XLIX . Tradition

21.5K 331 4
                                    

Napatingin ako sa labas. Napangiti ako nung makita kong umuulan. I really love rain and I don't know why.

"Kayo ng bahala dito ah. Just close the shop pag nine o'clock pm na" sabi ko sakanila at tumango naman sila. 

Lumabas ako at napatingala.

Dahan dahan ang hakbang ko nung lumusong ako. Tumigil ako nung nasa gitna na ako ng daan. Ramdam na ramdam ko ang patak ng ulan sa akin at gustong gusto ko ito. Napatingala ako at pumikit, tumulo ang ulan sa mukha ko at lalo akong napangiti. 

I feel so free and happy. Dahil gabi na ay wala na rin masyadong tao dito kaya hindi ako nahihiyang gawin ito. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng tubig.


Natigilan ako nung naramdaman kong wala ng pumapatak kaya napadilat ako at nakita ko si Francis na pinapayungan ako.

"What do you think are you doing?!" galit niyang sabi pero tinawanan ko lang siya. Medyo lumayo ako sakanya kaya kumunot ang noo niya.

"Ano ka ba.. I am having fun. Uuwi pa naman ako bago mameet ang wedding organizer." nakangiti kong sabi sakanya at nagpabasa pa sa ulan. Hinila niya ako pero hinila ko ang kamay ko.

"Baka mabasa ka!" natatawang bawal ko sakanya kasi pilit niya akong nilalapit sakanya.

Napasinghap ako nung higitin niya ako at nagkatitigan kami. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko dahil napupunta ito sa mukha ko.

"Damn, I love you" sabi niya at hinalikan ako sa labi. 

Napasinghap ako kaya naipasok niya ang dila niya sa labi ko. Napapikit ako sa nangyayari, for the past five months.. I missed his kisses and I felt the longing. He invaded my mouth like it was the best thing to do in the world. Palalim ng palalim ang halik niya sa akin kaya nanghihina ako. 

I remembered nung unang beses din niya akong hinalikan sa ulan. Doon ko nalaman kung ano ba talagang nararamdaman ko sakanya. Nakakalunod at nakakalasing ang bawat halik niya. Siya lang ang nakakapagbigay ng ganitong emosyon sa akin.

Napahawak ako sa braso niya dahil diniin niya lalo ang sarili niya sa akin. Binitawan niya ang payong at inilagay ang kamay niya sa bewang ko. Ipinulupot ko ang kamay ko sa batok niya at bumitaw kami sa halik. Parehas kaming hiningal dahil sa nangyari. Nagkatitigan kami at napangiti kaming parehas. Naka coat pa siya kaya napahampas ako sa dibdib niya.

"Nabasa ka na!" natatawang sabi ko sakanya kaya napangiti din siya sa akin.

"As long as you're the reason. It's okay" napalaki ang mata ko. Double meaning.. nahahawa na ako sakanya. Pinilit kong maging normal ang ekspresyon ko. Napahalakhak siya kaya napabusangot ako.

"Stop teasing me!" sabi ko sakanya pero humalakhak lang siya. Ipinagdikit niya ang noo niya at ang noo ko.


"I love you so much wife." napangiti ako.

"I love you too" sabi ko sakanya at yinakap siya.


--

"Gosh sister! Ang kulit kulit daw ni Francis sabi ni Kuya Third" nakakunot ang noo ni Caly habang sinasabi niya iyon. 

Nandito kami sa bahay ngayon kasama sila Mia, Bea, Ate Rean, Josephine at Alina. Nasa swimming area kami.

"Bakit?" tanong ko habang lumalangoy palapit sa staircase ng swimming pool. Kumuha ako ng juice at ininom iyon.

"Kasi naman.. pinapaexplain niya sakanila kung bakit daw hindi ka niya pwedeng makita ngayong araw. Ikakasal naman daw kayo bukas. Gosh! Aagawan na nga niya ako ng kapatid, gusto kasama ka pa ngayon! This is our final day na magkasama sa bahay na single ka pa!" dahil sa sinabi niya ay natawa kaming lahat. 

ReverseWhere stories live. Discover now