Ang Author 2: kahinaan

2.7K 178 20
                                    

"Bakla...?  Bakla..? Wilma!", tawag ni Nica na sinamahan ng pagtapik sa braso nito.

"Uh! Bakit?", tanong niya. Napalayo na ang takbo ng isip niya ngunit kalmado lang at normal na tumingin sa mga mata ng bahagya pang nakangangang kaibigan.

"Myyy goodness.., panay pa ang chikabels ko dito tapos nag fly far far away naman pala ang alice in wonderland mo! Hmp!", tila nagtatampong sabi ni Nica.

"Ang arte mo, bakla. Siyempre nakikinig ako sayo no. Ikaw talaga.., huwag ka na nga mag emote diyan.", nakangiti niyang sabi sa kaibigang napangiti na rin.

Nagpakitang gilas si Wilma sa recitation ng umagang iyon. Nais nitong ipakita sa adviser na siya ang dapat na inilagay nito sa top one. Masama ang loob niya sa guro dahil mas mataas ang ibinigay nitong grade sa kaklaseng katunggali kaysa sa kanya. Gusto niyang ipamukha dito at kay Lyra na siya ang mas may karapatan sa titulong pinaka magaling sa buong klase nila. Sa star section na kinabibilangan nila.

Maging sa sumunod na mga subject ay ganun din ang ginawa ni Wilma. Naka focus ito sa lecture ng teacher at lahat ng itinuturo  at ipinapaliwanag ay tine take down note pa niya para gamiting refference sa pagre research niyang gagawin. Gusto niyang ahead ang kanyang kaalaman sa mga kaklase. Advance.., upang makakuha ng mas mataas pang marka. Upang sa second grading ay pangalan na niya ang nakalagay sa top one. Ngayon pa lang ay uumpisahan na niya ang mas pagsisikap na pataasin pa ang marka. Siya ang dapat maging Valedictorian!

Naging tila dalawa lamang ang estudyante ng mga guro na pumapasok at lumalabas sa loob ng classroom ng lV-Sampaguita. Hindi rin pumayag na patalbog at padaig si Lyra kay Wilma. Parang nasa battle of the brain ang dalawang pinaka mahusay na mag aaral. Siyang siya ang mga guro sa ipinamamalas na husay ng dalawang estudyante. Maging ang iba pa kasing kaeskwela ay nahawa na rin. Ginanahan rin ang mga ito na mag participate. Pati si Nica at ang dalawang kaalyado ni Lyra ay nagpagalingan rin. Animo may mga bisitang mga taga DEPED at District Supervisor sa loob ng kanilang classroom na nanonood sa paraan ng pagsagot ng mga mag aaral. Karamihan sa mga ito ay nakataas ang mga kamay upang sumagot.

Hanggang sa matapos ang klase at mag uwian.

Sabay sabay na naglabasan ang mga mag aaral ng iba't ibang section sa loob ng mga classroom. Maingay ang pinagsama samang bulungan at usapan ng mga fourthyear.

Dahil mga nagbibinata at mga nagda dalaga na ay kapansin pansin na ang ilan sa mga ito ay may mga kapares na. Parang mga bulaklak na may nakadapong bubuyog sa talulot. Ilan sa mga babae ay may mga pahid ng lipstick sa mga labi at pulbos sa pisngi. Ang ilan ay may suklay na hawak sa isang kamay at umaalingasaw ang amoy ng mabangong cologne na winisik sa uniform na suot.

Ang mga lalake man ay ganun din. Nakatinghas ang maiigsing buhok na pinatigas ng gel o wax. Kung noong araw ang pulbos ay sadyang ginawa para sa puwit ng baby gaya ng pinapakitang commercial sa television at ginagamit lamang ng mga babae, ngayon pati mga kabataang lalaki ay nagpupulbos na rin.

Agad na napansin ni Wilma ang kaeskwelang si Lyra na may kasamang poging taga lV-Jasmin.

Sa pagkaka alam niya ay na kick out ito mula sa isang private school. At kung hindi siya nagkakamali base sa tindig, kilos at pananalita ay marami itong kalokohang nasa tuktok kaya napunta sa paaralan nila.

Kasama ng grupo ng kalabang kaeskwela ang grupo ng mga pinapantasya ng karamihang babae sa fourthyear.

Pa simple niyang sinulyapan ang mga ito habang nakatayo sa corridor at nag uusap. May tinatapos pa si Nica kaya hindi pa sila nakakalabas ng room.

"Mukhang may kinang ang mga mata mo Lyra. At ang mga ngiti mo ay may kahalong kilig. Ganyan ang itsura ng mga hipag ko nang binobola at inuuto pa lang sila ng mga kuya ko. At ang mga amuyong mo ay parang mga kiti kiting kislutan ng kislutan. Parang takam na takam na mapansin at magpabola naman sa mga amuyong na gaya nila. Sige lang.., gusto ko yan. Maganda ang idudulot niyan sa..., akin.", bulong niya sarili at pagkatapos ay sumilay ang kalahating ngiti sa labi.

"Ehem…!", boses ni Nica na nakapag pakislot sa kanya.

"Nagwi window shopping ang mga eyeballs mo bakla. Sino ba sa mga hot na taga Jasmin ang gusto mong dalhin sa cashier?", pataray na sabi ng kaibigan kasabay ang isang nanunuksong ngiti.

"Hot ka diyan! Kung tapos ka na ay halika na! Kaybagal bagal mo talaga magsulat kaya lagi tayong late sa paglabas.", sagot reklamo ni Wilma.

"Ayan! Ibahin daw ba ang usapan at ako bigla ang resbakan?", sagot naman nito sa kanya.

Natawa siya sa pag ingos na ginawa ng kaibigan.

"Halika na at nang makalabas na tayo. Ang init dito sa loob ng room.", reklamo niya upang muling iwasan ang pagtatanong ng titig na titig na kaibigan.

Paglabas nilang magkaibigan sa room ay siyang paglakad naman ng grupo nila Lyka kung kaya nasa unahan nila ang mga ito.

Hindi niya maiwasang mangiti nang makita ang pagpapa cute ng kalabang kaeskwela sa kasabay na lalake. Eksaktong napalingon sa kanya ang crush ng bayan at hindi na niya nabawi ang ngiti nang ngitian din siya nito.

Masamang tingin at isang matalim na irap ang tinanggap niya mula sa selos na selos na si Lyra na lalong nakapag pangiti sa kanya.

"Iyan ang pagkakamali mo, Lyra. Ipinakita mo sa akin ang kahinaan mo!", bulong niya sa sarili.

Misteryo sa WattpadOù les histoires vivent. Découvrez maintenant