Chapter 22

12.8K 574 228
                                    

Simula pagkabata, ipinangarap ni Keanna na maikasal sa lalaking kaya rin siyang alagaan tulad na lang nung pag-aalaga ng tatay niya sa nanay niya.

Lumaki siya sa bahay na nakikita kung paano asikasuhin ng mga lalaki ang mga babae. Tatay niya at ang kuya niya ang naging standard niya . . . at alam niyang hindi siya nagkamali kay Cale.

Tama si Cale. Hindi naman kaagad pumasok sa isip nila ang kasal. They were young and they were still exploring. Who knew what could happen?

Noong nakilala ni Keanna si Cale, naalala niyang medyo lumayo pa siya at halos hindi niya ito kinakausap. Pagkatapos ng Ferris Wheel ride, humiwalay na siya sa grupo dahil nailang siya.

Walang ipinaramdam si Cale para mailang siya, pero nang malaman niya ang estado ng pamumuhay nito—na may-ari ng isang malaking kumpanya—ayaw niyang pumasok sa mundo ni Cale. Malayo iyon sa katahimikang gusto niya.

Ngunit sa ilang araw niya itong nakakasama dahil na rin kina Yuan, unti-unti silang nagkasundo. Ang isang message kada araw ay nadagdagan nang nadagdagan hanggang sa hindi na nila namamalayang madalas na silang nag-uusap.

Tumagilid si Keanna nang ayusin ng babaeng stylist ang damit niya. "Ayan, okay na," sabi nito. "Ang ganda nitong damit. Sobrang bagay sa 'yo!"

"Thank you po," ani Keanna habang nakatingin sa sarili.

Sinabi niya kay Yannica, bestfriend ng mommy ni Cale, na isang stylist ang gusto niyang design. Simple lang.

Off-shoulder na long-sleeve na mayroong kaunting ruffles , hindi masyadong mahaba para hindi siya mahirapan, at loose para kung sakali mang tumaba siya, hindi sila mamroblema.

Mabuti na lang at hindi siya ganoong lumaki simula nang masukatan. Masarap din sa balat ang telang ginamit. Medyo fine lace at hindi traditional na puti dahil gusto niyang medyo earthy tone iyon.

It wasn't the traditional wedding, it wasn't a fancy one, too. Indoor wedding na may garden vibes ang ginawa nila dahil medyo umuulan at malamig. Ayaw mag-risk ni Cale at baka magkasakit si Keanna.

Muling tumagilid si Keanna at inihapit ang damit sa tiyan. Almost seven months na sila. Sandali na lang at makikita na nila ang anak.

Keanna chose a minimal makeup. Hindi siya sanay at nabibigatan siya, pero sandali lang naman.

"Ganda mo."

Nilingon niya ang pinto at nakita roon ang nanay niyang nakasandal sa hamba ng pinto. Simpleng cocktail dress lang din ang suot ng nanay niya dahil iyon naman ang theme.

"Mana ako sa 'yo, e," sagot naman ni Keanna.

Maayos na ang lahat. Damit, buhok, makeup . . . at maghihintay na lang silang magsimula ang kasal.

Nagpaalam ang mga stylist at iniwan sila ng nanay niya. Pareho silang nakaupo sa kama—naka-indian sit pa—at pinag-uusapan ang venue.

"Nanay, kinabahan ka ba noong ikinasal kayo ni tatay?" tanong ni Keanna.

Nagsalubong ang kilay ni Tadhana. "Bakit ako kakabahan? Baka tatay mo ang kinabahan kasi baka tumakbo ako," anito at natawa. "Charot lang. Siyempre kinabahan ako. Paano kung matapilok ako? Nakakahiya, shet."

Umiling na natawa si Keanna sa sinabi ng nanay niya. Isa rin iyon sa concern niya kaya naghanap sila ni Cale ng sapatos na kumportable para sa kasal.

"Pero ang totoo, mas kinabahan ako sa pagiging asawa. Kasi 'yong kasal, once lang 'yon. Isang araw lang 'yon, pero ang pagiging asawa, commitment siya." Malalim na huminga si Tadhana. "Kinabahan ako kasi paano kung biglang magsawa ang tatay? Paano kung bigla niya akong iwanan kasi magsawa siya? Ayoko no'n! Mahal ko 'yon, e."

Just About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon