Chapter 30

12.7K 504 123
                                    

Nagising si Cale nang wala si Keanna sa tabi niya. Napapadalas na silang ganoon kahit na sinasabi niya sa asawa niyang gisingin siya kapag kailangan ng tulong lalo na kay Kyros.

Dalawang buwan na simula nang manganak si Keanna.

Kyros Nikolai ang ipinangalan nila sa anak at malayo sa second name ni Keeva na tagalog word. Wala kasi silang tagalog word na puwedeng ipangalan sa lalaki. Hindi nila type.

Tumingin si Cale sa orasan. It was just three in the morning and his wife wasn't in bed. Sinilip niya ang crib ni Kyros, wala rin ito.

Lumabas siya at narinig ang boses ni Keanna sa kwarto ni Keeva. Idikinit pa niya ang tainga sa pinto para makumpirma ang narinig. Tama siyang kumakanta ang asawa niya.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Nakaupo si Keanna sa gilid ng kama ni Keeva at tinatapik ito habang kalong na sumusumo si Kyros.

Keanna was singing Stolen by Dashboard Confessional and Cale quietly listened. Nakapatay rin ang ilaw sa kwarto ngunit nakabukas ang lamp shade sa gilid ng kama ni Keeva. Dimmed lang iyon.

Hindi alam ni Cale kung papasok ba siya o hindi. Paniguradong kapag pumasok siya, mawawala ang antok ni Keeva at mawawala ang pinaghirapan ng asawa niya.

Malalim siyang huminga bago maingat na isinara ang pinto. Hindi niya sigurado kung narinig ba siya ni Keanna, pero nag-message siya via phone na gising siya at nasa living room.

Uminom siya ng tubig at sandaling ipinikit ang mga mata. Pagod siya sa maghapon dahil nagsabay ang exam at importanteng meeting. Naiwan naman sa bahay si Keanna para sa mga anak nila.

Habang naghihintay kay Keanna, naisipan ni Cale na magluto ng sopas para may makain sila kahit na madaling araw pa lang. Panay ang hikab niya, pero iniinda niya iyon.

Samantalang maingat na tumayo si Keanna nang mahimbing nang makatulog si Keeva. Binuksan niya ang white noise ng kwarto para hindi ito magising at iniwan ang dimmed lampshade para hindi matakot kapag nagising.

Antok na antok na siya dahil buong maghapon siyang gising dahil wala si Cale. Medyo naging fussy at clingy rin si Kyros kaya buong maghapon niya itong buhat sa newborn wrap na nabili nila ni Cale.

Paglabas niya ng kwarto, nakita niyang bukas ang ilaw sa sala at narinig ang tunog ng kaldero. Sumilip siya at nakita si Cale na nasa kusina, nakasandal sa counter, humikab, hawak ang sandok.

"Gising ka pala," aniya at naglakad papunta sa kusina.

"Nag-message ako," Cale smiled warmly.

"Naiwan ko 'yung phone ko sa room," sagot ni Keanna. "Kanina ka pa ba gising?"

Umiling si Cale. "Hindi naman masyado. Nagising ako kasi wala ka sa tabi ko. Ano'ng nangyari kay Keeva? Sumilip ako kanina, pero hindi ako tumuloy kasi baka magising lalo, eh."

"Nagising siya tapos umiiyak na pumasok sa room natin." Naupo si Keanna sa dining chair at humikab. "Itong si Kyros, buong maghapong fussy, sweetheart. Okay naman siya, pero ang clingy niya. Nasa wrap lang siya kanina kasi ayaw niyang magpababa."

Lumapit si Cale kay Keanna at hinalikan ang tuktok ng ulo ng asawa. "Next time, gisingin mo ako."

Ayaw ni Keanna dahil galing sa school at trabaho ang asawa niya. Ni hindi nga nito narinig ang pag-iyak ni Keeva dahil sa pagod at antok kaya hinayaan na niya.

"Gusto mo na bang i-consider 'yung napag-usapan natin noong nakaraan na kukuha na tayo ng helper?" Hinaplos ni Cale ang pisngi ni Kyros na mahimbing na ring matutulog. "Tingin mo? Mas okay 'yun para sa 'tin."

Just About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon