Chapter 8

11.3K 497 140
                                    

Keanna had no idea that Cale was admiring her while she was busy talking to a client, and he could listen to her explaining things the entire day if he had a chance.

The office door was open, the reason why he could hear his girl. Mukhang mayroon itong bibilhing bagong property. Nabanggit din naman kasi ni Keanna na lumalago ang real estate ng mga Tomihari.

Nakaharap naman si Cale sa laptop at paulit-ulit na binabasa ang email na natanggap niya galing sa New York University. Nakalista roon ang mga requirement na kailangan niyang ipasa at ilang bagay na kailangan niyang gawin para sa admission.

Pumasok si Keanna sa loob ng opisina niya at naabutan si Cale sa sofa at nakaharap sa phone ngunit kaagad iyong itinago nang makita siya.

"Sorry." Dumukwang ng halik si Keanna sa labi ni Cale bago dumiretso sa sariling swivel chair. "Kausap kasi ni Kuya yung mga 'yun. Nakatira sila sa medyo mataas na parte ng Baguio and interested na ibenta 'yung property, mukhang gusto rin naman ni Kuya."

Itinago ni Cale ang phone at hinarap si Keanna. "Ikaw, nakita mo na ba 'yung place?"

"Yup." Nagsimulang mag-type si Keanna para na rin mag-send ng report tungkol sa naging pag-uusap nila ng kliyente. "Para gawing transient, actually sobrang ganda niya kasi ang ganda ng view lalo sa sunrise at sunset. Medyo may kamahalan lang talaga kasi maganda talaga 'yung view. Nakadepende 'yung magiging desisyon kay Kuya kasi siya naman ang mag-aasikaso n'on."

Tumango-tango si Cale at pumunta sa may table ni Keanna para tingnan ang pictures ng sinasabi nitong property. Maganda nga at paniguradong bebenta iyon, pero may kamahalan.

"Are you sure na okay lang na nandito ako sa office mo?" Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ni Keanna. "Baka nakakaistorbo ako?"

"It's okay. May ida-draft lang akong email and contract na pinapaayos ni Kuya sandali kasi site viewing siya sandali tapos puwede na raw akong umalis," sagot ni Kea. "May gusto ka bang puntahan?"

Umiling si Cale at naupo sa visitor's chair na nasa harapan ng mesa ni Keanna. "Wala naman. After this, kung gusto mo, mag-ikot lang tayo sandali tapos uwi na?"

"Sige, wala rin akong balak gawin. Gusto mo tapusin na lang natin 'yung series na hindi ko matuloy panoorin kasi nga medyo busy ako?" Nag-stretch si Keanna. "Parang gusto kong tapusin kasi after ng small vacation ko, magiging busy na ulit ako."

"Sure," Cale responded and stood up. "Let's finish it."

Nagsimulang magtrabaho si Keanna kaya naman hindi na muling nagsalita si Cale para mas mabilis itong matapos. Ipinalibot naman niya ang tingin sa opisina ng girlfriend niya.

Maliit lang iyon kumpara sa sarili niyang opisina. Gusto niyang mag-suggest na maglagay ng maliit na sofa para kapag gustong matulog o magpahinga ni Keanna, puwede, pero alam niyang hindi ito papayag.

Keanna was a little workaholic, and Cale knew that.

Sa maghapon, hindi ito tumitigil at madalas na kapag magkausap sila sa video call habang nagtatrabaho, seryoso ito sa ginagawa. Siya na minsan ang gumagawa ng paraan para magpaalam at hindi na ito maabala.

Mayroong bintana sa gilid ng lamesa ni Keanna. Wala ring bookshelves o kahit na anong naka-display. Mayroong shelf, pero para sa mga papeles. Mayroon ding filing cabinet na walang design, and Cale would say that his girlfriend's office was boring.

Hindi kumikibo si Keanna, pero base sa pagtingin ni Cale sa opisina niya, alam niyang marami itong gustong sabihin. Minsan na rin kasi nitong sinabi na magandang ayusin ang opisina niya and she got the message.

For Cale, her office was boring . . . and she wasn't wrong when Cale looked at her.

"Ano?" kalmadong tanong ni Keanna habang nakatingin pa rin sa computer. "Ano'ng gusto mong i-suggest?"

Just About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon