Chapter 20

13.4K 567 260
                                    

Hapon pa dapat gigising si Cale dahil gabi ang flight niya, pero narinig niya ang boses ng mga kaibigan ng mommy niya. Hindi siya nagkamali nang makita ang mga ito sa sala nila, kumpleto pa.

Nakapatong ang siko niya sa railing ng hagdan habang nakikinig sa kwentuhan.

"Ang ingay mo, Tita Winslet!" Nagkunwari siyang naiinis. "Buong bahay, ikaw ang bida."

"Ako naman talaga!" Tumaas ang kilay ni Winslet. "Hoy! Nandito ka pala, hindi ka man lang nagpapakita sa 'min. Tapos malalaman ko sa nanay mo, aalis ka na?"

Natawa si Cale at bumaba papunta sa sala. Isa-isa niyang hinalikan sa pisngi ang mga kaibigan ng mommy niya.

"I got busy, Tita." Cale faced Winslet.

"Na-miss kita, Caleigh." Winslet smiled at him.

Lumaki siyang kasama si Winslet dahil bukod sa pagiging bestfriend ng mommy niya at kinakapatid ng daddy niya, ito ang personal secretary ng mga ito na madalas niyang kalaro noon sa opisina.

"Dati, baby lang kita, e!" Ngumuso si Winslet. "Ngayon, nag-aaral ka na sa New York at babalik ka na! Katampo. Babalik nang hindi nagpapakita. Tama ba 'yon?"

Natawa si Cale nang bigla na lang alalahanin ng Tita Winslet niya ang mga nilalaro nila sa opisina. Kapag nasa meeting ang mga magulang niya, ito ang kasama niya.

Lumapit rin siya kina Majuri, Yannica, at Valentina na bestfriends ng mommy niya. Nakasama niya ang mga ito hanggang sa paglaki at kaibigan nila ni Vianne ang mga anak-anak ng mga ito.

Naupo siya sa pang-isahang sofa habang pinanonood ang mga itong magkwentuhan. Tumingin sa kaniya ang mommy niya at ngumiti. Base rin sa mga sinasabi ng mga ito, halatang wala pang alam.

Alam din naman ni Cale na hindi magsasabi ang mommy niya.

"Tita Winslet."

Tumingin ito sa kaniya at nagsalubong ang kilay.

"Keanna's pregnant," aniya at natawa nang ngumanga pa ito at nanlaki ang mga mata. "Five months."

Pabagsak na sumandal si Winslet sa sofa, nag-cross arms, at pinaypayan ang sarili. "Pakingshet. Magkakaapo ka na, be," tumingin ito sa mommy niya. "Be, magkakaapo ka na."

Lahat sila sa sala, natawa, kahit ang daddy niya na nasa gilid ng sofa kung saan nakaupo ang mommy niya. Nag-congratulations ang mga bestfriend ng mommy niya, pero iba ang Tita Winslet niya.

"Ano'ng sabi ni Tadhana? Tang ina, Destiny's child is pregnant!" Umiling si Winslet at tumingin sa kaniya. "Buti naka-keep up siya at hindi nag-lose ang breath!"

Tawang-tawa si Majuri sa mga kinakana ni Winslet. Kinanta pa nito ang Lose My Breath ng Destiny's Child.

Mas natawa si Cale sa fact na mas malala at mas OA pa ang reaction ng Tita Winslet niya na nagpaypay pa ng mukha kaysa sa parents niya na chill lang.

"Ano'ng oras ang flight mo?" tanong ni Niana na nagpabalik kay Cale sa katotohanan. "Ihahatid ka pa ba namin? Alam kong ayaw mo, so . . . what's you're plan?"

Pinili ni Cale ang ngumiti at sinabi sa mommy niya na magpapahatid na lang siguro siya sa airport sa isang driver. Totoo rin naman na ayaw niya.

"Aalis ka pa rin kahit buntis si Kea?" biglang tanong ni Majuri.

Tumango si Cale. "Nagkausap naman na po kami, Tita. Babalik ako a week before siya manganak."

Bago pa man may sabihin ang iba, nagpaalam na siya sa mga ito. Nagpasalamat siyang makita ulit at ginawang excuse ang pag-aayos ng maleta kahit na maayos naman na. He didn't want to hear anything.

Just About UsWhere stories live. Discover now