Epilogue

18.3K 723 275
                                    

"Keeva, are you ready?" Sinilip ni Cale ang panganay niya at tapos na itong magsapatos. "Are you excited?"

Keeva stood straight and nodded. "Yes, papa. We're going to ride the Ferris Wheel, too? I want! I saw your picture with mama, eh. I want din!"

"We will," Cale chuckled. "Pakikuha mo 'yung comb and ponytails mo, Keeva. Mama's still fixing Kyros kaya ako na mag-braid ng hair mo. Braid or ponytail lang?"

Sumandal si Cale sa pader at hinintay ang sagot ng anak niya. Naningkit pa ang mga mata nito habang nag-iisip kahit na alam na rin naman niyang braid ang sagot, fishtail pa.

"Fishtail, papa." Tumalikod ito at kinuha ang mga gagamitin nila sa sariling vanity sa kwarto.

Naghintay si Cale sa living area. Nagbasa muna siya ng messages galing sa secretary niya dahil nagpaalam siyang hindi na muna papasok. Walang class ang mga anak nila kaya nag-aya siya na magpunta sa kung saan.

Keeva and Kyros chose the amusement park, and Keanna giggled, too.

Naupo si Keeva sa tabi niya at inabot ang suklay at ponytails bago tumalikod. Maingat niyang sinuklay ang mahabang buhok ng anak at tinatanong kung kumusta ang school.

Cale learned how to tie and braid his daughter's hair. Nahirapan siya noong una, pero nag-volunteer naman si Keanna na pagpraktisan niya ang buhok nito kaya naging madali ang lahat sa kanila.

As much as he could, kahit na busy silang mag-asawa, focused sila sa mga anak nila. Keeva was seven, Kyros was five. Ipinagpapasalamat din nila hindi sila pinahihirapan ng mga ito.

"Kee—"

Tumigil sa pagsasalita si Keanna nang makita ang mag-ama niya sa sala. Cale was casually braiding Keeva's hair into a fishtale while their daughter was patiently waiting. Hawak naman niya si Kyros na katatapos lang niyang bihisan.

"Done na kayo?" tanong ni Cale kay Keanna. "We're almost done. Ang ganda ng hair ni Keeva, sweetheart. It's soft and bouncy. Almost . . . almost." Inayos ni Cale ang dulo. "There. All done."

"Thank you, papa," Keeva stood up. Kinuha nito ang maliit na pouch ng ponytail at suklay para ibalik sa kwarto.

Lumapit si Kyros kay Cale at ipinakita ang bagong relong suot. Regalo iyon ng daddy niya sa anak nila noong nag-birthday ito. Ipinakita rin niya ang relong regalo sa kaniya ng daddy niya.

"This was my grandfather's watch," Cale smiled at Kyros. "I never met him because my grandparents passed away even before Tita Vianne was born."

Kyros was looking at his watch.

"One day, when you're older, I'll give this watch to you, too." Ginulo ni Cale ang buhok ng anak niya. "And you're gonna have to take care of it so you can also give this to your son."

Samantalang palihim na nakikinig si Keanna sa mag-ama niya. Lumabas si Keeva at sumali sa usapan nina Cale at Kyros habang nagkukuwento ito tungkol sa mga magulang nila.

Cale told their kids to love their grandparents and it was one thing she loved about her husband. Gusto ni Keanna na marespeto ang asawa niya sa mga magulang nila dahil iyon din ang rason kung bakit marespeto ito sa kaniya.

She knew that her husband was raised right.


↻ ◁ II ▷ ↺



Sa daan, walang tigil sa tawa si Keanna habang pinakikinggan ang mga kwento ni Keeva sa school. Tiningnan niya ang reaksyon ni Cale dahil nagsalubong ang kilay nito, mukhang hindi gusto ang naririnig.

Keeva was talking about Lucien. Anak ito ni Julien at Asia na kaklase ng anak nila simula noong nag-playschool ang mga ito.

"Then what did he do?" tanong ni Cale sa mababang boses. "Next time, kapag kinulit ka niya tapos hinila niya ulit 'yung hair mo, punch him in the face, Keeva."

Just About UsWhere stories live. Discover now