Ang Author 23: Finale

3.1K 245 60
                                    

"Mga bwiset na yon! Mga may tililing! Ayoko na! Ayoko na magpatingin kay doktora! Ako na lang ang bahala sa sarili ko! Kaya kong gumawa ng maraming pagbabago! Kung gugustuhin ko ay magagawa kong gunawin ang mundo, bukas na bukas din!", nagtatawa niyang sabi.

Sumakay siya sa dyip na huminto sa kanyang harapan matapos lingunin ang klinika.

"Ite text ko na lang ang inay. Pupunta muna ako sa pinagtatrabahuhan ni kuya. Papasunurin ko na lang siya sa akin. Kapag nagtagal pa ako sa clinic na yon ay baka mapilipit ko ang leeg ng dalawang baliw na naroon sa loob!", bulong niya habang nagte text sa ina.

Matapos magtext ay umayos na siya ng upo, napansin niya ang isang pamilyar na mukha ng isang babaeng tulog.

Ipinagkibit balikat na lamang niya at dahil malayo pa naman ang food chain na pinapasukan ng kapatid ay ipinikit muna niya ang mga mata. Ilang sandali pa at nagulantang siya nang makarinig ng isang putok!

Mabilis na gumewang at nagpa ekis ekis ang takbo ng sinasakyan niyang dyip at dire diretchong sumalpok sa isang malaking trak. Kitang kita niya ang isang malaking troso na dumausdos papunta sa kanya!

Tumalsik ang hawak niyang cellphone at bago pa tuluyang ipikit ang mata ay nakita niyang dinampot iyon ng isang babaeng may tala sa noo. Ngumisi pa iyon sa kanya.

Wii..., wii....

Humahagibis ang takbo ng tatlong ambulansya lulan ang limang biktina ng sakunang naganap sa kalsada dahil sa holdapang naganap sa isang bangko. Isang driver na may tama ng baril at ang apat na pasaherong duguan at wala ng mga buhay.

Dead on the spot!

Sa loob ng hospital....

Isang nurse ang paikot ikot at tila may hinahanap sa loob ng private room ng kasalukuyang inooperahang pasyente na tinrasfer sa hospital nila mula sa Boracay. Nang makita ang hinahanap ay nagtatalon pa ito sa tuwa.

"Napulot ko ito at hindi ko naman ninakaw. Malay ko ba kung sino sa limang bangkay ang may ari. Wala namang pagkakakilanlan. Ni wala ngang pictures sa gallery maliban sa mga nakasulat na hindi ko naman maintindihan. Latin yata iyon. Ah, basta! Akin na ito.", pagkasabi ay agad na ipinamulsa ang itim na cellphone.

Wakas

Maraming salamat po sa inyong lahat na nagtiyagang subaybayan ang kwentong ito..., hehe..

Malaking malaking pasalamat ko talaga sa inyong lahat, lalung-lalo na sa super todong pagsuporta ng mga super followers ng inyong lingkod na walang sawang naka antabay sa bawat kwentong ginagawa ko. Kayo ang nagbibigay ng inspirasyon sa akin. I love you, guys!

On going pa rin po ang.....,

Ito kaya'y totoo? (Horror stories)

My part time husband

At next na po ngayon after ng story na ito ang Bakanteng Nitso 3

And soon...

The Confessions of an Unfaithful Wives

Maraming maraming salamat sa inyong walang sawang pagtangkilik... (*^__^*)

To God be the Glory!

Gamsahabnida!

Saranghaeyo!

ajeomma   

Misteryo sa WattpadWhere stories live. Discover now