Chapter 15

14.3K 648 170
                                    

Nanatiling nakatayo si Keanna sa labas ng sasakyan ni Cale. Dama niya ang bigat sa pakiramdam at awtomatiko siyang napahawak sa tiyan. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan nilang dalawa at ang nasa isip niya ay bahala na.

Malalim siyang huminga bago pumasok sa sasakyan. Diretsong nakatingin si Cale sa harapan habang nakahawak ang isang kamay sa manibela.

"Saan mo gustong pumunta?" ani Cale nang hindi tumitingin sa kaniya. "May gusto ka bang kainin? Puntahan?"

Umiling si Keanna. "W-Wala. Ikaw, baka meron kang gusto?" Mababa ang boses niya habang nakatingin kay Cale.

Hindi nagsalita si Cale at pinaandar ang sasakyan.

Kung sa ibang pagkakataon, malamang na masayang nagkukuwento si Cale tungkol sa biyahe nito o kung ano pa man habang nakahawak sa kaniya ang isang kamay.

Palihim na nag-observe si Keanna. Nakahawak ang dalawang kamay ni Cale sa manibela at seryoso ang mukhang nakatingin sa daan. Sakto lang ang takbo ng sasakyan at nakabibingi ang katahimikan. Ultimong paghinga nilang dalawa, naririnig niya.

Nilingon niya ang bintana at doon na lang nag-focus. Kasalanan naman niya kung bakit ganoon ang trato sa kaniya ni Cale. Deserve niya ang galit nito, deserve niya ang silent treatment.

Hindi na nagtanong si Keanna nang makitang papunta sila sa daan pauwi sa bahay nila. Inilabas na lang niya ang phone niya at nag-message sa assistant niya na kailangan niyang umuwi bago siya muling tumingin sa labas.

"Nagugutom ako," mahinang sambit ni Cale. "May pagkain ba kayo sa bahay?"

"As far as I know, wala dahil wala sina Nanay. Wala rin si Kuya Saki kasi may pinuntahan. Maglulu—"

"No." Cale maneuvered the car to the right. There was a nearby restaurant. "Dito na tayo kumain."

Keanna nodded without saying anything. Malalim ang bawat paghinga niya dahil hindi siya sanay sa treatment ni Cale at malayo ang paraan ng pakikipag-usap sa kaniya.

Paghinto ng sasakyan, kaagad na bumaba si Cale nang walang sinasabi. Sumunod si Keanna at sabay silang pumasok sa loob ng restaurant. Malamig na nga dahil medyo maulan, malamig pa ang pakikitungo ni Cale sa kaniya.

Akmang hahawakan niya ang kamay ni Cale nang ipasok nito ang kamay sa bulsa ng pantalon at nakipag-usap sa receptionist para hanapan sila ng magandang upuan.

Tipid na ngumiti si Keanna at sumunod. Naunang maupo si Cale sa harapan niya.

Muli, kung sa ibang pagkakataon, magkatabi silang dalawa at malamang na nakikipaglokohan ito sa kaniya. Malamang na hinahaplos ang likuran niya o sinusuklay ang buhok niya gamit ang sariling mga daliri.

"I'll take the steak with mashed potato and salad on the sides," sabi ni Cale sa waiter na lumapit sa kanila. "I want a rootbeer, too."

Tumingin kay Keanna ang waiter at tipid na ngumiti.

Kaagad na umiling si Keanna. "No orders from me." Ngumiti siya at sinalubong ang tingin ni Cale. Salubong ang kilay nito. "Busog pa ako. Galing kasi ako s—"

Nagulat siya nang tumayo si Cale. "Then let's just go home."

"Gutom ka 'di ba? Okay lang ako," nakangiting sabi ni Keanna.

"Kakain ako mag-isa?" mahinang sambit ni Cale.

Umiling si Keanna. "No, I'll eat some dessert," sagot niya kahit na busog naman talaga siya. "Or do you have some soup? Gusto ko sana ng mainit na soup."

"Yes, ma'am. We have mushroom soup, tomato soup, clam chowder, and creamy pumpkin soup." Ipinakita ng waiter ang menu. "The bestseller is the clam chowder."

Just About UsWhere stories live. Discover now