Chapter 23 - Overnight

46.4K 1.9K 2.7K
                                    

KISSING MY KRYPTONITE

"Shot puno!" sigaw ni Lucca sabay tungga sa isang shot ng tequila.

Nasa bar kami ngayon kung saan ko sinundo si Rhio noong nakaraan, nasa Mix it UP kasi ang grupo nina Achira kaya napagpasyahan naming lumipat nalang dito. Ngayon lang ulit ako nakasabay sa night out ng mga kaibigan ko dahil naging abala talaga ako these past few days.

I survived a whole week of our election campaign with a promising result and it's something to celebrate too. Pero isa talaga sa pangunahing dahilan bakit kami narito ay dahil sawi sa pag-ibig itong si Matias at kailangan niya ng karamay.

She finally confessed her feelings to Blain, only to be rejected.

I can relate, I low-key confessed to someone but I chose to run away because I'm afraid to be rejected, yes. Both admitting and accepting it. I honestly didn't feel much better after doing it because I knew deep down, I fucked up. It was a little abstract, I wouldn't even call it a confession.

"Matias Adriana Rahma, mag-ingat ka naman! Magpapakamatay ka na ba, ha?!" pabagsak na itinulak ni Luca si Matias sa leathered couch, lasing na lasing na ito, mapapaaway na nga lang sa bartender pa na owner din pala ng pub na 'to.

"Why do people always resort to alcohol and partying after a heartbreak experience?" Yesha shakes her head, ang kaibigan naming paniwalang panilawa sa study first, love later card.

"It's silly but this way, we can numb the pain. It's a temporary uplift in spirits," pasimpleng sagot ko sa kanya, itinaas ko ang baso ko at pasimpleng inikot ang natutunaw na yelo sa loob nito.

Alcohol and partying are not solutions to any problems in life, but rather ways for individuals to cope and divert themselves. This will not help you get over a broken heart, but it will allow you to escape the pain for a little while.

"For once in my life, I'm gonna consider that reasoning," humalukipkip ito, humarap ito sa lasing naming kaibigan na nakatingala na sa itaas na parte ng bar na 'to.

"What I said is only my perspective of course, just putting another perspective on the table though," dagdag ko pa.

We all do have different reasons anyway.

"Do you love me?" pagdadrama ni Matias, tinawanan muna siya ni Lucca ng malakas bago niya ito sinagot ng matino.

"Umayos ka, Matias Adriana! May ipapanalo pa tayo, para kang nagpapaalam! Ayaw mo makita mga hagdan sa Cambridge na maging rainbow muna? Gusto mo na sundan si San Pedro?"

Napailing ako sa sinabi ni Lucca.

Ang alam ko hindi lang 'to dahil kay Blain eh, she's having hard time to accept herself..that she fell in love with a woman. Naniniwala kasi siyang straight siya at walang makakapagpabaliko sa kanya.

"Bakit kasi 'di niyo tinawag? Blain needs to see this," I said, filling my glass for another shot. Naiinis ako kasi nakikita ko sarili ko kay Matias ngayon, muka pala akong tanga kapag naglasing dahil problemado.

"Tangina mo, Meziah! Kapag ginawa mo 'yan, mababawasan ka talaga ng isang boto!" napapasabunot sa sariling bulalas ni Matias.

I am not drinking too much and they noticed it kaya ako ang inutusan nila para kausapin 'yung owner at makipag-areglo dahil nakabasag pa yata ng gamit ang mahal naming kaibigan.

The owner was a woman, I used my charms and it worked.

Piece of cake, I mumble and smirk.

Walking around, I found Chanel Velazco making her way out of the casino towards the bar counter, my heart skipped a beat.

Kissing My Kryptonite [GL-Sapphics]Where stories live. Discover now