Ang Author 15: kinatawan ng paaralan

2K 145 7
                                    

Nang tignan ni Wilma ang kanyang account ay tila nanalo ng grand price ang naging pakiramdam niya. Sa loob lamang ng tatlong gabing hindi niya pag a update ay maraming readers na ang nag message sa kanya.

Bakit po wala pang update? ud na po...pliiiis

Miss a, bakit hindi ko po mabasa ang mga ud mo?

Ano na po nangyari miss A...?

@akosiDarna, may sakit po ba kayo? Wala pa po kasing ud eh.

Ud na po, ganda po ng mga kwento everyday.

At kung anu ano pa na talagang ikinatuwa niya ng labis. Idagdag pa ang dami ng pumasok na reads at votes kaya talagang hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya.

Nireplayan niya ang mga mensaheng nakalagay sa comment at message board niya. Pinaalam niyang bukas ng gabi ay mag a update na siya.

Hindi siya mapakali.., gusto na sana niya matulog dahil may pasok na bukas ngunit gising na gising ang diwa niya. Maraming pumapasok sa isip niya na hindi niya nakayang balewalain.

Nagdesisyon siyang gumawa ng kung hanggang saan ang tatakbuhin ng kakayanan niya.

"Miss na miss ko na ito!", sabi niya habang inuumpisahang i type ang mga piling pangyayari. Dire diretso ang pagdating ng mga pakiramdam at ideya. Hindi na niya namalayan ang oras. Parang may sariling isip at mga mata ang dalawang hinlalaki niya sa pagta type. Buo ang konsentrasyon at walang istorbo kaya sa loob lamang ng maigsing oras ay nakabuo agad siya ng tatlong kabanata na puro mahahaba. Nang tignan niya ang oras ay mag aalas tres na!

Ipinatong niya ang cellphone sa ibabaw ng lamesita at saka nakangiting nahiga na upang matulog.

Kinabukasan...,

Masiglang masigla na uli si Wilma nang makita ni Nica. Parating pa lang ang kaibigan ay sumalubong na siya.

"Mukhang naka move on ka na sa sorrow and pain mo, bakla. Okey na ba? Nakapag babang luksa ka na ba sa pagkamatay ng cellphone mo? Or....., may iba na?", nakangiting tanong ni Nica sa kanya.

"Luka luka! Halika na nga at baka okrayin mo na naman ang araw na ito.", nakangiti niya ring sagot.

Hindi niya sinabi sa kaibigan ang tungkol sa napulot. Hindi niya dinala ang cellphone at maingat na inilagay lamang sa drawer niya. Hindi niya maaamin na pinag iinteresan na niyang angkinin ang hindi man talagang kanya ay hindi naman niya ninakaw. Upang gumaan ang pakiramdam at ang pang uusig ng kunsensya ay pinaniwala na lamang niya ang sarili na hulog iyon ng langit at premyo niya sa pagiging matalinong mag aaral at mahusay na manunulat na nakakapaglibang ng ibang tao.

Naging tahimik lang si Wilma at isinubsob ang sarili sa mga lectures ng guro. Kung ang adviser ay mainit sa kanya.., ang karamihan naman ng guro ay impress na impress sa kanyang husay na ipinakikita. Lalo na ang guro na si Mrs. Gabion.

"Ikaw ang isasali ko sa Essay Writing Contest, Wilma. Alam kong kayang kaya mo yun. Kapag ikaw ang nag champion, ikaw ang magiging representative ng eskwelahan natin sa District. May tiwala ako na kaya mo. Magaling ka sa pagtalakay at pagbusisi ng bagay bagay. Ako ang magko coach sa iyo.", nakangiting pagbabalita ng guro.

Pumayag siya, alam niyang kaya niya. Kung ang pag gawa nga ng kwento ay nakaya nya, tiyak niyang hindi siya mahihirapan sa pag gawa ng materyal para sa Kawayan na sinabi ng guro na gagawan ng sanaysay.

Nang mag recess ay inaya niya si Nica na pumunta sa garden.

"Bakit? Aano tayo doon? May project ba tayo sa Science at kailangan pa nating pumunta dun? Itanong na lang natin kay Ninong Google!", sabi ni Nica.

Ikinwento niya sa kaibigan ang napag usapan nila ni Mrs. Gabion.

"Gusto ko sanang obserbahan at personal na makita ang puno ng kawayan na nakatanim sa garden para mas makahugot ako ng magandang isusulat.", paliwanag niya.

"Ganun ba? Bakit hindi mo agad sinabi? Halika na, sa garden na tayo! Sa ganitong paraan man lang ay may maitulong ako. Ang alam ko lang kasing kawayan ay Bamboo!", pagkasabi ay bumira pa ng kanta ang kaibigan.

Hoooy! Pinoy ako buo aking loob may agimat ang dugo ko!

Natawa si Wilma sa pag arte ng kaibigan habang kumakanta. Ginagaya kasi nito ang singer na si Bamboo.

Nagpunta na nga ang dalawa sa garden. Hawak ang isang lapis at notebook ay isinulat niya ang nakikitang galaw at itsura ng kawayang chino na tinitignan habang kinakain ang sandwich at juice na binili sa canteen bago nagtuloy doon.

Wala pa mang sinasabing araw ng kompetisyon ang guro ay paghahandaan na niya ang lahat. Ayaw niyang mapahiya ang guro sa tiwalang ibinigay nito sa kanya. Gusto niyang magwagi at makuha ang kampyonato upang maging kinatawan ng kanilang paaralan na ilalaban naman sa iba pang paaralan. Hindi niya bibiguin ang paniniwala ni Mrs. Gabion na magaling siya. Patutunayan niyang may talento siya bilang pinaka mahusay sa paggawa ng sanaysay.

Misteryo sa WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon