Ang follower 24: Fin/laman ng ataul

3K 249 91
                                    

This chapter is dedicated to you @wheng1989

Hindi nakahuma si Elaine! Hindi siya makapaniwala sa nasasaksihan!

Pakiramdam niya ay nawalan ng mga buto ang kanyang buong katawan.

"Hindi! Paanong......?'', tanong niya sa sarili.

"Teka..., teka lang!", sigaw niya sa kapatid na lalaki.

Nakita niyang lumingon sa kanya si Edwina. Malungkot itong tumitig sa kanya at pagkatapos ay ibinalik ang paningin sa ataul. Sa loob ng ataul.

Authomatic na humakbang ang kanyang mga paa. Mabuway na paghakbang palapit sa kapatid.

Magkatabi na silang nakatayo. Hindi niya inaalis ang tingin sa mukha nito.

Takot na takot siya sa katotohanang pakiramdam niya ay gigimbal sa kanyang buong pagkatao.

Nilinga ni Edwina ang mukha sa gawi niya. Muli itong tumitig sa kanya na tila inaaya siyang tignan ang loob ng ataul.

Umiling siya..

Pumatak ang luha ni Edwina..., muling nakiusap ang mga mata nito na tila nagsasabing tignan niya ang nasa loob ng rectangular na kahoy na napipinturahan ng kulay puti at may disenyong gold plated ang paligid.

Lalong bumalong ang luha niya sa mata. Umiiling pa rin siya ngunit kusang gumalaw ang kanyang ulo. Paharap at payuko sa harap ng mahabang salamin na mula ulo hanggang paa ng nakahiga sa loob nito ay kitang kita ng titingin.

Naglakbay ang mga mata niya. Mula sa paa, pataas sa may kamay na nakalagay sa magkabilang gilid ng hita. Alam na niya! Ngunit hindi na niya napigil pa ang kusang paglipat ng kanyang paningin. Gumalaw iyon pataas sa tiyan, sa dibdib! Natutop niyang muli ang bibig. Ayan na! Pumaitaas pa uli ang tingin niya.., sa leeg, sa mukha!

Hindi na niya kinaya pa ang nakikita!

Siya ang nasa loob ng ataul!

"Hindi..., hindi totoo ang lahat ng ito! Nananaginip lang ako! Hindi.., hindi.., binabangungot ako. Oo, tama! Binabangungot lang ako. Kailangan ko lang gumising! Gisingin nyo ako! Gisingin nyo ako! Gisingin nyo akoooo!''

"Tama na, Elaine. Ngayon ay alam mo nang patay ka na kaya maaari na kitang isama. Hindi ka na maaaring manatili pa sa lugar ng mga buhay.", sabi ng lalaking nakaputing longsleeve.

"Naguguluhan ako! Paanong......", tanong niya sa kanyang sundo.

"Nakasakay ka sa dyip at nakaidlip. Nang mga oras na yon ay may nagaganap na holdapan sa bangko na daraanan ng sinasakyan mo. Patakas ang mga holdaper nang dumating ang mga pulis. Nagkaputukan at tinamaan ng ligaw na bala ang driver ng sinasakyan mong dyip. Nawalan ng kontrol ang sasakyan kung kaya dumire diretso ito at sumalpok sa isang malaking truck na may kargang mga troso. Dumausdos ang ilan sa mga ito at tumama sa inyong apat na sakay ng dyip.", paliwanag ng lalaki.

"Ang ibig mong sabihin patay na ako nang magpunta ako sa J***bee? Bakit nakita ako ng bata at ng babae na naroon?"

"Hindi ikaw ang tinignan nila. Nagkataong inip na inip na sila sa pagdating ng kanilang hinihintay."

"Eh yung batang kumalabit sa akin?"

"Kagaya ko rin siya. Tinulungan niya lang ako para makita mo."

"Bakit nang makauwi ako ay kinausap pa ako ni Manang?"

"Hindi ikaw ang kausap niya kundi ang kanyang sarili. At sa telepono siya tumingin nang lumingon siya."

"At yung sa sasakyan at sa hospital?"

"Nang tumawag ng "ate" ang kapatid mo ay dahil naitawag na ng inyong Daddy na patay ka na. Iniiyakan nila ang kamatayan mo at ang pag-aagaw buhay naman ni Edwina. At ang paglingon ng Mommy nyo at pagsulyap ng isa mo pang kapatid na si Errol ay dahil kay Eliah. Hindi ka na nila nakikita o naririnig. Ikaw lang ang nag-aakalang kasama ka pa nila, dahil hindi mo pa alam na patay ka na. At ang lahat ng nangyari sa loob ng silid ni Edwina ay gawa lamang ng iyong imahinasyon."

"Kung ganun.., patay na rin ba si Edwina? Nakita ko siya at sinundan ko siya kaya nakarating ako dito?"

"Mahal na mahal ka niya, Elaine. Pinuntahan ka niya upang masamahan rito. Upang maipaalam sa iyo ang sinapit mo. Upang matanggap mo at matahimik ka na sa paroroonan mo. Tapos na ang kanyang operasyon. Ang inyong Daddy ang nagbantay sa kanya. Ligtas na siya. Maaaring sa mga oras na ito ay nasa recovery room na ang kapatid mo."

"Eh si Marlon.., bakit--? Ang akala ko ay siya ang sumusunod sa akin! Buhay pa siya kung ganun?!"

Hindi na sumagot ang sundo bagkus ay tumingin ito sa likuran niya. Napalingon si Elaine.

"Magkasunod lang tayong namatay, Elaine. Ngunit bago ako nalagutan ng hininga ay pinakuha ko ang cellphone ko kay Mommy. Kahit hindi ko natupad ang pangako kong puntahan ka sa tagpuan natin ay pinalow kita. At tinupad ko ang pangako ko, Elaine. Ako ang pinaka solid at loyal mong follower.", nakangiting sabi ni Marlon.

Habang nakatingin sa binata ay naisip niya ang kapatid.

"Salamat, Edwina. Hanggang sa kabilang buhay ay nagawa mo pa rin akong samahan at alalayan. Sa kabila ng pakikipaglaban mo kay kamatayan ay ang kapakanan at kapayapaan ko pa rin ang inuna mong pahalagahan. Magpagaling ka, bunso. Ipanatag mo na ang iyong loob. Natitiyak kong magiging masaya ako sa aking pupuntahan", bulong niya.

At pagkatapos ay ngumiti si Elaine sa lalaking nasa harapan niya. Magkahawak pa sila ng kamay nang sundan ang paglakad ng sundo nilang dalawa.

Wakas

Sana ay nagustuhan mo ang kwento ng pag ibig ni Elaine na may user name na redboxE at ni Marlon na may username na braveheart. Ang FOLLOWER ....

Susunod na ang isa pa nating kwento na pinamagatang ANG AUTHOR..

Samahan mo uli ako at alamin ang pagkakaugnay ng kwento nila sa isa't isa.

Salamat... (*^__^*)




Misteryo sa WattpadWhere stories live. Discover now