Ang Author 13: maliit na bag

2K 152 1
                                    

Pansamantalang nakalimutan ni Wilma ang tungkol sa sirang cellphone nang muling mapasabak sa pakikipag tagisan ng galing sa ilang subject na nagkaroon ng oral recitation. Muli silang nagpakitang gilas ng kalabang si Lyra.

Dahil sa may namuong hidwaan sa kanila ay naging personalan na ang kanilang away. Nahati ang magkakaklase, may pabor kay Lyra at may pabor sa kanya. Nagkaroon sila ng kanya kanyang supporters. Siya ang naging dehado nang ang adviser na nila ang sumunod nilang subject.

Hindi man ito tahasang bumabanggit ng pangalan ay alam niya at nang ilang sa kanya pumapanig na sa kanya ito nagpaparinig. Mas naging mainit sa loob ng classroom dahil dun.

Recess..,

Hindi na nagpunta sa canteen o sa oval ang magkaibigan. Umupo na lamang ang mga ito sa ilalim ng puno at nakisuyo na lamang makibili sa ilang kaeskwela na doon din magpupuntahan sa pwestong iyon pagkatapos.

Nagpalinga linga si Nica sa paligid. Nang makasigurong malayo sa kanila ang iba pang mga kaklase ay naglabas na ito ng saloobin.

"Sumosobra na yang si Mrs. Avendan! Ano kaya kung ireport natin sa principal ang pagiging bias niya? Masyado nang obvious na bet na bet niya si Lyra. Hindi dapat ganun, di ba? Ang mga guro ay isa sa mga huwarang titignan at pamamarisan ng mga mag aaral. Dapat ay sa kanila makikita ang isang magandang halimbawa. Paano sila magkakaroon ng credibility sa mga itinuturo nilang good manners and right conduct kung sila mismo hindi natin makikitaan ng ganun? Paano naman natin irerepesto at paniniwalaan ang ganung techer? Kahit favorite niya si Lyra dapat maging neutral lang siya. Hindi siya dapat lantaran kung magpakitang may kinakampihan siya. Dapat nga wala siyang papanigan di ba? Isang paraan na rin ng pangbu bully ang ginawa niya kanina!", asar na asar na sabi ni Nica.

Nang hindi kumibo si Wilma ay sumiksik ito ng upo sa kaibigan at inilabas ang cellphone.

"Tignan mo ito, bakla.", bulong ni Nica sabay pindot ng play. Nai video nito ang gurong kinaiinisan habang nagsasalita ng mga patutsada na tumutukoy sa kaibigan.

"Pwede nating gamitin ito bilang ebidensya.", bulong uli ni Nica.

"Hindi ganun kadali ang gusto mong gawin. Walang tibay ang ebidensyang ito dahil hindi naman siya bumanggit ng pangalan. Madali lang itangging ako ang pinatatamaan niya. Lalo lang niya akong pag iinitan kapag ginawa natin ang ganyan at madadamay ka pa. Graduating na tayo , baka magkaproblema pa. Alam ng ibang teachers natin ang ginagawa ni mam pero hindi sila kumikilos. Magkakabaro sila at ang ikasisira o ikapapahamak ng isa sa kanila ay magiging batik nilang lahat. Kaya wala lang mangyayaring maganda kung irereport natin siya. Iiwasan ko na lang na lalo siyang mainis sa akin.", malungkot na sagot ni Wilma.

"Eh paano kung tirahin niya pati ang grades mo?", nag aalalang tanong uli ni Nica.

Sandaling natigilan si Wilma. Nagawa na nito ang ganun kaya nga nakaungos ng dalawang puntos si Lyra sa kanya.

"Bahala na! Hindi niya naman siguro ibaba ng todo ang grades ko dahil maku kwestyon siya. Gagalingan ko na lang sa test at mga quiz.", nasabi na lang ni Wilma kahit pa nga ang tunay na saloobin ay puno ng pangamba.

Samantala....

"Ha?! Napakalaki naman pala ng gagastusin sa cellphone na yan.", gulat na tanong ng inay ni Wilma sa teknisyan.

"Recondition na ho kasi itong cellphone ng anak nyo. Mas maganda ho kung bibili na lang kayo ng bago. Patapon na ho ito eh.", magalang na sabi ng lalaki.

Matapos ang pag uusap na yon ay malungkot na umuwi ang ginang. Tiyak niyang magdaramdam ang anak sa balitang sasabihin niya.

Ilang oras pa ay dumating na nga si Wilma buhat sa paaralan.

Gaya ng inaasahan nagkandaiyak ito nang malamang hindi nagawa ang cellphone niya.

"Hayaan mo anak at mag aabang uli tayo kung may magbebenta sa mga kapitbahay at pagnaka renew ako sa lending ay ibibili kita. Pansamantala ay mag research ka na lang muna sa computer shop nila Nica. Matagal pa rin kasi ang sweldo ng itay mo.", paliwanag ng inay ng dalagita.

Halos mapunit ang mga punda ng unan at sapin sa kanyang higaan sa nangyaring pagmamarakulyo at gigil na nararamdaman.

"Kung bakit kasi mahirap lang ang mga magulang ko! Habang ang ibang mga kaklase kong wala namang nakukuhang karangalan para sa mga magulang ay palaging may mga bagong gamit samantalang ako ay wala! Magkaroon man ay pinaglumaan na lang ng iba! May problema na nga ako sa school at ang pag gawa ng kwento sa Wattpad lang ang pinaka pang alis ko ng stress at nagpapasaya sa akin ay nawala pa! Bakit ganito?! Bwisit! Bwisit na buhay to!", impit niyang sigaw. Nakasubsob ang mukha niya sa unan.

Hindi namalayan ni Wilma na nakatulog na pala siya nang hindi nakakain ng tanghalian. Hapon na siya nang magising dahil sa pagkulo ng tiyan.

Dahil nailabas na ang sama ng loob ay bahagyang guminhawa ang kanyang pakiramdam. Ganun pa man ay nasa dibdib pa rin ang tampo sa mga magulang na walang kakayanang mabigyan siya ng bagong cellphone na magagamit.

Gabi...

"Wilma, ikaw na nga muna ang magbantay dito at bibili lang ako gaas sa kanto. Wala akong magagamit bukas ng madaling araw sa pagluto ng babaunin ng itay mo!", tawag ng ina sa kanya.

Walang kibong sumunod na lang siya sa utos nito.

Tahimik ang paligid. Palibhasa ay umuulan kaya walang mga nakatambay.

Nagulat siya nang mapansing may isang matandang babae pala na nakisilong sa may gilid ng tindahan nila.

Nakasuot ito ng damit na hanggang sakong ang haba at nakabalot ang buong ulo at leeg ng scarp.

"Muslim ata!", bulong niya.

Pagkatapos magpalinga linga ay nagtatakbo ang babae. Parang takot na takot.

"May toyo pa yata.", bulong niya habang sinusundan ng tingin ang pagsugod nito sa malakas na ulan.

Paupo na uli siya nang mapansing may isang maliit na bag na nakabagsak sa lupa at nauulanan. Doon sa mismong kinatayuan ng matandang babae!

"Ale! Ale!", malakas niyang tawag pero hindi ito lumingon sa kanya.

Nagmamadali siyang lumabas ng bahay at kinuha ang basang bag. Tatawagin sana uli niya ang matandang babae na kanina lang ay natatanaw ngunit wala na ito.

Misteryo sa WattpadWhere stories live. Discover now