xxiv . Threat

22.1K 397 1
                                    

Unti-unti akong dumilat. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Francis na tulog pa. Napangiti ako at hinawi ang  buhok niya. Nakayakap parin siya sakin. Naramdaman kong gumalaw siya at mas lalo niya akong siniksik sakanya. Hinawakan ko ang noo niya at napangiti. Hindi na siya gaano kainit. Konti nalang gagaling na siya.

Napatingin ako sa orasan ko. Malapit na mag six o'clock pm. Inalis ko ang pagkakasiksik sakanya. Kahit na gusto ko pa sana na ganun muna kami. Nangako ako na mag didinner kasama ang pamilya ko.

Lumabas ako at pumunta sa kusina. Pagluluto ko muna siya ng dinner niya. Nagluto nalang ako ng adobo tutal mabilis lang naman yun lutuin. Inayos ko din ang stock niya sa ref.

Nung matapos ko lutuin ay babalik na sana ako sa kwarto pero nakita ko siyang nakatayo sa likod ko.

"It's nice seeing you in my kitchen. We're like married" uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Lumapit ako sakanya at hinawakan ang noo niya.

"Magaling ka na" ngumuso siya. Hindi ba siya masaya?

"Ano? Hindi ka ba masaya?" Umiling naman siya na parang bata. 

Tumaas naman ang kilay ko. Naisip ko.. Sa akin lang ba niya pinapakita ang side niyang ganito?

"Bakit?" Nagiwas siya ng tingin kaya hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinilit na iharap sakin yun.

"Kasi.. You wouldn't be taking care of me now that I'm well" malungkot niyang sabi. 

Binatukan ko naman siya. Kakaiba talaga to!

"Asus! 'Di kasi aalagaan pa rin kita. Dami dami mo pang arte" sabi ko at pumunta sa kwarto para kunin ang gamit ko. 

Pagkalabas ko ay nakatayo siya sa tabi ng lamesa.

"Uuwi na ako ah. Pinagluto na kita ng dinner. Uminom ka ng gamot mo pagkatapos para gumaling ka na talaga tapos magpahinga ka na ulit para kung bukas.. makapasok ka na" sabi ko pero malungkot parin siya. 

Lumapit siya sa akin at hinigit ako sa bewang atsaka yinakap ako. Isubsob niya ang mukha niya sa leeg ko.

"You really smell nice" napangiti naman ako at yinakap din siya. 

I feel so..! I don't know.. I like it, he is being intimate with me.

"I hate seeing you leave." Napabuntong hininga ako. Pinapahirapan niya ako umalis.

"Hatid kaya kita?" Kumalas siya sa pagkakayakap. Umiling ako.

"No need. May dala akong kotse tsaka you need to get better. Hindi ka pwedeng mapagod." 

Malungkot parin ang mukha niya kaya hinawakan ko ang mukha niya.

"Wag na malungkot. Malukungkot din ako." Tumango lang siya. 

Pumunta na ako sa may pintuan at binuksan yun. Sumunod naman siya.

"See you tomorrow?" Tanong niya. 

Patay.. Ang dami ko palang gagawin bukas.

"Ah.. Tignan ko no? Kasi bukas yung fitting ng gown ko, food tasting tsaka ichecheck yung venue para sa birthday ko this friday" tumango naman siya. Nginitian ko siya.

"Kahit na.. Kahit midnight pa, pupuntahan kita. I cant call it a day without seeing you. Please let me see you." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. 

Bumilis din ang tibok ng puso ko.

"Ikaw talaga.. Kaya ka nagkakasakit eh. Okay.. Basta naging available ako. Let's see each other." Ngumisi naman siya at hinalikan ang noo ko at ito namang si heart ko ay tumatakbo nanaman na parang kabayo.

ReverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon