viii . Not giving up

29.2K 487 4
                                    

Naglalakad ako sa hotel dahil naghahanap ako ng magandang view. Ayokong lumabas masyado dahil pakiramdam ko ay makikita ko siya.

"So you like her?" natigilan ako sa nagsalita. Siguro ay dahil sa writer ako kaya napakalakas ng curiosity ko. Hinanap ko ang boses at nakita ko si Sir Francis kasama ang kapatid niya.

"Si Camille?"

Aalis na sana ako pero narinig ko ang pangalan ko. Hindi ko alam pero hinintay ko din ang sagot niya. Lumakas nanaman ang tibok ng puso ko.

Nakita ko siyang umiling at tumawa. Sarap sampalin ng sarili ko. Baka lasing lang siya kagabi. Asa naman ako no.

"I dont know.. I am just grateful" aniya. Hindi ko alam kung bakit nanikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.

Tumalikod na ako at umalis doon. Oo nga naman.. he should be grateful dahil kahit magaspang ang ugali niya ay nagsulat ako ng magandang article tungkol sakanya.

Kairita! I need to find a perfect place para magsulat. Mukhang wala naman akong makikita dito kaya babalik nalang ako sa kwarto ko.

"Camille!"napalingon ako at nakita si Caly na palapit sa akin. Napangiti ako dahil nakakahawa ang ngiti niya.

Pinagmasdan niya ang mukha ko at sumimangot.

"May problema ka no?" aniya.

Natigilan ako.. dahil ba magkapatid kami kaya niya nasasabi to? Ito ba yung connection sa magkakapatid?

Yumuko lang ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Saan room mo? Let's talk about it" napangiti naman ako sa sinabi niya.

Kailangan ko nga ng makakausap ngayon.

Pumunta kami sa kwarto ko at umupo sa kama. Kumuha ako ng cookies sa bag ko at kinain namin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko eh.

"So let's start.. is it about us? I mean dahil bago mo kaming pamilya?" umiling ako sa tanong niya. Humugot ako ng hininga.

"Paano kung nahuhulog ka sa isang tao pero malalaman mo na iba pala mga pinapakita niya sayo.. anong gagawin mo?"hindi ko alam kung paano ko nagawang sabihin sakanya yan pero randam ko na I can trust her.

Ngumiti siya sa akin bago sumubo ulit ng cookies.

"Well.. I don't know the whole story. Pero I'll try to give the right advice. Here.. paano kung ikaw yung mali? Paano kung totoo ang pinapakita niya? Pero kung tama ka.. pahulog ka palang naman diba? Agapan mo na habang maaga pa pero if you think na nahulog ka na.. why dont you take a risk? Masyadong malabo." napanganga ako sa sinabi niya. Parang ang dami na niyang karanasan. 

Tumawa naman siya dahil sa reaksyon ko.

"Nakita mo ba yung lalaki kahapon? Si Zicko yun, the guy I am married to. You see, sinusulit ko ang oras. May sakit ako.. deadly. Hanggang ngayon naglalaban parin kami pero mukhang nanalo na ako. Kung meron man ako natutunan sa sakit ko.. that is, life is short, make the most out of it" 

Napasinghap ako. May sakit siya? Nakakamatay? Hindi ko alam pero naramdaman ko ang sakit sa puso ko. What if hindi ako nahiwalay sakanila.. 'di sana nandoon ako nung nahihirapan siya para matulungan siya.

Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako sa mata.

"Akala ko noon awa lang ang nararamdaman niya sakin pero mali ako. Parang sayo.. malay mo mali ka ng akala. If you're still doubting.. you need to trust your heart kasi kahit masakit at nakamamatay na.. yan lang ang magsasabi ng totoo sayo." habang sinasabi niya yun ay randam ko na totoo ang sinasabi niya.

Pero imposibleng may gusto si Francis sakin.. imposible.

Nakakatawang isipin na totoo.

"Dont worry about me. I feel bad Caly.. dapat hindi ka nasestress" nginitian niya lang ako at umiling.

