Chapter 10

10.4K 470 41
                                    

Pinanood ni Keanna kung paanong magluto si Cale. Nag-request siya ng afritada na maraming carrots dahil bigla siyang nag-crave. Galing sila sa palengke noong umaga bago dumiretso sa isang transient nilang may kalayuan dahil iyon na lang ang bakante.

Mahilig magluto si Cale. Si Keanna rin naman, pero hindi masyado dahil spoiled siya sa kuya at tatay niya.

"Sweetheart, what's with the face?" Cale asked when he noticed that Keanna was intently looking at him. "You missed me that much?" he teased.

Keanna nodded and walked towards Cale. She hugged him from the side and he had the chance to kiss her forehead. Both were quiet until Cale proceeded to slice some carrots.

"Na-miss kita." Keanna buried his face on Cale's shoulder. "Ilang araw ka rito?"

Cale breathed. Hard. "Three days, sweetheart. Flight ko na kasi sa two days after and I needed to fix some things before I leave. Hindi ako masyadong magtatagal."

Pumikit si Keanna sa narinig at nanatiling tahimik. Marami siyang gustong sabihin at itanong, pero mas minabuti na lang niyang hindi. Nagkunwari siyang masaya, sinabing excited sa pictures na puwedeng makuha ni Cale sa New York, pero sa loob-loob, natatakot siya sa mga susunod na mangyayari.

Sandaling iniwan ni Keanna si Cale sa kusina para maghanap ng movie na puwede niyang panoorin.

Keanna wasn't fond of watching movie alone. Nagagawa lang niya iyon kapag kasama niya ang parents at kuya niya sa bahay o kaya kapag kasama si Cale.

Patagilid siyang nahiga sa sofa at niyakap ang isang unan. Hindi niya sinasadyang haplusin ang tiyan niya at inisip na nasa loob ng sinapupunan niya ang bunga nila ni Cale . . . at wala itong kaalam-alam.

Cale called Keanna's attention but she didn't respond. He was right when he checked that Kea fell asleep hugging a pillow while a movie was playing.

Lumuhod siya at hinaplos ang pisngi ng kasintahang mahimbing na natutulog. He would definitely miss his girl, that was for sure. He wanted to stay and postpone his plans because Manila to Baguio was already too much.

Ilang beses pinag-isipan ni Cale na ilang libong kilometro ang layo niya kay Keanna at magkaiba ang oras nilang dalawa. Gabi sa kaniya, umaga ang kay Keanna.

Luto na ang pagkain nila, pero hindi niya ito magawang gisingin. Pinatay niya ang TV, isinara ang mataas na blinds para kahit papaano ay dumilim ang buong bahay, at kumuha ng kumot mula sa kwarto.

Pumuwesto si Cale sa paanan ni Keanna. Binuksan niya ang laptop niya dahil may kailangan siyang asikasuhin sa flight niya. Nakisuyo na rin siya sa parents niya kung puwedeng maayos ang mga gamit niya. Nakausap din niya ang secretary niya na siguruhing magiging maayos ang lahat.

Sa ilang araw niya sa Baguio, gusto niyang mag-focus kay Keanna kaya ibang tao na ang pinag-asikaso niya sa mga kakailanganin.

Muli niyang binalikan ng tingin si Keanna at inayos ang kumot nito. Dalawang taon lang naman at sisiguruhin naman niyang magiging maayos ang communication nila.

Cale breathed. "I'll miss you, sweetheart," he whispered.


↻ ◁ II ▷ ↺



Nagising si Keanna dahil sa malakas na kulog at naramdaman niya rin ang pag-ikot ng sikmura niya kaya kaagad siyang bumangon papunta sa bathroom. Mahina siyang nagsuka at pinili ang sariling huwag gumawa ng kahit na anong ingay.

Humarap siya sa salamin nang mahimasmasan. Inayos niya ang nagulong buhok, nagmumog siya ng tubig at mouthwash, at sinigurong maayos na siya bago lumabas.

Just About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon