Ang Author 4: bestfriend Nica

2.5K 176 16
                                    

Parang pinag aadya naman na sa sumunod pang subject ay nagbigay din ng long quiz ang kanilang guro.

Hindi nawawala ang pagkakangiti ni Wilma habang sinasagutan ang papel na nasa ibabaw ng mesa. Alam na alam niya ang sagot sa mga tanong na na sasagutan.

At gaya nang pamamaraan ng naunang guro kanina ay ganun uli ang nangyari. At gaya pa rin kanina si Wilma uli ang nakakuha ng thirty out of thirty at si Lyra ay itlog uli.

Nang mag uwian ay halos kaladkarin ni Nica ang kaibigang si Wilma palabas ng classroom. Sa hagdanan pa lang ay panay na ang ukilkil nito sa kanina pa itinatanong.

"Baklang 'to! Hihimatayin na ako sa sobrang atat sa isasagot mo sa akin pa hard to get ka pa! Azar ha!", reklamo ni Nica.

Napabungisngis naman si Wilma sa nakitang itsura ng makulit na kaibigan.

"Doon na sa baba. Di ka naman makapag hintay eh.", natatawa nitong sabi.

"Oh my beautiful and sexy body! Mambitin daw ba?!", maarteng reklamo uli ni Nica.

Sasabihin na ni Wilma ang dahilan kung bakit ngiting panalo ang nakaguhit sa mga labi niya, para matigil na ang kaibigan sa pag i emote nang may magsalita mula sa kanilang likuran.

"Hmp! Itsura! Kayang kaya ni Lyra habulin ang dalawang quiz na binigay nila mam. Napakatalino yata ng friend natin! At kahit pa ilang quiz ang hindi niya makuha ay magagawa pa rin niyang maging top one sa ating klase! Alin? Kung nandito siya ay tiyak na perfect ang score niya!", parinig ng isa sa mga alalay ni Lyra.

Agad na nagbigay ng reaksyon si Nica sa narinig. Bigla itong pumihit sa likuran at hinarap ang dalawang matagal na nitong kinaiinisan.

"Hey! mga chuchuwariwap ni Princess Sarah! Umaarte?! May nagtatanong, ha?! Iparinig ba?! Kotang kota na kayo sa akin ha! Baka gusto nyong mapadali ang pagbaba nyong dalawa dito sa hagdanan?! From the top to the bottom?! Come on, dare me! Kapag kumurap ang mata nyo ilalaglag ko kayo pareho! Magkasubukan tayo ngayon! Guidance na kung guidance!", pagtataray ni Nica sa dalawang kaklase na biglang natameme at hindi kumukurap.

Naghintuan na rin ang iba pang estudyanteng kasunuran nila sa hagdanan. Nag abang sa action scene na magaganap.

"Halika na Nica. Sasabihin ko na sayo ang gusto mong malaman. Tara na!", pag aaya ni Wilma sabay hila sa namumulang kaibigan.

Nag alala itong baka mapakurap nga ang mata ng alin man sa dalawang kaaway nito at pagulungin nga ng kaibigan pababa.

Kabisado niya ang ugali ng bestfriend. Kapag siya ang involve at nadedehado ay umusok agad ang tumbong nito. Ayaw niyang mapasubo ang kaibigan sa away ng dahil sa kanya at sa walang ka kwenta kwentang dahilan. Kaya hinawakan na niya ang braso nito at inaya na pababa.

Nagpaawat naman si Nica sa kaibigan ngunit bago tuluyang bumaba ng hagdanan ay muling tinignan ang dalawang kaeskwelang bigla uling umunat ng tayo at idinilat ang mga matang hindi kumukurap.

Nagmamadaling hinila uli ito ni Wilma.

Nang makababa na at wala na sa paningin ang dalawang kaaway ay saka pa lang napabunghalit ng tawa si Nica. Pinawalan na rin ni Wilma ang kanina pa pinipigil na pagtawa.

"Nakita mo ba ang fezlak ng dalawang alalay ng Panday ha, bakla?", natatawang tanong ni Nica na tinanguan ni Wilma.

"Kala mo nakita si Sadako sa putla! Pagtata tampalin ko talaga kung kumurap sila eh! Istorbo ang mga potek! Ayun na eh, sasabihin mo na kung ano ang ngiting tagumpay diyan sa nguso mo tapos umepal pa! Abang na abang na ako tapos nag intermission pa sila! Ano yun, commercial break?! Mga pocahontas na yon! Nagmamaganda eh nanghihiram lang naman ng ganda sa chinchunsu!", natatawang sabi pa rin nito.

Panay rin ang tawa ni Wilma sa napaka kwelang kaibigan.

"Tama na nga at kakabagin na ako sayo. Heto na, sasabihin ko na ang lahat mula sa umpisa para hindi na umiinit ang ulo mo. Luka luka ka!"

At ikinwento na nga ni Wilma ang lahat. Mula sa umpisa hanggang sa huling nangyari sa oval. Maging ang hinalang nag cutting ang karibal sa pagiging valedictorian.

"What the f...? Packing tape! Talaga?! Ang ganda mo, neng! Hiyang hiya ang ganda ni Maria Makiling sa iyo! At kung magsasa sama si Lyra kay Rocky gaya ngayon ay di malayong masibak siya sa pwesto niya bilang top one?! Hay naku! Good luck sa kanya!'', sabi ni Nica.

Nakailang hakbang na silang magkaibigan papuntang gate ng paaralan nang biglang huminto si Nica at hinawakan sa magkabilang balikat si Wilma.

" Hoy! Wilma ha. Huwag na huwag kang makasakay sakay sa pambobola ng lalaking yon! Oo, ikaw ang nagpapahabol ngayon. Pero baka di mo na napapansin pagtagal tagal eh ikaw na pala ang humahabol! Ay naku, bakla ka! Ikaw ang ihuhulog ko sa hagdanan kapag nalaman kong sira na rin ang ulo mo dahil sa pag ibig pag ibig na yan! Umayos ka!", seryosong sabi nito.

"Hindi po mangyayari yon, impo. Huwag na pa kayo mag alala.", natatawang sagot ni Wilma sa kaibigan. Nangunot ang noo nito nang biglang sumiksik sa kanya si Nica at saka pabulong na humirit.

"Ipakilala mo kaya ako kay Rocky. Atleast ako wala sa top. Ang pogi talaga nun eh. Sayang naman kung mapupunta pa sa iba. Tutal wala siyang masisirang pag aaral sa akin dahil sira na talaga. O ano sa tingin mo? Magandang idea di ba?", tanong nito.

"Aray!"

Daing ni Nica matapos kutusan ni Wilma.

"Pambihira! Nananakit agad?! Di ba pwedeng sawayin lang?! Para nagbibiro lang ang tao eh! Hindi ko type yun noh! Para pogi lang naman, matangkad, magandang magdala ng damit, laging mabango at ang puputi ng pantay pantay na ipin ay type ko na agad?! Hah! Nungka! Pipila muna ang Rocky na yan bago niya ako matikman! Ang ganda ganda ko kaya!", nagyayabang na pakwela ni Nica.

"Tama...., May tama ka!", sigaw ni Wilma.

Nagtatawanan pa rin ang magkaibigan nang makalabas sa paaralan.

Misteryo sa WattpadWhere stories live. Discover now