"I really like this. Yung may kausap I mean I have two bestfriends but iba pag sister mo talaga eh. I found my strength to fight this illness sa friends, mom and dad, zicko and sa mga taong mahal ko but nadagdagan nanaman ang rason ko para mabuhay.. ikaw yon. Camille.. thank you for coming back, please don't leave us again." napaluha ako sa sinabi niya at yinakap ako. Yinakap ko rin siya pabalik.

"Alam kong naguguluhan ka pa but we're not pressuring you.. We can wait. Nakapag hintay kami ng 17 years.. a little more time is not a problem." 

Napakasaya ko. Nadagdagan ang mga tao na minamahal ko. Tumayo siya at tumingin sa oras.

"I need to go. Hinahanap na niyan nila ako. I hope we can talk like this again." tumango ako sa sinabi niya at hinatid siya sa pinto. Pinanuod ko siyang umalis at mawala sa paningin ko bago isara ang pinto.

Bago ko isara ang pinto ay may nag ipit ng braso don sanhi ng hindi pagsara ng pinto. Tinignan ko kung sino yon at lalo kong inipit ang braso niya nung malaman kong si Francis to.

Napadaing siya sa sakit kaya naalarma ako. Hindi ko napigilan ang inis ko. Hinila ko siya papasok at tinignan ang kamay niya.

"Paharang harang kasi" bulong ko at nakita ko naman siyang tumingin ng matalim sakin. 

Mood swings ng lalaking to kakaiba.

"Kasalanan ko ba na nakita mo na ako pero inipit mo parin ako" aniya. 

Nawala na ang matalim niyang tingin sa akin.

"Bakit ka ba nandito?" hindi ko maitago ang inis sa boses ko. 

Natigilan siya at tinignan ako. Umiwas naman ako ng tingin. Narinig ko siyang tumawa.

"I also don't know.. I just found myself walking infront of your room" ito nanaman. 

Ito nanaman yung puso ko. Camille.. gumising ka na sa katotohanan pwede?

"You're welcome" Huminga ako ng malalim at hinarap siya.

Natigilan siya sa sinabi ko. Tinignan ko siya sa mata.. I need to end this not so good thing.

"What?" halata ang kaguluhan sa isip niya sa sinabi ko. Ngumiti ako.

"Well.. I know that you're just grateful dun sa sinulat kong article about you kaya ka mabait so now.. you're welcome. Pwede ka ng bumalik sa masungit mong pakikitungo." tinalikuran ko siya pero hinawakan niya yung braso ko. 

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.. kung may ibibilis pa yon.

"Is this about yesterday.. yung sinabi ko-"hindi ko na siya pinatapos. 

Binawi ko ang kamay ko sakanya at tinignan siya ng masinsinan.

"Yes.. alam ko na nagkamali ka lang. Tama ka.. you're insane yesterday night. Don't worry hindi ko pagsasabi. Hindi ako marunong sa ganitong bagay pero alam ko na ito.. two people should have fell in love but sadly the other one didn't. He didn't even bother saving the other. Masyado pang maaga sabihin to pero.. magkaiba tayo. Maybe may pera na ako dahil sa totoong pamilya ko pero hindi ibig sabihin non parehas na tayo. Iba ang mundong ginagalawan mo.. I am one of the person that isn't even allowed to enter that world" pumunta ako sa pinto at pinagbuksan siya. 

Tama to.. habang maaga pa. Wala akong karanasan sa ganito kaya hindi ako pwede mag risk. Wala sa plano ko ito.

Lumapit siya sa akin at hinarap ako.. tinapat niya ang mukha niya sa mukha ko. Sa sobrang lapit namin ay konting galaw ko lang ay mahahalikan ko siya kaya halos hindi na ako huminga.

"Stop thinking too much.. Don't worry I'll do everything for you to enter my world or I can just enter yours. I am glad that you're thinking about me once in a while. Eat lunch okay?" binitawan niya ako at lumabas na. 

Doon lang ako nakahinga.. akala ko matatapos na pero hindi pa pala. Ano bang nasaisip niya.

Napasapo ako sa noo ko. Hindi talaga siya marunong makinig no?

Ano ng gagawin ko nito?

ReverseWhere stories live. Discover now