Chapter 16

12.1K 574 204
                                    

Kahit ano ang gawin ni Keanna, hindi siya makatulog. Yakap niya ang unan na binili niya para maging kumportable sa pagtulog at iyon ang nagsisilbing harang sa kanila ni Cale.

Nakatalikod ito sa kaniya. Alam niyang natutulog ito at malamang na pagod sa byahe.

Tumingin siya sa orasan at alas tres pa lang ng umaga ngunit iyon ang oras ng gising niya. Nagugutom pa nga siya. Gustuhin man niyang bumangon para kumain, tinatamad siya.

Muli niyang ipinikit ang mga mata. Naisip niyang kausapin nang maayos si Cale kinaumagahan para linawin kung ano man ang nangyari.

Valid ang galit ni Cale sa kaniya. Kasalanan niya ang lahat.

Hindi niya malayang nakatulog ulit siya at nagising nang walang katabi. To her shock, it was already ten in the morning. Naririnig niya ang malakas na ulan mula sa labas ng bahay.

Sarado ang bintana kaya madilim ang kwarto niya. Maingat siyang bumangon para maligo bago bumaba. Ramdam na ramdam niya ang gutom. Isa iyon sa epekto sa kaniya ng ipinagbubuntis.

Keanna stared at herself in the mirror. She gained weight, but not too much. It was all the pregnancy.

Nagsuot siya ng kumportableng jogger pants at simpleng T

Mula sa hagdan, naririnig ni Keanna ang boses ng nanay niya. Malakas itong tumawa kasunod ng boses ni Cale na binanggit ang mga magulang nito.

Sumandal siya sa pader at nakinig lang muna. Hinaplos niya ang tiyan. Iniisip niya kung ano ang puwedeng gawin sa maghapon kung sakali mang ayaw pa rin siyang kausapin ni Cale.

Tuluyang bumaba si Keanna at nagsalubong ang tingin nila ng tatay niya. Katabi nito si Sarki sa mahabang sofa. Nakangiti siya sa mga ito.

"Oh, gising ka na pala." Tumayo si Keanu. "Nagluto ako ng sinigang na hipon para sa lunch, pero meron ding champorado. Ano'ng gusto mo?"

Nilingon niya si Cale na nakayuko at humarap sa phone. Ibinalik niya ang tingin sa tatay niya na nawala ang ngiti. "Champorado na lang po muna," aniya. "Tatay, gusto ko ng melon shake. Meron pa po ba?"

"Wala nang melon, Kea." Si Tadhana iyon na nakaupo sa gilid ng sofa. "Bili na lang kami mamaya ni tatay pagtumila na 'yung ulan. Kain na na muna roon."

"Kumain na ba kayo?"

Tumango ang mga ito. Kausap ng kuya ni si Cale at hindi niya alam kung ano ang topic ng dalawa dahil parehong nakatingin sa phone.

Hindi na nagsalita si Keanna at iniwan ang mga ito sa sala. Pumasok siya sa kusina para kumain. Naririnig niya ang kwentuhan sa sala dahilan para bumigat ang dibdib niya lalo nang marinig ang tawa ni Cale.

Kahit nahihirapang lumunok dahil sa pagpipigil ng iyak, pinilit niyang tapusing kumain dahil gutom siya.

At nang matapos, basta na lang niyang iniwan ang mga tao sa sala na natigilan sa pag-uusap at saka siya umakyat sa kwarto para magbihis. Hindi niya matatagalan ang ganoong sitwasyon kaya aalis na lang siya at papasok sa opisina.

Nilingon niya ang bintana at medyo humina ang ulan. Mukhang nakikisama sa kaniya.

"Saan ka pupunta, Kea?" tanong ni Sarki pagbaba niya ng hagdan. "Papasok ka?"

Pinilit ngumiti ni Kea at isinukbit ang bag. "Yup. May tatapusin akong report na kailangan nito Tito Fidel bukas. Pasok na lang muna ak—"

"Puwede mo namang sabihin kay Fidel na 'wag na muna," sabi ni Tadhana.

Patagilid na nilingon ni Keanna si Cale. Nakatingin ito sa kaniya at tahimik ngunit salubong ang kilay.

"Aalis na muna 'ko." Hindi niya inalis ang tingin kay Cale. "Magpahinga ka na lang muna riyan."

Just About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon