Ang Author 19: magaganap ang nais

2K 162 6
                                    

"Ngayong nakatitiyak na akong ang anumang isulat ko ay magkakatotoo ay magsisimula na akong lumikha ng pagbabago. Nasa aking mga kamay ang mangyayari sa future! Ang lahat ng nanaisin ko at kung ano ang gusto kong mangyari ang siyang magaganap! Kaya kong gumawa ng kahit ano!", bulong ni Wilma sa sarili habang hinuhugasan ang mga pinggang pinagkainan.

Nadungawang ito ng kanyang ina.

"Mukhang may mine memorize na naman ang anak ko. Para saan naman kaya? Ah! Baka dun sa pa contest ng school nila na narinig kong pinag uusapan nila ni Nica! Napakaswerte ko talaga sa anak kong ito. Napakasipag mag aral, sige anak! Husayin mo para makapag uwi ka na naman ng medalya sa amin ng tatay mo!", nakangiting bulong ng ina ng dalagita habang pinagmamasdan ang pagkimbot kimbot ng mga labi ng anak. Napapagaya pa siya sa nakikitang ekpresyon sa mukha nito. Maging sa pailalim na tingin, pagyuko at pagtingala nito ay napapagaya siya. Natatawa sa sariling pumasok na ang ginang sa loob ng tindahan matapos makitang patapos na sa ginagawa ang anak.

"Dito na nga ako, baka mapansin pa ni Wilma na nakatingin ako. Ayaw na ayaw pa naman ng batang yon ang pinagtatawanan siya. Natatandaan ko pa noong maliit siya ay nanghabol siya ng saksak nang tuksuhin at pagtawanan ng mga kalaro. Itinulak din niya ang kaklase sa stage matapos siyang tawanan dahil nagkamali siya sa pagre recite ng Panatang Makabayan. Hay naku, mabuti na lang at nagawan namin ng paraan. Napalipat tuloy kami dito sa lugar na ito nang wala sa oras. Mabuti na lang at nang lumalaki na siya ay nabago na ang ugali niya. Hindi na bayolente. Kaya lang ay ayaw pa rin niyang makihalubilo sa iba. Mabuti na lang at hindi na siya sinasakitan ng ulo kapag maraming taong naggagalawan sa paligid niya. Naging tahimik na lang at puro aral ang ginawa. Buti na lang din at nakasundo niya si Nica kung hindi ay baka ni isang kaibigan ay wala siya. Sa susunod na buwan ay check up na uli niya sa doktor. Buti na lang at may napulot siyang cellphone, kung nagkataon ay mapipilitan akong ibili siya para hindi magtanim ng sama ng loob. Eksakto sa renew ko ang check up niya, maraming laman ang tindahan ko kaya makakapag paikot na ako ng puhunan. Hindi na mababawasan ang makukuha kong pera. At ang itay naman niya ay maayos na uli ang trabaho. Mabibili ko ang lahat ng ireresetang gamot ni doktora.", nakangiting sabi ng ginang.

Samantala..

Matapos maghugas ng plato at makapagwalis sa sala na nakasanayan na niyang gawin araw araw ay pumasok na si Wilma sa loob ng sariling silid.

Nag umpisa na ang dalagitang mag type sa hawak na cellphone. Inilagay niya sa ginagawang kabanata ang lahat ng nangyari maging ang kaliit liitang detalye ng mga naganap sa eskwelahan. Sa ginawang kwento ay inilagay din niya ang pagkawala ng interest ni Nica na basahin pa ang kwento niya. Ayaw niyang malaman ng kaibigan ang kwentong gagawin niya dahil tiyak na makikilala na nito ang tunay na identity ni akosiDarna.

Nasa pangalawang kabanata na siya nang makaramdam ng matinding antok. Chinarge na niya ang cellphone at saka nahiga at natulog.

Hapon na nang magising si Wilma. Hinugot na niya sa saksakan ang cellphone at maingat na ibinalik sa loob ng kahon.

Nagmeryenda ito at pagkatapos ay nag umpisang gumawa ng assignment. Nililigpit na ng dalagita ang mga gamit nang lapitan ng ina.

"Wilma, dumoon ka na muna sa tindahan at biglang humilab ang tiyan ko.", sabi nito. Hindi na hinintay ang pagsagot ng anak. Nagmamadali nang pumasok sa loob ng banyo.

Naupo si Wilma sa loob ng tindahan at nag antay ng bibili. Napangiti siya habang tinitignan ang mga nakasalansang paninda ng ina. Naisip niyang kung gugustuhin niyang patamain sa lotto ang ina ay siyang mangyayari. Ngunit hindi ganun ang gagawin niya. Dadagsain lamang sila ng mga kamag anak at mga kaibigan ng mga magulang na manghihingi at mangungutang. Ang hindi masisiyahan sa tinanggap ay magagalit pa sa mga magulang niya.

"Dapat ay unti unting pag unlad. Yung hindi magiging maingay. Yung walang nakakaalam. Baka pag isipan pa kaming panikin ng mga tarantadong akyat bahay kapag biglang pera ang ibinigay ko sa inay. Dapat ay malinis at walang magtataka sa mga swerteng darating sa kanila. Ang dalawang kuya ko ay bibigyan ko ng trabaho. Bukas ay ipatatawag na sila ng inaplayan nilang food chain. Magiging regular employee sila doon. Hindi na sila manghihingi ng kung anu ano sa inay at itay dahil pati ang mga asawa nila ay magkakaroon na rin ng hanapbuhay kahit nasa bahay lang. Gagawin kong responsable at masikap sa buhay ang mga kapatid ko para hindi dumanas ng hirap ang mga pamangkin ko.", nakangiti niyang sabi.

"Magandang hapon, Ineng."

Boses ng isang lalaki ang nagpaigtad kay Wilma. Nagulat ang dalagita sa bigla nitong pagsasalita.

Nilinga ni Wilma ang pinanggalingan ng baritonong tinig.

"Sino kaya ito? Ngayon ko lang siya nakita dito sa lugar namin. Malamang ay hindi siya taga rito o kaya naman ay kalilipat lang?", sabi ng kanyang utak.

"May gusto lang sana akong itanong, Ineng.", sabi ng estranghero.

Hindi pa man naitatanong ng lalaki ang gustong malaman ay kinabahan na siya kaagad. Parang nahuhulaan na niya ang pakay nito.

Misteryo sa WattpadWhere stories live. Discover now