Chapter 23

12.5K 506 31
                                    

Cale knew that Keanna was still adjusting. It had been two weeks since they transferred to Manila. Sa pananamit pa lang, nakita na niya ang pagbabago sa asawa.

"Naiinitan ka pa rin?" tanong ni Cale kay Keanna na nakahiga sa sofa ng sala. Pinindot niya ang remote ng aircon. "Wait, sweetheart."

"Okay lang ako, uy!" Keanna gazed at Cale and smiled. "Masiyado kang nag-aalala. Okay lang ako."

Cale frowned. "Pero mukha kang naiinitan."

"Medyo, pero okay lang. Hindi naman ganoon kalamig sa Baguio para mag-alala ka. I'm okay," paniniguro ni Keanna. "Hindi ka lang sanay na super shorts and sando ako ngayon. Okay lang ako, swear."

Ngumiti si Cale at malalim na huminga. Alam niyang bukod sa weather, malaking adjustment kay Keanna na hindi nito kasama ang mga magulang.

He knew Keanna wouldn't say anything about it, but he could feel it. Some of him knew it would be hard for Keanna, but she did it for their small family.

Naupo si Cale sa dulo ng sofa, sa paanan ni Keanna. Nanonood ito ng TV habang nakahiga.

Sa pananamit, mas madalas na nakamaikling short si Keanna at sando dahil medyo naiinitan naman talaga. Bukod siguro sa pagbubuntis, hindi ito kumportable sa init ng Manila.

Keanna lived her whole life in Baguio, and it was one of the adjustments she had to face.

"Sweetheart, okay lang ako." Napansin ni Keanna ang pananahimik ni Cale. "Ikaw, palagi kang nag-o-overthink simula nung nakarating tayo rito."

Pilit na ngumiti si Cale. "Naisip ko kasi na baka nami-miss mo sila roon."

"Oo naman, siyempre," pag-aamin ni Keanna. Maingat siyang bumangon at naupong katabi ni Cale. "Hindi naman maiiwasang ma-miss ko sila sa Baguio, pero ito na ang reality natin, Caleigh. Kasal na tayo, mag-asawa na tayo. Alangan namang LDR pa rin tayo?"

Natawa si Cale at pinagsaklop ang kamay nilang dalawa. "Gusto mo bang mamasyal sa kanila?"

"Hindi muna ngayon. Medyo nahihirapan na rin kasi ako sa pagbubuntis ko, e. Bukod sa inaantok ako, parang hindi ko kakayanin kapag sobrang tagal ng byahe." Inihiga ni Keanna ang ulo sa balikat ni Cale. "Dito na lang muna tayo. Sinabi rin naman ni Nanay na sila ang bibisita rito sa susunod."

Humigpit ang hawak ni Cale sa kamay ni Keanna at pinag-usapan nila ang tungkol sa bahay nila. May mga bagay pa rin kasi silang gustong idagdag at ayusin.

Kumpleto na sa appliances at mga basic na gamit ang bahay pagdating nila tulad ng mga kama, sofa, at dining table.

"Sure ka bang ayaw mong ipagawang nursery 'yung isang room?" tanong ni Keanna.

Umiling si Cale. "We have lots of time. Until two years old namang magtutulog sa room natin si baby. Ayaw kong sa ibang room siya. I want her to sleep beside us."

Ngumiti si Keanna at nakinig sa mga plano ni Cale para sa anak nila dahil gusto nitong maging hands on.

Nag-decide silang hindi kumuha ng helper at silang dalawa ang gagawa sa lahat. Gawaing bahay man o pag-aalaga sa anak nila, silang dalawa.

"Puwede naman tayong mag-hire ng cleaner. I plan na every week, ipapa-general cleaning natin itong bahay or maybe every two weeks," pagpapatuloy ni Cale. "But if you want, we can hire, of course."

Agree si Keanna sa gusto ni Cale. "Gusto ko rin na hands on tayo. Maliit lang din naman 'tong bahay, kaya na nating dalawa."

Hinalikan ni Cale ang tuktok ng ulo ni Keanna.

"Kelan ka pala papasok sa office?" Humiwalay si Keanna kay Cale.

"Wala pa," ngumiti si Cale. "Actually, ayaw akong papasukin ni daddy. He wants me to stay with you during pregnancy until after giving birth. 'Yung tasks ko naman daw, puwede sa bahay lang and I accepted."

Just About UsWhere stories live. Discover now