Chapter 1

17.7K 874 288
                                    

Keanna woke up from a notification. The message was from Cale with a link, and it was from their shared playlist.

Cale Karev
Hey sweetheart
Good morning
I love you
New on playlist
Pls check
Sunsets with you by Cliff
1:16

She immediately listened to the song. Eyes closed, Keanna's lips formed a smile while analyzing the lyrics.

After hearing the entire song, she replied, Good morning, Caleigh. 2:18, sweetheart. I love you!

Tinakpan ni Keanna ang mukha ng dalawang kamay. Aalis siya papuntang Metro, pero walang idea si Cale dahin hindi niya sinabi at gusto niya itong i-surprise.

Hindi na rin nag-reply si Cale. Alam ni Keanna na magiging busy ang araw nito dahil sa kabi-kabilang meeting.

It was eight in the morning. Late na siyang nagising kung tutuusin dahil gabi na siya natapos mag-empake ng dadalhin niya sa Metro.

Kahit na magkausap sila ni Cale kagabi, wala siyang binanggit dito tungkol sa pagluwas niya. Nagtanong lang siya kung ano ang gagawin nito at sinabing nasa opisina lang.

Isang linggo lang din ang na-file niyang leave. Kahit na sa kanila naman ang business, kailangan niyang magpaalam sa trabaho para sa papalit sa kaniya.

Pinatingnan na rin ng tatay niya ang kotse at totoo ngang naka-full tank pa iyon.

Mula sa hagdan, narinig ni Kea ang nanay at tatay niya sa kusina. Nag-uusap ang dalawa tungkol sa ipadadala sa kaniyang mga gulay at pasalubong para sa mga Karev.

"Taray! Excited 'yan?" pagbibiro ni Tadhana habang nakatingin kay Keanna. "Marami akong nabiling pasalubong. Magsawa kamo si Niana sa ube."

Nakita ni Keanna ang isang kahon at hindi na siya nagulat doon. Sa tuwing may luluwas ng Metro o kaya naman kapag bumibisita si Cale, palaging maraming padala ang nanay niya.

"Sure ka bang kaya mo?" tanong ni Keanu. "Puwede naman nating sabihan ang kuya mo. Nag-volunteer naman siya."

"Kaya ko po," paniniguro ni Keanna at niyakap nang patagilid si Keanu. "Thank po, Tatay! Thank you po sa pagpapa-check ng car and full tank."

Ngumiti si Keanu at inakbayan si Keanna bago halikan ang tuktok ng ulo. "Basta mag-update ka. Pagdating mo sa Metro, tawagan mo kaagad kami o kaya kapag naisipan mong mag-stopover, promise?"

"Promise po!" natutuwang sambit ni Keanna. "May ipapabili po ba kayo sa Metro? Kung meron po, sabihan n'yo lang po ako."

Inisa-isa ng nanay niya ang mga pinamili nitong gulay at prutas. Pati na ang iba't ibang klaseng pasalubong at binilinan siyang bigyan pati na ang mga helper sa mansion ng mga Karev.

Noong nanliligaw pa lang si Cale sa kaniya, nagkakilala na ang mga magulang nila.

Naunang magpakilala si Cale sa mga Tomihari at hindi makalimutan ni Keanna ang eksenang niloko ni Tadhana si Cale na kung totoong seryoso, dalhin ang mga magulang sa Baguio.

At isang linggo lang ang nakalipas, dumating ang mga Karev sa bahay nila para pormal na magpakilala.

Kung tutuusin, biro lang iyon ni Tadhana na sineryoso ni Niana, ang mommy ni Cale.

Ang ending, naging matalik na magkaibigan ang mga ito at halos buwan-buwan pa ngang nagpupunta ang mga Karev sa Baguio o minsan naman silang pamilya sa mansion ng mga ito.

Iyon din ang dahilan kung bakit nakilala ng nanay niya ang mga helper sa mansion ng mga Karev at nakakuwentuhan pa ang mga ito.

Walang pagdududa si Keanna kay Cale at gusto talaga niya ito noong nanliligaw pa lang sa kaniya. Hindi niya lang inasahan na magkakaroon kaagad sila ng meet the family.

Just About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon