Chapter 26

12.5K 531 161
                                    

Pinanindigan nina Keanna at Cale na wala silang helper sa bahay lalo na pagdating sa pag-aalaga kay Keeva. Sa tuwing kinakailangan nilang iwanan ang anak, magulang nila ang tinatawagan.

Cale was too careful, and Keanna understood.

Habang nagluluto ng dinner si Keanna, naririnig niya ang tawanan nina Cale at Keeva na nasa sala. Sinilip niya ang dalawa. Nakahiga si Cale sa carpeted floor at nilalaro ang nakadapang anak nila.

Keanna was always thankful that she knew she had chosen the right man to be her daughter's papa. Araw-araw niyang ipinagpapasalamat iyon.

Tumingin si Cale sa kaniya at ngumiti. "Hi, sweetheart. Kakain na tayo?"

"Hindi pa. Medyo matigas pa 'yung meat kaya wait lang natin," sagot niya at naupo sa sofa. "Ang laki na ni Keeva. Hindi na ako magugulat na isang araw, maglalakad na 'to, e."

"Hindi pa ako ready," sumibi si Cale na ikinatawa ni Keanna. "I don't want my baby to grow up yet."

Ikinangiti ni Keanna nang basta na lang isubsob ni Cale ang mukha sa leeg ng anak nilang humagikgik naman dahil ang akala ay hinaharot ng ama. Walang ideya ang anak nila na araw-araw kinatatakutan ni Cale na dumating ang araw, lalaki na ito kahit na matagal pa naman talaga.

Tumayo si Keanna at bumalik sa kusina.

Gusto niyang maging independent si Keeva tulad nila ni Cale, pero sa nakikita niya, mukhang masyadong attached ang asawa niya sa anak nila at mayroong posibilidad na maging papa's girl pa nga ito.

Ilang buwan na ring pumapasok sa office si Cale, ganoon din si Keanna. Nasa iisang building lang sila at magkaibang floor lang ngunit mas madalas si Cale sa kaniya dahil naroon si Keeva.

Keanna's office was designed for a baby, too. Halos nagmukhang nursery na iyon dahil mayroong crib, kumportable ang sofa, may mga laruan, at pati na ang kulay, para sa baby talaga.

Walang reklamo si Keanna.

Habang kumakain, si Cale naman ang nagpapakain ng mashed potato kay Keeva na nakaupo sa sarili nitong upuan na pang-baby. Inobserbahan lang niya ang asawa niya na humahagikgik pa nga.

Nanatiling tahimik si Keanna at minsang ngumingiti

Alam ni Cale na kahit hindi magsalita si Keanna, malaliim ang iniisip nito. Hindi siya nagtatanong dahil alam niyang magsasabi rin ang asawa niya kapag handa na. Bahagya niyang tiningnan ang asawa na nakayuko habang hinahalo ang sabaw.

"Sweetheart, gusto mo bang pumunta sa Baguio this weekend?" tanong ni Cale. "Wala akong meeting or anything. Ikaw?"

Nagsalubong ang kilay ni Keanna. "Puwede naman. Wala rin naman akong gagawin this weekend. Kung free ka, puwede naman tapos balik na lang tayo ng lunes."

"Gusto mo munang mag-stay roon kahit mga one week?" Kumportableng sumandal si Cale at nilingon si Keeva na nilalaro ang kutsara. "Hindi pa naman sigurado, pero baka kasi pupunta ako ng Dubai next week?"

"Ah, oo. Nabanggit mo nga 'yan noong nakaraan," sagot ni Keanna. "Sabi sa 'yo pumunta ka, eh. Okay lang naman kami ni Keeva."

"I'm still thinking about it," Cale breathed. "Kung sakali man, gusto mo sa Baguio na lang muna kayo habang wala ako rito? Para may kasama ka kay Keeva?"

Tumango-tango si Keanna at tipid na ngumiti. "Oo naman, sige lang. Kelan ba 'yung alis mo kung sakali?"

"By Wednesday pa naman," sagot ni Cale at nilingon si Keeva.

Kinagat ni Keanna ang ibabang labi habang nakatingin sa asawa niya. Bukod sa halata sa mukha ang lungkot, halata rin sa boses na parang nilulunok ang bawat sinasabi. Hindi sincere at hindi masaya.

Just About UsKde žijí příběhy. Začni objevovat