Ang Author 22: klinika

2.3K 144 1
                                    

Gulat na gulat ang ina ni Wilma nang marinig ang balita. Hindi makapaniwalang magkakaroon ng ganoong trahedya sa paaralang pinapasukan ng anak.

Lalo itong nag alala sa sitwasyon ng anak.

"Hindi makakabuti kay Wilma ang naganap sa isa niyang guro. Baka ma trauma siya at makaranas na naman ng matinding depresyon. Kailangang maipakunsulta ko na siya kay doktora. Hindi ko nagugustuhan ang pagsasalita niyang mag isa. Madalas ko siyang makitang bumubulong. Nagpapakita na naman ng sintomas ang sakit niya. Ilang taon na siyang maayos. Ang akala ko ay tuluy-tuloy na ang pag igi niya.", alalang alalang sabi ng ginang.

"Inay, matutulog ka ba? Gusto mo ba ako na muna ang magbantay dito?", tanong ni Wilma na ikinunat ng ina mula sa pagkakaupo. Hindi nito namalayan ang paglapit ng anak.

"Maaga pa anak, wala pa ngang alas onse eh. Kung gusto mo sabay na tayong kumain ng tanghalian.", masiglang tanong ng ina ng dalagita.

"Busog pa ako, mamaya na lang tayo kumain. Magbabasa na lang muna ako, inay.", masiglang sabi ni Wilma.

"O sige, tatawagin na lang kita kapag kakain na tayo.", sabi uli ng ginang. Napangiti na rin ito sa nakitang kasiglahan sa anak. Naisip na hindi ito naapektuhan ng pangyayaring naganap sa paaralan.

Dumiretso na si Wilma sa sariling silid. Muling kinuha ang cellphone at nag type na ng kabanatang ipa publish mamaya bago matulog. Kung dati rati ay gumagawa pa muna ito ng mga naganap at saka pa lamang gagawa ng gustong maganap. Sa pagkakataong iyon ay agad na itong nagsulat ng gustong mangyari para sa kinabukasan. Napapangiti pa ito habang ginagawa ang magaganap sa tatlong kaeskwelang kinamumuhian.

Nang gumabi na ay agad na pinablis ni Wilma ang dalawang kabanata na natapos niya. At nakangiting natulog na.

Dahil sa nangyari kay Mrs. Avendan, walang naging pasok kinabukasan. Araw iyon ng biyernes kung kaya minabuti ng pamunuan ng paaralan na ipahinga na muna ang isip ng mga mag aaral at mga guro.

Patanghali na nang humahangos na dumating si Nica sa tapat ng tindahang binabantayan ni Wilma.

Hindi pa man nagsasalita ang kaibigan ay may hinuha na siya sa ibabalita nito. Nagkunwari siyang abala sa pag aayos ng paninda ng inang nagluluto ng pananghalian sa loob.

"Naaksidente daw si Lyra at ang mga alalay niya! Di ba wala tayong pasok ngayon? Pero ang tatlong hitad imbis na umuwi nag stroll pa! Hayun! Nabundol sila ng trak at tinakbuhan! Nasa hospital daw ngayon at malamang na matagalan daw bago makalakad!", nagkakanda utal na sabi ni Nica. Humihingal pa ito at gulat na gulat sa panibagong trahedyang nabalitaan.

"Paano mo naman nalaman ang tungkol sa balitang yan?", kunwang tanong ni Wilma.

"Tinext sa akin ni Margs. Yung nanay niya at nanay ni Lyra magkumare at mismong kasama na pumunta sa hospital!", sagot ni Nica.

"Tsk…, tsk..., kita mo nga naman ang buhay ano. Hindi natin alam kung ano ang magaganap kinabukasan.", sabi ni Wilma ngunit sa loob ng isipan...., "pero ako alam ko! At ako ang masusunod kung ano ang gusto kong mangyari!"

Wala na si Nica ay nakangiti pa rin si Wilma.

"Wala na si Mrs. Avendan at wala na rin si Lyra pati ang mga amuyong niya. Wala na akong kalaban. Ako na ang tiyak na magiging pinaka matalino sa Sampaguita! At ako na ang magiging valedictorian! Lahat ng papuri at medalya ay mapupuntang lahat sa akin!", mahinang sabi ni Wilma at sinundan ng pagtawa.

Naalarma ang ina ng dalagita. Mula sa gilid ng pintuan ay natatanaw nito ang pagsasalita mag isa ng anak at ang pagtawa nito na nanlilisik ang mga mata.

Nagdesisyon na siyang huwag na patagalin ang pagpunta sa psychiatrist ng anak.

Nang sabihin ng ina na schedule nilang pumunta sa doktor ay tumango lang si Wilma. Twing ika anim na buwan ay regular silang nagpupunta sa doktor upang magpatingin. Matapos ang ilang pagtatanong at ilang test ay nakakauwi na sila. Kaya naisip niyang dalhin ang cellphone. Gagawa siya ng mga kwentong babago sa kinabukasan. Napapangiti siya sa ideyang naglalaro sa isip.

Makapanghali ay nagsarado na ng tindahan ang kanyang inay. Naghanda na silang mag ina sa pag alis.

Naglakad sila palabas at agad na nakasakay ng dyip. Kapag ganung oras ay madalang ang pasahero at maluwag pa ang daloy ng trapiko.

Naging abala siya sa pagtingin tingin sa nadaraanan. Sa dami ng maaaring isulat sa kanyang kwentong ginagawa ay napapangiti siya.

Hanggang sa makarating sila sa clinic ng doktora. May ilang mga nakaupo pa sa waiting area nang pumasok sila. Matagal na silang nakaupo at naghihintay ay hindi pa sila natatawag ng secretary ng doktora. Mabuti na lamang at may aircon ang clinic kaya hindi mainit. Nakakaramdam na siya ng pagkainip kahit pa may mga ilang magazine at nasa discovery channel ang television na nakabukas. Napabuntunghininga na lang siya nang malingunan ang inang naidlip na sa kinauupuan.

Napakunot ang noo ni Wilma nang mapansin ang isang naroroon na nakatingin sa kanya. Bumubulong pa ito sa katabi na matapos din tumingin sa kanya ay biglang bumungisngis. Pinandilatan niya ang dalawang nakatingin sa kanya. Natakot naman ang mga ito at itinutok na ang mga mata sa screen ng t.v..

"Iba ako sa inyo mga baliw! Ang mataas kong I.Q. ang dahilan kung bakit ako narito! Mga sira ulo!", naniningkit ang mga matang sabi niya sa sarili. Pinigil niya ang galit. Oras na magalit siya ay maririnig siya ng doktora. At baka mapagkamalan din siyang may sayad ang kukote gaya ng hula niya sa dalawang nakatingin sa kanya kanina.

Naisip niyang lumabas ng clinic upang mapahupa ang inis. Nakalabas siya na hindi namalayan ng ina.

Misteryo sa WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon