Chapter 17

13.1K 627 184
                                    

"So, how are you feeling naman?" Naupo si Vianne sa gilid ng kama ni Keanna. "I'm super tampo na you didn't even let me know about my niece!"

Yumuko si Keanna at hindi sinagot ang sinabi ni Vianne. Kararating lang ng mga ito galing sa Manila at kagigising lang din niya. Tanghalian na nga kung tutuusin.

"Anyway, it's fine. You do you." Humiga si Vianne. "So, are you excited to see the baby? Nakaisip ka na ba ng name?"

Umiling si Keanna. "Hindi pa, Ate. Pag-uusapan na lang siguro namin ni Cale," aniya at tumayo. "Hindi pa rin kasi ako kinakausap, e."

"Hmm." Vianne squinted at Keanna. "That's what I don't like about my brother. Nakuha niya ang ugali ni daddy when it comes to silent treatments and it's annoying. I remembered na palaging napapagalitan ni mommy si daddy because of that."

"Kasalanan ko naman, Ate." Hindi naman iyon lingid sa kaalaman ni Keanna. "May rason naman siya para magalit."

"Kahit na!" Bumangon si Vianne at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi niya. Salubong ang kilay nito. "Still, he has to talk to you. Nako, I'll pingot that guy talaga."

Natawa si Keanna at nagpaalam sandali kay Vianne dahil maliligo na rin muna siya bago harapan ang parents ni Cale. Alam naman niyang mababait ang mga ito, pero hindi rin kasi basta-basta ang ginawa niya.

Samantalang kumatok si Cale sa kwarto ni Keanna at walang sumagot. Pumasok siya at naabutan ang ate niyang nakahiga sa kama, nakaraharap sa phone at inirapan siya.

"She's naliligo." Sinamaan siya ng tingin ni Vianne. "Ikaw, you're not talking to her yet? Bastos ka talaga." Pabulong ang pagkakasabi ng ate niya. "She's pregnant. Hello?"

Hindi sumagot si Cale at kinuha ang phone niya na nasa bedside table. Sandaling namayani ang katahimkan sa kanila ng ate niya. Busy ito sa phone, siya naman ay naghahanap ng puwedeng gawin habang hinihintay si Keanna.

"You're so like dad." Malalim na huminga si Vianne. "Cale, please, 'wag ganiyan."

Sinalubong niya ang tingin ng ate niya.

"If Kea's done, bumaba na raw kayo," ani Cale at binuksan ang pinto. "Lunch is almost ready na. Saan ka pala mag-room?"

"Here." Vianne raised her brow.

"What?" Cale frowned. "This is Kea's room."

Vianne smiled. "So? Dito ako matutulog."

"I'm sleeping here," Cale hissed.

"But you're not talking to her naman so I'll stay here na lang," sabi ng ate niya. "At least we'll have time to talk about things, about the baby, and all. Baka mag-isip na rin kami ng name. Kami na lang since hindi mo naman kinakaus—"

Tumigil sa pagsasalita si Vianne nang bumukas ang pinto. Lumabas roon si Keanna na katatapos lang maligo at basang-basa pa ang buhok.

"Lunch is ready," ani Cale habang nakatingin kay Keanna. "Tita Tadhana's asking if mango, watermelon, or strawberry?"

Sinuklay ni Keanna ang buhok. "Pakisabi na lang na mango. Gusto ko na lang 'yong strawberry sa condensed milk."

Tumango si Cale at lumabas ng kwarto. Ipinagpatuloy naman ni Keanna ang pagtuyo sa buhok niya, at nagsuot ng extra hoodie dahil medyo naging ginawin siya simula nang magbuntis.

"Baba na tayo?" pag-aya niya kay Vianne. "Saan ka pala mag-sleep, Ate? Sa third floor ba na guest room? Favorite mo 'yong sunrise doon, e."

"Dito ako sa room mo," ani Vianne. "Tutal hindi ka naman kinakausap ni Caleigh, tayong dalawa na lang ang magkwentuhan."

Just About UsWhere stories live. Discover now