Chapter 13

9.4K 447 123
                                    

Napapikit si Keanna nang malasahan ang mango shake na binili ng nanay niya sa bangketa papunta sa ospital dahil checkup niya. Sinabi nitong effective raw iyon para maging magalaw ang baby para sa ultrasound.

Sa bilang ni Keanna, twenty-three weeks na ang baby nila ni Cale. Gusto na rin niyang malaman ang gender para makabili na sila ng mga gamit kahit paunti-unti.

Inayos na rin niya ang kwarto niya at pinapinturahan iyon ng kulay puti na mayroong accent na kulay dark green. Nagpagawa na rin siya ng mas malaking kama, mas malaking closet para kasya ang gamit nila ni baby, at crib.

Naghanap lang siya ng mga inspo sa internet at iyon ang ginaya niya.

Si Tadhana rin ang palaging kasama ni Keanna sa checkup. Gusto rin kasi ng nanay niya na malaman kung ano ang lagay at itanong din sa doktor kung ano ang mga pagkaing kailangan niya.

Natatawa si Keanna dahil nasa tiyan pa lang ang baby niya, spoiled na ito sa parents niya, lalo na sa tatay niyang nagsisimula nang bumili ng gamit pambata.

Pagpasok sa loob ng clinic ng OB niya, ngumiti ito at kaagad na nakipagkuwentuhan sa nanay niya na para bang wala siya sa kwarto. Kulang na lang ay nanay niya ang maging pasyente dahil mas madalas pang mag-usap ang dalawa.

"Higa ka, Kea," sabi ng doktor at ibinaling muli ang tingin sa nanay niya. Pinag-uusapan ng dalawa ang teleseryeng pinalalabas na tungkol sa mga kabit.

Tahimik si Keanna na nakatingin sa poster na nakasabit sa pader malapit sa hinigaan niyang kama. Cycle iyon ng pregnancy at nakita niya ang fifth month na malaking-malaki na.

"Excited ka na bang malaman ang gender ni baby?" tanong ng doktor. "Makakabili ka na ng mga damit! Ano ba'ng favorite color mo?"

"Dark green po." Ngumiti si Keanna. "Excited na po ako. Nakaisip na rin po kasi ako ng name niya, e."

Ngumiti ang doktora habang inaayos ang ultrasound machine. "Excited na rin ako kung ano ang mapipili mong name ni baby. Ang laki na rin ng bump mo, pero maliit kang magbuntis, ha?"

"Sabi nga rin po ng kapitbahay namin," ani Keanna na tinutukoy ang nagbebenta ng almusal. "Maliit nga raw po akong magbuntis."

"Okay lang naman 'yan. Ang mahalaga ang baby sa loob." Naglagay ang doktora ng gel sa tiyan niya at inilapat doon ang pang-check. "As long as healthy ang kinakain mo, okay lang 'yan."

Tahimik si Keanna na nakatingin sa monitor. Nasa labas ng kurtina ang nanay niya at hindi na ito sumilip para daw bigyan siya ng privacy.

Malakas na kumabog ang dibdib ni Keanna nang makita ang sanggol sa monitor. Malaki na ang anak niya at mabilis na mabilis ang tibok ng puso. Nararamdaman niya ang paggalaw at nakikita rin niya sa mismong monitor.

"Girl."

Tumingin si Keanna sa doktor. "Hala, ang cute," aniya at mahinang natawa. "Matutuwa si Nanay. Kasi gusto raw niyang bilhin 'yung tutu dress na pang-baby sa ukay."

Mahinang natawa ang doktora at nagpatuloy sa ginagawa. Nag-e-explain din ito na maganda ang heartbeat ng baby, sakto naman ang weight at size, at sinabi rin sa kaniya na magpatuloy normal ang nararamdaman niya.

"Kung nahihirapan ka, magpahinga ka muna." Pinunasan ng doktora ang gel sa tiyan ni Keanna. "Ganiyan talaga ang buntis. Sa ngayon, mag-enjoy ka na lang muna."

Tumango si Keanna dahil iyon din ang naisip niyang gawin. Sinabi naman sa kaniya ni Sarki at ng parents niya na kung hindi siya komportableng pumasok sa work niya, okay lang at sa bahay na lang.

Isa sa perks kapag sila mismo ang may-ari ng pinagtatrabahuhan niya.

Habang naglalakad papunta sa parking, nilingon ni Tadhana si Keanna. Huminto sandali si Keanna sa paglalakad dahil alam niyang may sasabihin ang nanay niya at kailangan niyang ihanda ang sarili.

Just About UsWhere stories live. Discover now