Chapter 32 - Puzzle Pieces

42.3K 2K 5.7K
                                    

KISSING MY KRYPTONITE

(A/N: UNEDITED - If you're reading this, sign na 'to para mag-confess ka na sa crush mo.)

"May gusto po ako sa anak niyo.."

Pero pinaamin niya lang ako..para i-reject..

"Bakit ang anak ko?"

Hindi ako nakasagot agad dahil sa pagsulpot ng aso sa tabi niya, I stepped back feeling the familiar fear pulsing through me again. Kalmado na ang aso, parang hindi nito ginawang biro ang buhay ko kanina.

"I have to leave na po, sir," magalang kong paalam kay Mr. Cordova, natatakot akong sumagot dahil baka kapag hindi niya nagustuhan ang sasabihin ko ay ipalapa niya ako sa asong 'yon at hindi na makauwing buhay.

"Sa susunod na bumalik ka rito sana ay may matinong sagot ka na.."

"Pasensya na po, sir," napayuko ako, baka ito na rin ang huling beses na nandito ako.

"Sige na," mariing hudyat niya sa 'kin, tumingin ako sa aso na nakaupo sa tabi niya, pinandilatan ko pa nang sandaling tumingin sa ibang direksyon si Mr. Cordova.

Isang hindi inaasahang mini-heart attack ulit ang halos pumatay sa 'kin na muntik magpatalsik sa katawan ko mula sa sports bike dahil sa paghabol ng aso. Hindi naman halatang ayaw na akong pabalikin ni Mr. Cordova, napasigaw na lang ako sa inis at sama ng loob.

"What's the first thing you're going to do if you found out who's your dad's mistress?" seryosong tanong ni Jazzver, sumandal ito sa kotse ko dala ang isang brown envelope sa kamay niya na kanina ko pa gustong buksan pero ang dami pa niyang tanong.

"Kung totoong may kabit nga siya.." she air-quoted her fingers, "Kasi paano kung nagsasabi pala ng totoo si Tito Friedrich? Na masyado na siyang matanda para magsayang ng panahon sa ibang babae?"

"I'm gonna make her life miserable," in legal ways of course. I don't think I could forgive my father if he hurts my mother again, I'll give them hell. "And about dad, he had taken too much chances from my mom. Sana nga talaga hindi na siya nagsisinungaling 'nung sinabi niya sa 'kin 'yan."

She brushes her fingers through her hair before opening the envelope, taking out some pictures. She exhales deeply, "This is Chanel Velazco's family picture.."

Family picture..

According to its background, parang nasa eleganteng stage sila ng isang piano competition, dahil sa mga banyagang tao sa paligid, parang hindi ito rito sa pinas kinuha.

There are four of them in the picture..

"The old man who's wearing a white suit is her father, last year lang namatay. Iyong katabi niyang nakapulang dress ay ang mommy niya na bedridden ngayon because of stroke.."

"Who's the woman wearing a black gown?" I asked curiously. Itinuro ko ang muka ng babaeng katabi ni Chanel Velazco, may bilog na number tag siya sa katawan, nakasabit iyon sa leeg niya gamit ang isang malaking pulang ribbon. Chanel Velazco looks very much like her father, whereas her sister bears a striking resemblance to their mother.

"Minka Velazco, younger sister of Chanel Velazco. Wala akong masyadong balita sa kanya, ang nalaman ko lang ay nasa US siya ngayon," she stated seriously. "Another one.."

May kinuha siyang panibagong litrato sa envelope, muka naman ito ng isang lalaki, "Guess who is he.."

"Brother?" panghuhula ko, hindi niya kamuka pero parang pamilyar sa 'kin, posibleng nakita ko na iyong lalaki noon pa o may kahawig siyang kilala ko na.

Kissing My Kryptonite [GL-Sapphics]Where stories live. Discover now