Chapter 33 - Eat or Dare

59.7K 2.3K 9.3K
                                    

KISSING MY KRYPTONITE

(A/N: UNEDITED | Special thanks to cole_memaybe, aiukun, and muffinlovewithu for the song suggestion at sa lahat sa inyong matyagang paghihintay ng UD. xoxo luvs ♡)

Sa mga sumunod na oras nagmukmok na lang ako sa labas at hindi sumali sa games nila, pinili kong mag-isa hanggang sa lumalim ang gabi, maraming umuwi kaya bilang na lang kaming natira para mag-overnight.

Pagbalik ko sa Ymmanuel Coast Reception, naabutan ko ang mga kasamahang naglalaro pa rin. Karamihan sa mga natirang guests ay mga panalong candidates, ang ilan ay random schoolmates and friends na namin.

"Ano'ng klaseng game 'to?" nagtatakang tanong ko kasi hindi mabilang ang black boxes na nakalagay sa apat na mahahabang tables. All of the players are gathered around the tables while music plays in the background.

"Eat or dare.." sagot ni Blain na nakatayo sa tabi ko. "No one is exempted in this game, kapag nandito ka..kasali ka."

"Eat or dare?" what's that? Parang truth or dare lang? Pero walang bottles to spin..

"Do you see that red flag?" turo niya sa red triangular flag na pinagpapasahan ng mga kasama namin, takot na takot sila sa flag kaya mabilis nilang pinapasa 'yon kapag nakakarating sa mga kamay nila, "If the music stops, the player holding the red flag should complete the Eat and Dare challenge."

" 'Yung mga black boxes sa harap, may mga hidden weird food sa loob, the person with the flag needs to decide whether to eat it or finish the dare na siya rin bubunot," Blain added, she pointed Achira handling the dare's red box.

"Fuck, I said manonood lang ako!" reklamo ni Mighty Deev na kinakaladkad ngayon ni Ma'am Kelani, nasa kanya kasi ang red flag.

"Not tonight, honey," Ma'am Kelani smirks then commands my sister like a boss, "Pick one of the black boxes.."

Napairap si Mighty Deev at walang lakas na tumayo sa tapat ng isang itim na box habang inaayos nito ang blouse niyang ginusot ng propesora. Nag-abang kaming lahat sa laman ng kahong itinaas niya at sabay-sabay na napasinghap nang tumambad ang isang bowl ng pulang malalaking sili.

"Are you kidding me?!" inis niyang reaksyon, lumapit ito kay Achira at bumunot sa dare box..

"I dare you to kiss one of the players in this game, it has to be on the lips.." Achira reads the deal on the orange pingpong ball.

"No fucking hell!" pagmamatigas ni Mighty Deev.

"Kiss someone on the lips or finish the bowl of siling labuyo? You choose, eat or dare?" Ma'am Kelani smiled playfully. Bakit parang gustong-gusto niyang nahihirapan si Mighty Deev?

"What if I don't choose?" Mighty Deev rolls her eyes.

"I'll kill you," balik ni Ma'am Kelani sa kanya, tawang-tawa ako kasi takot na takot si Mighty Deev. May nilapag na fresh milk si Professor Cordova sa harap niya kaya medyo nabuhayan siya.

"Eat," Mighty Deev sighed, kinain niya isa't isa 'yung sili na parang kumakain lang siya ng sweets, wow?

The next rounds, may mga mas piniling gawin na lang ang mga dares kaysa kainin 'yung mga lamang exotic food ng black boxes. Nakikinood lang ako hanggang sa mapunta sa mga kamay ko 'yung red flag, hinagis ko pa 'yon sa taranta pero walang sumalo.

Kissing My Kryptonite [GL-Sapphics]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon