xxxii . His feelings

22.8K 431 10
                                    

"Kailangan ko ng umalis"

Tumayo ako at kahit hirap ay ngumiti pa rin sa harapan nila.

Hindi ko na alam ang gagawin o ang sasabihin ko. Hindi ito ang inaasahan ko sa muling pagkikita namin. Dapat ay hindi na nga kami nag uusap.

"Mabuti pa nga" narinig kong bulong ni Elaine pero wala na ako sa mood makipag away.

Pumunta ako dito para hindi na magulo pa at hindi na makagulo pa pero sadyang mapaglaro ang pagkakataon at hanggang dito ay nasusundan pa din ako.

"Nakalimutan ko na sasamahan ko pa si Caly sa doktor. Thanks for the time Miguel.. babawi nalang ako sayo and sa parents mo sa Pilipinas" Saad ko.

Pero syempre hindi totoo iyon. Wala namang appointment si Caly sa doktor. Kailangan ko lang umalis.

Now, I'm even lying.

"Bakit kailangan mong bumawi kay Miguel?" tanong ni Francis pero hindi ko siya pinansin.

Kinuha ko ang bag ko at umalis na doon. Hindi ako lumingon, deretso lang ako at sumakay na sa kotse ko na naka park across the street.

I need to go.

"Yes mom, alam ko na po.. nasa labas na po si Mang Delfie and nakikita ko na po siya. Don't worry. See you nalang po sa restaurant" kanina pa ako tinatawagan ni mommy na sinasabing si Mang Delfie ang susundo sa akin at sinabi niya na susunduin namin si daddy.

Nakakuha na ng flight si Caly at uuwi na siya next week. Minadali ko siya dahil hindi ko kayang isipin na nandito ako habang nandoon siya at nag iisa.

"Mang Delfie!" tumakbo ako at mabilis na yinakap si Mang Delfie.

Namiss ko sila, pati na sila Manang. Iba pa rin pag bahay mo talaga, you'll feel home.

"Ito talagang batang to. Halika na at sabi ng mommy mo ay sunduin natin ang daddy mo" ngumiti ako sumakay na sa kotse.

Pinagmasdan ko ang Pilipinas. Binuksan ko ang bintana at nakangiting pinagmasdan ang busy na daan ng Maynila.

Wala naman gaanong nagbago, yun pa rin. Simula nung umalis ako at dumating ako.. walang pinagbago.

Napatingin ako sa kalsada.

"Mang Delfie? Hindi po ito ang papunta sa kompanya ni dad?"

Ngayon ko lang napansin na kanina pa namin nalagpasan ang kompanya namin.

Bumilis ang takbo ng puso ko..

Pamilyar ako sa tinatahak naming daan. Hinding hindi ako nagkakamali.

"Nasa Salazar Corporation po siya. Doon natin siya susunduin."

Binalingan ko si Mang Delfie. Namilog ang mga mata ko at parang bumagsak ang puso ko sa sinabi niya.

What? Bakit hindi agad sinabi sa akin?! Alam naman nila yung kay Francis.. sabagay dapat naka move na ako. Napapikit ako.. nagiging traydor nanaman ang puso ko.

"Nandito na po tayo" aniya.

Huminga ako ng malalim at lumabas ng kotse. Napatingin ako sa building na nasa harapan ko.. here you go again Camille.

Naglakad ako papunta sa main entrance. Nakita ko ang gulat na gulat na mukha ng nasa front desk at nung guard. Ngumiti naman ako sabay hinga ng malalim.

"Mam Camille!" Lalong lumawak ang ngiti ko.

Hindi pa rin nila ako nakakalimutan. Parang yung boss lang nila.. hanggang ngayon hindi parin mabitaw bitawan ng sistema ko.

ReverseOnde as histórias ganham vida. Descobre agora