i. Pangarap

86.1K 1K 20
                                    

"Talaga po?! Opo, opo.. pupunta po ako diyan mamaya na mamaya din po, maraming salamat po."

Hindi ko maitago ang kasiyahan ko sa boss ko na kausap ko sa telepono. Masaya rin naman siya para sa akin.

Pakiramdam ko sasabog ako sa sobrang saya. Alam mo yung pakiramdam na nagpapabili ka ng laruan at biglang pinagbigyan ka ng magulang mo. Ganon ako kasaya ngayon. Mariin akong napapikit dahil hindi ko mapigilan ang pag ngiti.

"Anak, ano yan? Bakit ang lakas nanaman ng boses mo?" natigilan ako at napatingin sa nanay ko. Lalo naman akong napangiti at yinakap siya. 

Hindi ko talaga maitago ang kasiyahan ko.

"Nay! Ang saya saya ko.. ito na yon! Ibibigay na sakin yung big break na hinihintay ko! Napakalaking column ang isusulat ko ngayon. Siguradong makikilala ako dahil sa isusulat kong ito at siguradong mag kakaroon na ako ng chance na magsulat ng libro." tuwang tuwa na sabi ko sa nanay ko. Yinakap din niya ako at napapikit ako muli sa saya. Ito na ang matagal kong hinihintay.

Bawat manunulat ay pinangarap na makapagsulat ng sariling libro at isa na ako doon. Nangunguna pa! Matapos ko lang 'tong column na pinapasulat sa akin, sigurdong bibigyan na ako ng chance na makapagsulat ng sariling libro.

"Sabi ko naman sayo nay, lahat ay nasa ayos. Diba sabi ko.. bago ako mag twenty-five years old, makakapagsulat ako ng malaking column sa kompanya na pinag tatrabahuhan ko. Pag thirty years old na ako.. sigurado ako nay, na may sarili na tayong bahay." binatukan naman ako ng nanay ko. Mabilis akong napahawak sa batok ko at sumimangot. 

Alam ko naman na ayaw niya na plano ako ng plano pero gusto ko ito. Gusto ko na nasa ayos ang lahat.

"Anak, hindi naman masamang mag plano pero hinay hinay lang.. eighteen years old ka palang pero yung plano mo nasa trenta na. Bakit hindi ka maghanap ng boyfriend mo para naman may pinagkaka abalahan ka." napakamot naman ako sa batok ko at ngumiti nalang ng pilit sa nanay ko.

Boyfriend? Aanuhin ko 'yon? Makakapagsulat ba ako ng libro pag nagka boyfriend ako? Isang malaking hadlang lang 'yan at wala 'yan sa schedule ko pati na rin sa to-do list ko.

"Nay, wala pa sa plano ko yan. Wala na nga akong oras para sa sarili ko at para sa pamilya tapos.. isisiksik ko pa yan. Ang gusto ko lang naman ay magkasarili tayong bahay nila ate." saktong pagkasabi ko non ay pumasok si ate sa apartment namin at may dala siyang groceries.

"Anong pinagke-kwentuhan niyo ni nanay diyan ah? Nasa labas pa lang ako rinig na rinig ko na yang boses mo, Camille" natatawang sabi niya habang binababa ang groceries sa lamesa. Naalala ko naman ang masayang balita kaya napangiti ulit ako.

Napahagikgik ako na parang baliw at nakita kong natawa din si Nanay.

"Ate.. yung big break na hinihintay ko, ibinigay na sa akin! Ako ang magsusulat sa column namin na tungkol sa buhay ni Francis Salazar, yung sikat na business man!" sabi ko at hinawakan sa kamay si ate at nag tatalon kaming dalawa.

Pati siya ay masayang masaya. Pakiramdam ko nasa ulap ako! Thank you Lord!

"Napaka galing talaga ng kapatid ko.. sakto at natanggap ako sa kompanya niya kanina bilang sekretarya ng pinsan niya. Pero napansin ko.. ang sungit nung Francis na 'yon" naiinis na sabi ng ate ko pero umiling siya. "Di bale.. kahit masungit, siya naman magpapayaman sa atin." natatawang sabi niya sa amin. Tumawa ako at tumango tango. Nagyakapan kami habang tumatalon pa.

"Sige na.. tama na yan mga anak, kumain na tayo para makapag trabaho na kayo mamayang hapon. Kailangan ng lakas tuwing umaga" sabi ni nanay at tumango kami ni ate at sabay sabay na kami kumain.


Nakangiti ako habang kaharap ang boss ko.

"Congratulations Camille dahil kahit ikaw ang pinaka batang writer dito sa komanya natin ay nakakuha ka na ng malaking column para sa isusulat mo. Nagustuhan kasi nila ang pagsulat mo.. hindi lang basta basta tsismis, para bang.. meron daw malalim na pinanghuhugutan ang mga sinusulat mo. Yung mga masasamang balita ay nagiging maganda dahil sayo." sabi ng boss ko at natawa naman ako.

Paano ba naman, nag sulat ako tungkol sa global warming pero linagyan ko ng konting rekados 'yon para magka pag-asa ang mga tao. 

Hindi pa huli ang lahat! Masasalba pa ang mundong ito. Save the mother earth! 

"Thank you mam, I'll do everything for this to be successful" sabi ko at nagpaalam na para umalis. Tumakbo ako sa labas ng kompanya dahil kailangan kong puntahan si Mr. Francis Salazar. 


Tinungo ko ang Salazar Corporation. Medyo ramdam ko ang kaba pero magpapa talo ba ako doon? Syempre hindi! Kailangan kong magawa 'to. Kahit pa sabihin nilang monster na nag katawang tao ang Francis na 'yon.

"Can I help you?"tanong nung nasa front desk sa akin. Ngumiti naman ako at ipinakita ang I.D ko sakanya.

"Pwede bang makausap si Mr. Francis Salazar?"tanong ko at may tinawagan siya sa telepono.

"Sige po, pwede na kayong pumunta sa office niya. Floor 20, nagiisa lang ang kwarto doon at sakanya yon." nakangiting sabi nung tao sa front desk. Tumango naman ako.

Grabe.. nakakahilo naman ang papunta sa floor 20. Pinilig ko ang ulo ko para mawala ang kaba sa dibdib ko.

Tama nga ang sinabi nung nasa front desk. Isa lang ang kwarto dito at may table sa labas ng pinto, mukhang sekretarya niya to.

"Pwede po kay Mr. Francis Salazar?"tanong ko habang inaabot ang I.D ko.

"Sige pasok ka na.. sinabi ko na sakanya kanina" sabi niya at pinagbuksan ang ng pinto. Nakatalikod ang Swivel Chair niya sa amin.

Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko dahil ramdam ko ang malakas na aura sa opisina niya.

"Sir.. nandito na po yung writer na magsusulat about sa inyo. Tumawag na po yung kompanya kahapon." sabi nung sekretarya niya. 

Nagulat naman ako nung nagsalita siya. Bakit ayaw niyang humarap?

"Iwan mo na kami" sabi ni Mr. Salazar. Kinilabutan ako sa boses niya. Mahigpit kong hinawakan ang bag ko. 

Paano kung nanakit pala to? 

Iniwan na nga kami nung sekretarya niya. Napalunok ako at bumuntong hininga.

"Mr. Salazar, I am Camille Rodriguez, ako po yung mag iinterview sa inyo" sabi ko gamit ang pormal na boses.

Napaawang ang labi ko nanghumarap siya sa akin. Akala ko sa picture lang siya gwapo pero mas gwapo pa pala siya sa personal. Lahat ata sakanya sexy.. mata, ilong bibig..

"I might melt if you keep on looking at me like that, Ms. Rodriguez" para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Naniniwala na ako sa looks can be deceiving. Sobrang hangin pala ng lalaking to.

"Nasa trabaho ko po na suriin kayo, wag po kayong assuming Mr. Salazar, lalo na at ako ang magsusulat tungkol sainyo" sabi ko sakanya, napataas naman ang kilay niya sa sinabi ko. 

Huh! Take that!

Useful talaga ang job description ko lalo na sa mga ganitong sitwasyon.

"Sit"sabi niya sa akin at sinamaan ko siya ng tingin, ano ako aso?!

Breath in.. breath out.. 

Camille, yung patience mo.


I thought this will be easy but I guess I am wrong.

ReverseWhere stories live. Discover now