Chapter 25 - City Lights

44.3K 2.2K 4.8K
                                    

KISSING MY KRYPTONITE

"Surprise me.." she gently pressed herself against my back, bracing her hands at the sides of my waist. My dear heart, calm the fuck down.

Sa pagkabigla ay hindi ko magawang magsalita agad, lalo pa ngayong sobrang lapit niya sa 'kin, hindi ko magawang kumalma. Abala dapat ako ngayong gabi dahil sa daming plano ng buong Alfa Democrats pero kung siya ba naman ang makakasama ko at ganito siya ngayon? Kahit saan pa kami bumyahe, handa akong dalhin siya kahit saang lupalop ng mundo.

"There are only two types of rides I can offer, you need to choose ma'am."

"Whatever, Veneracion. Just make sure we're both safe."

"Joyride or joyride?" I say, biting my lips. "Both are safe with me, it will bring you to another world ma'am-"

"Stop nga," she hisses.

"Okay, let's travel the world," nagpipigil tawa kong sabi, ano ba 'yan, ang mushy. Naki-cringe ako sa sarili ko, nakakainis.

"I changed my mind, I wanna go home."

Hindi siya seryoso sa tono niya, parang sinabi niya lang 'yon para basagin ako. I'm sure she's rolling her eyes at the back of her head now.

Seryoso na, I'm thinking of taking her to an expensive place.

"What if iuwi nalang kita sa bahay?" akala mo matinong suhestyon ko. "And doon ka na tumira? Ipagtitimpla kita ng pineapple juice araw-araw."

"What if yakapin kita sa leeg?" she counters, my lips snap shut for a moment.

"Are you gonna choke me here?" mahinang tawa ang pinakawalan ko. Kinakabahan ako sa mga paganyan niya, kasi minsan ginagawa talaga niya.

"If you won't stop annoying me.."

Naalala ko na naman noong nasa bahay siya, I have never seen her look embarrassed since that day. Somewise, I think mom likes her, kasi kung anu-ano pang pasalubong ang pinamigay niya galing Paris. Dahil mapilit si mommy, wala siyang nagawa kundi tanggapin ang lahat.

"I need somewhere that can take my breath away, please.." marahang bulong niya, rinig na rinig ko dahil nasa kanya lang naman ang atensyon ko at sa pagda-drive.

The noises surrounding us are loud and clear, apart from my heartbeat and her breathing.

"In that case, you don't have to go somewhere, all you need is to be with me."

Hindi naging madali ang palitan namin ng salita dahil kailangang doblehin ang normal na lakas ng mga boses namin. Maraming ingay pero ang boses niya lang ang naiintindihan ko ngayon, ang gusto kong marinig at intindihin.

"Are you making me laugh?" may pagkamataray niyang balik.

"It's so rare to see you smile, making you laugh will be a lot harder for sure," nilakasan ko ang boses ko. Nothing I did, no matter how stupid it was, made her laugh.

"I'm just used to respond in my head oftentimes, I don't have to show it out loud."

"I wanna see how far your smile can go because according to my calculation, the more you smile..the more you make people fall," napangiti ako sa sinabi, nilakasan ko pa ang boses para mas masiguradong naririnig niya. "I'm gonna make you laugh tonight, Professor Cordova.."

Kissing My Kryptonite [GL-Sapphics]Where stories live. Discover now