Pero yung puso niya hindi mapakali. May iba talaga. 

'Lord, ikaw na ang bahala sa nara-ramdaman ko. . .' She thought, whilst staring outside the window and watched as the trees pass by in a blur. 

. . .

- Catrina's POV -

Nakatayo ako sa gilid ng kalsada, matiyagang naghi-hintay sa pagdating ni Ma'am Imee. Naalala ko yung sinabi niya sa akin, ayaw daw niya ng late.

So maaga akong dumating.

Kanina pa ako tumatayo dito, nauna pa yata ako sa sikat ng araw. Excited kasi eh. Maka-katrabaho na ako at pwede na akong mag-ipon para sa pag-aaral ko. Ang bilis talaga kumilos ng blessing. Parang pinlano in advanced. 

Hayst, ano kaya ginawagawa ko ngayon kung hindi ko nabanggaan si Ma'am Imee.

Siguro tinitiis na naman ang mga utos ni tatay. Speaking of, hindi alam ni tatay na nakakuha na ako ng trabaho, lalong-lalo na galing sa mga Marcos yung trabahong 'to. Magagalit 'yon, hindi siya sang-ayon sa pamilya ni Ma'am Imee, hindi ko nga alam kung bakit.

Masyado akong abala sa sarili kong pag-iisip kaya hindi ko napansin na nakaparada at bumaba na pala si Ma'am Imee sa kaniyang sasakyan.

"Hey, Hija—"

"Ay! shutang—" bigla akong napa sigaw at agad-agad naman tumahimik nung naunawan ko si Ma'am Imee pala 'yon.

"Sige, ituloy mo. First day mo palang uuwi ka na ka agad." Sabi niya na pa seryosong mukha.

Syempre natakot ako at dali-dali na tinakpan yung bunganga ko.

"Ay, sorry po."

Bumuntong-hininga siya at bahagyang tumawa, bago ako hinila papasok sa kotse at pinaupo sa tabi niya.

Nagulat naman ako sa bilis ng kilos niya at napatahimik na lang nung nakaupo na ako ng maayos.

"Manong, balik na po tayo sa bahay."

Tahimik lang si Ma'am Imee sa buong byahe namin. Mukhang may ini-isip na importante. Hindi na lang ako nag-abala sa kaniya kasi baka na stress lang sa trabaho.

My Little Moon - 𝗂𝗋𝖾𝗇𝖾 𝗆𝖺𝗋𝖼𝗈𝗌Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt