Chapter 4

14.6K 628 220
                                    

Amusement parks were also part of their relationship. The Ferris wheel was literally why they were together—it was their first alone time ever.

Keanna and Cale loved the park ambiance. They could even spend the rest of their time just having fun.

"Pagod ka na?" Natatawang umakbay si Cale kay Keanna. "Last stop?"

"Sige." Humawak si Kea sa kamay ni Cale. "Ikaw, gusto mo pang mag-rides? Ako parang gusto ko pa."

Cale squinted. "That's the last I want to before ending the day; you riding?" He bit his lower lip and winked.

Iling lang ang naisagot ni Keanna dahil nakuha kaagad niya ang sinabi ni Cale na tatawa-tawa rin sa kalokohan. Napahawak pa ito sa sariling tiyan at humalakhak nang sumama na ang tingin niya.

"Puro ka kalokohan." Inirapan ni Kea si Cale na kaagad siyang hinila para akbayan. "Ayaw ko nang mag-rides. Gusto ko na lang mag-ice cream tapos last stop na 'yung Ferris wheel?"

Tumango si Cale at hinawakan ang kamay niya papunta sa ice cream shop na nasa loob ng amusement park.

Nagsabi rin si Keanna na mauupo na lang siya sa bench na nasa gitna ng daanan. Medyo maraming tao kaya gusto niya kaagad na makahanap ng puwede nilang pagpahingahan.

Alam naman ni Cale ang bibilhing flavor ng ice cream para sa kanilang dalawa lalo na at magkaiba sila ng taste.

Keanna liked making her flavor, and she loved ice creams with lots of toppings while Cale just settled with one to two flavors—vanilla with almond or vanilla with lots of KitKats.

Ipinalibot ni Kea ang tingin sa paligid kung saan siya nakaupo. May ilang magkakaibigang kukuha ng picture, mag-ama na naghahabulan, isang mommy na pinupunasan ang mukha ng anak nitong puro chocolate ang bibig, at mga magkasintahan tulad nila ni Cale.

Isa sa gustong panoorin ni Kea ang tawanan ng bawat pamilya. Bigla niyang na-miss ang nanay, tatay, at kuya niya lalo na kapag dinner at breakfast.

Hindi sila sabay-sabay kumakain ng lunch dahil may kaniya-kaniya silang ginagawa, pero tulad ng pamilya ni Cale, importante sa kanila na kahit isang beses sa isang araw ay magkakasama sila.

Madalas iyong dinner dahil sa almusal, bihira din lalo kapag maagang umaalis si Sarki.

Parehong family oriented sina Keanna at Cale. Isa rin iyon sa rason kung bakit sila nagkasundo.

"What's going on inside that head of yours, ha?" Hinalikan ni Cale ang tuktok ng ulo ni Keanna bago naupo sa tabi niya. "I got you a vanilla ice cream with dark chocolate chips, almond, cheesecake, M&Ms, and whipped cream. That's loaded, sweetheart."

"Ang dami!" ani Keanna at tiningnan kung ano ang flavor ng kay Cale. "Anong flavor sa 'yo, bakit parang may bagong dagdag?"

"I asked to add some strawberries. I'll try if I want it." Cale took a bite and looked at Keanna. "This actually tastes good."

Keanna scooped one spoonful of Cale's ice cream and tasted it herself. "Masarap nga! Good na you're trying another flavor. Sabi sa 'yo, e. One add-on at a time until you're like me. Maraming add ons talaga."

Sumandal si Cale sa inuupuan nila ni Keanna at nilingon ang girlfriend niya. "So, what's going on?"

"Wala naman. I was just watching these people around us." Ngumiti si Keanna at sumandal din tulad ni Cale. Magkadikit na ang braso nilang dalawa habang kumakain ng ice cream. "I actually miss those days na wala pa tayong commitments sa buhay. Like, those times we were just having fun."

Bahagyang yumuko si Cale dahil sa sinabi ni Keanna.

"Don't get me wrong, sweetheart. I like that we're building our careers, you have an empire to manage shortly, and I have one, too." Keanna gazed at Cale who was looking down. "Pero minsan nami-miss kong maging normal lang. 'Yung gigising ako, kakain, tapos mahihiga ulit dahil wala akong agenda for the day."

Just About UsWhere stories live. Discover now