Ang Author 14: napulot na cellphone

2K 162 17
                                    

Kanina pa nagtatalo ang isip niya habang tinitignan ang basang bag na ipinatong niya sa maliit na mesa ng kanyang inay.

"Bubuksan ko ba o hindi? Titignan ko ba ang nasa loob o huwag? Kaya lang baka may kung anong laman ito na maaaring mapinsala dahil basang basa!", tanong sagot niya sarili.

Ilang saglit pa siyang nanatiling nakatingin lang sa maliit na bag, hanggang sa makapag pasyang tignan ang nasa loob nito.

Napanganga siya nang makitang may ilang mga nakatiklop na basang papel at isang kulay itim na cellphone sa loob ng bag!

Mabilis niyang inilabas mula sa loob ang cellphone na basang basa rin. Ang ilang pirasong papel naman ay maingat niyang ibinuyangyang upang hindi kumalat ang tinta upang magawa pa niyang basahin pag natuyo na.

Muli niyang pinag isipan kung pangangahasan ba niyang pakialaman ang cellphone. Baka kung bumalik ang matandang babae ay magalit pa at siya ang masisi kung magkaroon ito ng diprensya.

Hindi namalayan ni Wilma ang pagpasok ng ina dahil sa iniisip.

"O! Kaninong cellphone iyan at basang basa? Naku! Sayang naman, ang ganda pa naman ah!", sabi ng inay niya.

Ikinwento niya ang nangyari at nagpatulong sa ina para sa mas tamang gawin.

"Kung hindi mo bubuksan at aalisin ang baterya ay baka pumasok na ng tuluyan ang tubig hanggang loob. Sige na, baklasin mo na at patuyuin sa electric fan.", utos ng ina na. Sinunod niya agad ang sinabi nito. Pumasok siya sa loob ng bahay at ginawa ang alam na paraan habang panay ang piping paghiling.

"Sana huwag ka na balikan nung ale. Sana akalain niyang naiwanan ka niya sa ibang lugar. Sana akin ka na lang. Promise iingatan kita., gagamitin kita ng tama. Promise!", kausap niya sa cellphone.

Nag antay antay pa silang mag nanay ng ilang oras upang kung bumalik ang sinasabi niyang matanda ay maisauli niya ang cellphone nito. Ngunit pahatinggabi na ay wala pa ang hinihintay nila hanggang sa magsarado na ang inay niya. Lihim siyang natuwa.

Itinabi niya sa loob ng kanyang silid ang cellphone.
"Bukas na kita bubuhayin kung gagana ka pa, ha. Sana buhay ka pa. Sana walang nangyari sayong masama. Sa akin ka na lang ha. Huwag ka na bumalik sa dating may ari sa iyo.", nakangiti niyang kausap sa cellphone at pagkatapos ay parang sira na hinagkan pa iyon.

Natawa rin siya sa sarili pagkatapos ng ginawa. At hindi nawala ang pagkakangiti sa labi hanggang sa makatulog na.

Kinabukasan ay nagsisigaw si Wilma sa tuwa. Gumana ang cellphone nang buhayin niya.

"Anak, hindi sa iyo ang cellphone na iyan. Kapag pumunta ang matandang babae na may ari niyan ay dapat lang na isauli mo. Masamang umangkin ng hindi sa iyo.", paalala ng ina sa kanya.

Nagsawalang kibo na lamang siya.

"Hindi ko naman ito ninakaw. Napulot ko na ito, kaya akin na to!", bulong niya.

Bagaman at gusto na niyang angkinin ang cellphone ay hindi niya pa rin magawang gamitin iyon. Naghintay hintay pa rin siyang bumalik ang matandang babae. Ngunit linggo na ng gabi at pasarado na uli ang ina ay wala pa ring naghahanap sa napulot niya.

"Inay, hindi na bumalik yung ale. Baka hindi din naman sa kanya yung bag na napulot ko. Baka nang tumayo siya sa gilid ng tindahan natin ay nandun na talaga yung bag at hindi lang niya napansin. Kung sa matandang ale yun e di sana pumunta na siya dito para magtanong. Dalawang araw na ay wala pa siya. Pwede ko na bang gamitin yun, nay? Kailangang kailangan ko na ang cellphone eh.", pangungumbinsi niya sa ina.

"Maaaring tama ka, sige gamitin mo na. Pero kung babalik yung ale ay isasauli mo ang gamit niya ha.", sabi ng ginang.

Tuwang tuwa siyang kumaripas ng takbo papasok ng bahay. Dumiretso sa sariling silid at kinuha ang cellphone na maingat niyang inilagay sa loob ng kanyang drawer.

''Tsup! Tsup!, akin ka na ha. Ikaw at ako na ngayon ang magkakasama. Ako na ang bagong nagmamay ari sayo. Gaya ng pinangako ko, iingatan kita at gagamitin ng tama. Hindi kita aabusuhin at ikaw naman palagi kang maging malakas. Huwag kang masisira,ha.'', masayang masaya niyang kausap sa cellphone na hawak matapos palitan ng sariling sim ang sim na nasa loob.

Nakangiti pa rin siya habang ino open ang cellphone na sa mga artista at mga mayayaman lang niya nakikita.

"Wow! Download lang kaya itong power on logo nito? Iba siya, parang magical! Ang lakas makaibang dimension! Nung i on ko ito nung nakaraang araw ay hindi ganito ang rumehistro sa screen, tapos ngayon iba na. Iba talaga kapag mamahalin at original ang gadget. Siguro pinalagay ng dating may ari. Hightech talaga!", puri niya.

Agad niyang dinelit ang mga messages na nasa inbox, outbox at draft. Ganun din ang lahat ng calls. Maging ang naka save na mga number sa Contacts.

Agad niyang ininstall ang Wattpad, Pixlr, Go keyboard at kung anu ano pa na kailangan niya sa pag gawa ng kwento.

Ang lahat ng kailangang gawin ay ginawa niya.

"Sana hindi ka ipa block ng dating may ari sayo. Bukas ay bibilhan kita ng bagong case.", tuwang tuwa niyang sabi.

Misteryo sa WattpadWhere stories live. Discover now