Ang Author 10: guidance office

2.1K 152 1
                                    

Natapos ang first subject.., masamang masama ang loob ni Wilma.

Nakita niyang nakatingin sa gawi niya si Nica at malungkot ang mga mata. Nginitian siya nito at tinanguan. Para bang sinasabi sa kanya na "okey lang yan, bakla".

Tinanguan niya rin ito at nginitian. Napansin niyang nakatingin sa gawi niya ang dalawa nilang kaeskwelang alalay ni Lyra kaya nagkunwari siyang hindi apektado.

Sa sulok ng mga mata ay nakikita niya ang pagbubulungan ng mga ito at ang pagtatawanan. Tinimpi niya ang sarili na makita ng mga ito na naiinis.

Hindi rin niya tinignan si Nica upang maiwasang makagawa ito ng pag aawayan. Alam niyang nakatingin sa kanya ang kaibigan at kung makikita nitong napipikon siya ay tiyak na may gagawin ito na pagsisimulan ng gulo.

Ilang saglit lang at pumasok na ang teacher para sa next subject. Nagpasulat lang ito kung kaya tahimik lang ang section nila.

Palibhasa ay sanay sa mabilis na pagsulat, mabilis niyang natapos ang pinakokopya ng kanilang guro. Kinuha niya ang scratch notebook at nagsulat naman ng mga nararamdaman. Pag angat ng mukha niya ay nadaanan ng kanyang tingin ang karibal. Nakatingin ito sa kanya at nang mapatingin din siya ay agad na umirap at ngumiti na parang nakakaloko.

"Hah! Tarantadang to ah! Talagang nang aasar ka ha, sige lang! Mamaya ka sa akin. Tignan ko lang kung hindi umusok ang ilong mo sa gagawin ko.", pagbabanta niya.

Agad niyang kinapa ang cellphone sa bulsa. Panay ang pagba vibrate nun kanina pa. Ilang text messages na ang nasa inbox niya na hindi niya binubuksan. Ang unang message lang ang tinignan niya ngunit hindi nireplayan at pagkatapos ay hindi na niya uli pinagkaabalahan pa uling tignan. Una ay sa dahilang nagka klase sila at ang pangalawa ay hindi siya interesado sa nagpadala ng mensahe. Pero kanina yun.., nagbago na ang isip niya matapos ang pag irap na ginawa sa kanya ng kaklase at kalaban sa patalinuhan.

Muli niyang tinignan ang unang message.

0929*******
Hi, Wilma! It's me, Rocky. Musta? Boring ang subject namin, hayst!

Isang tusong ngiti ang sumilay sa labi ng dalagita nang mabasa ang iba pang text ng binatang taga Jasmin.

"Asaran ba? Tignan natin kung magawa mo pa ang ngumisi ngisi mamaya! At kahit lumuwa ang mga mata mo sa kakairap ay tatawanan lang kita!", sigaw ng kanyang utak at pagkatapos ay nireplayan ang makulit na nagte text.

Bc so far. Talk nlang l8r :)

Recess....

Magkasamang kumakain ng sopas ang magkaibigang Nica at Wilma sa canteen.

"Buti naman masarap ang timpla ngayon, kahapon lasang ewan eh! ", sabi ni Nica habang kinakain ang sopas na binili. Tumango naman si Wilma bilang pagsang ayon.

"Pero mas masarap yan kung kasama nyo kaming kumakain.", sabi ng isang baritonong tinig mula sa likuran.

Muntik na masamid si Nica nang mag angat ng mukha at malingunan ang tatlong yummy guys na taga Jasmin.

At parang F4 na nasa likuran naman ang pinaka Gu Junpyo na si Rocky.

Lihim na napangiti si Wilma nang mag upuan ang mga bagong dating na may hawak na tasa ng sopas at makisalo sa kanila.

"Hep, hep! Bakit dito kayo umupo? Ang dami daming vacant na mesa dun. Baka mamaya ay masugod kami dito ni Geum Jandi!", pataray na tanong ni Nica.

Hindi naman nagsasalita si Wilma at nagkukunwang wala lang ganung siya ang nag inform kay Rocky na nasa canteen sila at kung may gustong sabihin ay doon na lang dahil wala na siyang load.

"Eh walang maganda dun eh. Kaya dito kami umupo. Bakit, may bigla bang susuntok sa amin dito?", nakangiting sagot ng isa sabay ang kunyaring pag ilag.

"Boy bawang (korni) mo, ha! Huwag nga kami ang pagtripan nyo!", asar na sabi ni Nica.

"Loko man kami sa iyong paningin hindi naman kami mga drug addict. Nakakapagtampo ka naman, Nica baby.", nagdadramang sabi ng isa pa. Naglungkot lungkutan na rin ang dalawa pa nitong kasama.

Habang abala sa pagtatalo at pag ookrayan ang mga kasama sa mesa ay nagsalita na si Wilma.

"May point naman si Nica. Umiiwas lang kami sa gulo. Alam naman ng lahat na nagde date na kayo ni Lyra tapos nandito ka.", papampam na sabi ng dalagita.

"Wala namang masama kung makipagkaibigan ako sayo. Isa pa masyadong O.A. si Lyra. Nakakasakal!", reklamo ni Rocky.

"Ganun talaga ang mga girlfriend. Mahal ka kasi nung tao kaya ganun siya. Ayaw ka lang niya mawala sa kanya. Dapat nga mas matuwa ka di ba?", paliwanag ni Wilma.

"Ganun ba talaga yon?", balik tanong ni Rocky.

Matamis na ngiti ang isinagot niya sa kausap habang tumatango. Sinadya niyang magpa cute. Dahil ang karibal na hinihintay niya ay paparating na. Alam niyang may magsusumbong dito na magkasama sila ni Rocky kaya natitiyak niyang susugod ito. At sa pagkakangiti niya na tila kinikiliti ay mag iisip ito na may namamagitan sa kanila ni Rocky.

Agad na humarang ang tatlong kasama ng binata sa pasugod na girlfriend ng barkada nila. Ganun din sa dalawa nitong alalay.

Bago pa magkaroon ng commotion ay maagap na hinila ni Rocky si Lyra palayo. Sumunod na rin ang mga kasama nito sa magkasintahan na panay na ang pagtatalo habang naglalakad.

Nakarating sa Guidance counselor ang nangyari at agad na pinatawag ang dalawang pinakamahusay na estudyante ng Sampaguita.

Dahil sa mahusay na pagpapaliwanag, mga testigo at mismong patunay ni Rocky at ng mga kasama nito ay nalinis ang pangalan ni Wilma. Napagalitan man at nasermunan ay natitiyak nitong mas maraming sermon ang aabutin ng karibal dahil pinaiwan pa ito sa Guidance Office kasama ng boyfriend.

"Bakla! Hanep ang pagpapaliwanag mo ah! Para ka na talagang abogada! Patay ngayon si Lyra! Kaya lang, umiwas ka na kay Rocky. Baka makasira sa pagiging top 2 mo ang image ng pagiging Other Woman.", nagmamalasakit na sabi ni Nica.

Mabilis na tumango si Wilma. Aminado siyang mali ang naisip niyang pagganti. Napikon lang siyang masyado at parang naapi ang pakiramdam. Hindi niya naisip na makakasira din sa kanya ang maling hakbang na nagawa.

Misteryo sa WattpadWhere stories live. Discover now