Chapter 7

12.2K 506 98
                                    

Sumalubong kaagad sa pinto si Tadhana nang makitang paparating na sina Cale at Keanna. Maagang bumiyahe ang dalawa at halos inabot lang sila nang tatlong oras sa daan.

"Ang aga ninyong bumiyahe, ha?" sabi ni Tadhana na papalapit kay Keanna. "Nagluto si Tatay ng almusal, sakto kayong dalawa."

Kaagad na nagmano si Keanna kay Tadhana at ganoon din si Cale na bitbit ang maleta nilang dalawa.

Pagpasok sa loob ng bahay, napapikit si Keanna dahil naamoy niya ang nilulutong sinangag ng tatay niya. Amoy bawang ang buong bahay at iyon ang nagpapagising sa diwa nila ng Kuya Sarki niya sa umaga.

Tumakbo si Keanna papunta sa kusina at naabutan si Keannu na nasa harapan ng kalan. Wala na siyang pakialam at kaagad niyakap ang tatay niya.

"Good morning, 'Tay!" magiliw na bati ni Keanna. "Na-miss ko luto mo, ha? Pakidagdag po ng egg na may malasado, please?"

Hinalikan ni Keanu si Kea sa noo at mahinang natawa. "Ano pa ang gusto mo? Mango shake o strawberry?"

Napaisip si Keanna dahil pareho niya iyong paborito. Naningkit pa ang mga mata niyang nakatitig sa tatay niya na biglang natawa.

"Ako na ang magdedesisyon. Aabutin na naman tayo ng tanghali kakaisip ng flavor ng milkshake mo." Keanu shook his head. "Manang-mana ka sa nanay mo."

Ngumuso si Keanna. "Ganoon talaga, 'Tay! Kaya pareho kaming maganda ni Nanay."

"Ako kaya kamukha mo!" protesta ni Keanu.

"Hoy!" It was Tadhana glaring at Keanu. "For your information, mata lang ang nakuha sa 'yo. Feeling nito, siya raw kamukha. Mata lang, Keanu, 'wag kang desisyon."

Keanna chuckled and stared at her bickering parents. Iyon ang nami-miss niya sa Baguio sa tuwing nagpupunta siya sa Metro. Ang walang tigil na bangayan ng mga magulang niya, na nagbibiruan lang naman, ang bumubuhay sa bahay nila.

Sa tuwing iritable na ang nanay niya, matatawa na lang tatay nila at susuko na dahil hindi naman ito mananalo.

Keanna and Sarki observed that their father would just let their mom win the argument and later on talk about it. It was the kind of relationship they both wanted.

"Tara, akyat muna tayo," aya ni Keanna kay Cale na natatawa rin sa parents niya. "Hayaan mo na muna sila. Matatapos din 'yang bangayan nila mamaya."

"Nakakatawa talaga 'tong si Tita Tadhana lalo kapag nagsasalita," sabi ni Cale at sumunod papunta sa kwarto ni Keanna.

The moment they entered Keanna's room, Cale inhaled the familiar scent of his girl. He even saw their pictures hanging on the wall, on top of the table, and the books he bought on the bookshelf.

"Cale?" pagkuha ni Keanna sa atensyon ni Cale na nakatingin sa picture nilang nasa bookshelf. "Bakit?" tanong niya na medyo natawa pa nga.

"Nothing," Cale responded, placed their luggage on the side of the bed, and walked towards the shelf. "We have the same picture. Ito rin 'yung nasa office ko."

Patagilid na niyakap ni Keanna si Cale habang pareho nilang tiningnan ang picture. Wala namang special sa picture na iyon dahil ordinary pasyal day lang naman, pero pareho silang mukhang masaya.

They were smiling while staring at each other and looked so happy.

May kirot na naramdaman si Kea sa dibdib niya nang maalala na posibleng aalis na pala si Cale papuntang ibang bansa para mag-aral. Mukhang matatagalan ulit ang paggawa nila ng ganoong klase ng picture.

Meanwhile, Cale quietly stared at the photograph. He would definitely bring a copy. Ilalagay pa niya iyon sa wallet niya kung sakali mang matuloy ang papunta niya sa New York.

Just About UsWhere stories live. Discover now