xxxvii . Birthday

21.8K 372 8
                                    

"Mommy! Mommy! Tita is awake!"

Kahit hirap ay minulat ko ang mga mata ko. It feel so heavy and hard. Ang sakit ng buong katawan ko. I felt like I was thrown in the cliff 10 times.

"Camille. Are you okay?" Napatingin ako sa side ko at nakita ko si Alina.

Nginitian ko siya.

"I don't know.. Maybe?" Nakangiti kong sagot sakanya. Napangiti din siya sa akin.

Nilibot ko ang mata ko at nakita kong siya lang at mga bata ang nandito.

"Where's mom and dad?" tanong ko.

Hinayaan ko lang ang mga mata kong maglaro loob ng kwarto na ito. Umupo siya sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko. I suddenly felt their concern..

Siguradong nag-alala silang lahat.

"Pinauwi muna namin kasi hindi pa sila nakakapagpahinga" aniya.

Tumango naman ako. Umupo sa tabi ko si Joseph at hinawakan ang kamay ko. His eyes lingered on me.

"Tita.. You're sleeping for two days. We thought your dead"

Napasinghap ako. Two days?! Napalingon ulit ako kay Alina. My heart is in ruckus. Hindi ako makapaniwala sa nararamdaman ko. Kaya naman pala pakiramdam ko nanigas ang katawan ko.

"Caly is on the way here. Kauuwi niya lang from New York pero gusto ka na daw niya makita." Balita ni Alina.

Napatango nalang ako.

Umikot ang utak ko at may tao akong naiisip. Nanikip ang puso ko at parang sasabog na 'to sa pag iisip sakanya. Nasaan kaya siya? Bakit wala siya dito?

"S-si F-francis?" Tanong ko.

I bit my lower lip.

Hindi naman mapigilan ni Alina ang mapangiti. Narinig ko rin ang paghagikgik ni Josephine sa may sofa.

"I am here."

Mabilis akong napalingon sa pintuan.  Parang tatalon ang puso ko nang makita ko siya. He is wearing a fitted shirt and he looks so fresh with it. Nakita kong may dala siyang mga plastic na may lamang pagkain.

Tumayo si Alina at kinuha iyon sakanya. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

Naconscious ako sa amoy ko!

"Tita you know.. He is here twenty four-seven." napalingon ako kay Josephine na kumakain na ng grapes.

"Are you okay? Wala na bang masakit sayo?"

Binalik ko ang tingin ko sa nag aalalalang Francis. Ngumiti ako at umiling. Now that he is here. I am so damn okay.

"I'm fine" nakangiti kong sagot.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Lumipad ang puso ko at nakaramdam ako ng sobrang saya.

"I was so damn scared wife. I thought I'm gonna lose you" parang natunaw naman ako sa sinabi niya. Medyo wala pa akong lakas.. Gusto ko sana siyang yakapin.

"I'm not. See? I am awake" hinaplos ko ang mukha niya. He look so tired.

Napatingin ako kay Joseph na mataman nakatingin kay Francis. Parang naiinis na ewan.

"Tita. Is he your husband?" Nagulat ako sa tanong ni Joseph. Nakita ko naman ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Francis.

"Yes I am" nagulat ako sa sagot niya. Nakita kong kumunot ang noo ni Joseph. Lumapit si Alina at hinila si Joseph papunta sa sofa ng room ko.

ReverseWhere stories live. Discover now