Chapter 25

14.3K 568 83
                                    

Busy si Keanna sa paglilinis ng kusina. Katatapos lang nilang mag-breakfast ni Cale at sakto namang nagising si Keeva. Salitan naman sila sa pag-aalaga sa anak nila.

Apat na buwan na rin ang nakalilipas nang manganak si Keanna at sa araw-araw, hindi naman sila pinahirapan ng anak nila. Mabait na baby si Keeva dahil hindi ito iyakin at madalas na sila pa ni Cale ang mag-i-insist na buhatin na lang.

Masaya sina Cale at Keanna nang sila lang, pero simula nang dumating si Keeva, mas may isasaya pa pala sila.

Wala sa plano nila noon ang mag-anak kaagad. They were young and had lots of things to do, but no regrets.

Siguro kung babalikan nila ang panahon, naisip nilang pareho na mas naging maingat at planado ang lahat. Walang pagsisisi pagdating kay Keeva, pero ayaw nilang i-normalize ang pagbubuntis nang hindi handa.

Mayroon silang mga planong hindi na natuloy, mga na-postpone na gawain, at mga trabahong hindi na naasikaso. Again, no regrets, but it could've been prevented.

Sinilip ni Keanna ang mag-ama niya. Nakaupo si Cale sa hammock na nasa likod ng bahay nila na mayroong punong nagsisilbing silong kalong si Keeva. May hawak itong librong pambata at mukhang binabasahan ang anak nila.

Bigla niyang naalala ang tatay niya. At the age of three, Keanna learned to read because Keanu had been reading her stories since she was born.

Nope. Mali.

Simula nang ipagbuntis siya ng nanay niya, binabasahan na siya ng libro at nakikita niya iyon kay Cale. Bago matulog, nagbabasa si Cale ng kahit na anong libro para kay Keeva.

Sa tuwing nasa garden ang mag-ama, kung hindi naglalaro ay nagbabasa rin ng libro.

"Ano'ng binabasa n'yo?" Lumapit si Keanna sa mag-ama.

Ngumiti si Cale at ipinakita sa kaniya ang librong The Little Prince na regalo sa kanila ng mommy ni Cale.

Lumebel si Keanna kay Keeva na kaagad na tumingin sa kaniya. Their daughter round eyes were glistening. Bumagay rin sa maliit na mukha ng anak nila ang mahabang pilikmata nito na dahilan para mas lalo itong magmukhang manika.

Apat na buwan pa lang ang anak nila, naka-clip na ang buhok nito sa harapan dahil medyo natatakpan na ang mga mata kaya naman panay ang nood ni Cale ng mga video sa internet kung paano ayusin ang mahabang buhok ng mga sanggol.

"Hello, Keeva." Hinawakan ni Keanna ang maliit na kamay ng anak na huwamak din sa daliri niya. "Nagbabasa kayo ng dada? Hindi pa ikaw hungry?"

Keeva's hand and legs moved as Keanna talked to their daughter. Humahagikgik pa nga ito habang nakatingin sa kaniya.

"Ano'ng oras tayo pupunta sa bahay?" tanong ni Cale.

"Kahit after lunch na lang siguro. Patulugin na rin muna natin si Keeva kasi for sure, kapag dating sa inyo, hindi 'yan makakatulog." Tumayo si Keanna. "Ayusin ko na muna 'yong mga dadalhin nating gamit. Dumating na rin daw sina nanay, e."

Nag-invite ang parents ni Cale para sa wedding anniversary ng mga ito at mag-i-stay sila sa mansyon ng mga Karev ng dalawa hanggang tatlong araw. Naroon din kasi ang parents ni Keanna.

It was just a simple family gathering.

Pag-akyat ni Keanna sa kwarto, nilinis niya ang kama nila. Katabi nilang matulog ang anak nila at mayroon lang crib na kunektado sa mismong kama.

Cale wanted Keeva to stay with them until their daughter was two. Keanna was okay with it. Wala namang kaso sa kaniya.

Mula sa kwarto nila, sumilip si Keanna sa bintana at nakita si Cale na hinahalikhalikan ang leeg ng anak nilang humahagikgik pa nga.

Just About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon