iii . Reaching the dreams

39.7K 656 4
                                    

"Congratulations Camille, nagustuhan nila ang sinulat.. parang ang tagal mo ng kilala si Mr. Salazar sa sinulat mo." napangiti ako sa sinabi ng boss ko. 

Napatingin ako sa orasan ko, may aayusin pa pala ako.

"Maraming salamat po, sige po mam.. gagawin ko na po ang trabaho ko." pamamaalam ko at ngumiti sakanya. Tumango naman siya kaya umalis na ako. 

Everything is in the right place.. I am so happy. Nagulat nalang ako nung hilahin ako ng katrabaho ko.

"Oh? bakit ka nag mamadali?"tanong ko sakanya habang hila hila niya ako. "Uy teka! Nasasaktan ako" daing ko pero parang wala siyang naririnig.

"Basta sundan mo nalang ako"nakita kong patungo kami sa table ko. Ha? Hinahatid lang niya ba ako. Nakita ko na may lalaking nakaupo sa harap ng table ko.

"Sige iwan na kita sis!" sabi niya at nag thumbs up pa. Hinarap ko ang lalaki at napansin naman niya ata na nandito na ako kaya tumayo siya.

"May maitutulong po ba ako?" tanong ko sakanya at napatingin ako sa hawak niya.. Teka? 

Ito yung libro ko sa bahay. Hindi pa tapos to.. bakit nasakanya? Hindi ko naman linalabas to.

"Sainyo po ba ito?" napatango nalang ako sa tanong niya. Inabot niya sakin ang kamay niya.

"I am an employee of Mountain Publishing Company and my boss ordered me to send his message for you" napatango nalang ako ulit. 

Sobra akong naguguluhan. Umupo ako sa upuan ko at umupo rin siya sa harapan ko.

"Bakit na sa inyo yang libro ko?" tanong ko sakanya, tinignan ko ang orasan.. may oras pa naman para makipag talastasan ako dito. 

May hinala na ako pero ayokong umasa..

"Your sister gave this to my boss, gusto niya na tulungan ka namin na ma ipublish yon. Hindi ganon kadali dahil paano kung pangit ito pero nung mabasa palang ng boss ko ang unang pahina ng librong ito ay pinatawag na niya ako at gusto niyang tapusin mo ito at kami na ang bahalang tulungan ka na mapublish itong libro mo. Ms. Camille Rodriguez, you have a great masterpiece in here and we are greatly asking you to let us help you" hindi ko alam ang gagawin ko nung marinig ko ang mga sinabi niya. Napangiti nalang ako bigla. 

Totoo ba 'to? Hindi ba 'to panaginip? Parang nung isang araw lang ay pinapangarap ko 'to? Napakagat ako sa ilalim ng labi ko.

"Totoo po ba yan? Hindi to joke?" tanong ko at natawa naman siya ay umiling.

"Hindi ito joke. Totoong totoo ito" sabi niya at inabot ang ID niya sa akin. 

Totoo nga! Employee nga siya. Napatalon ako.. hindi ako pwedeng mag ingay kaya tumalon talon nalang ako. Umupo ako sa harap niya ulit at huminga ng malalim.

"Kaila ba dapat matapos? May deadline po ba? Medyo.. 1/4 pa kasi ang hindi tapos dito." tanong ko at nag isip siya.

"Wala naman, but it would be much better if you will finish it earlier. Excited ang buong team na magpupublish niyan." sabi niya at tango nalang ang tango sa mga sinasabi niya. 

Ibinigay niya sa akin ang libro ko at ang calling card niya.

"Just call us pag tapos ka na, para makapag meeting na at masimulan na. Book signing and etc are really nerve wrecking so dapat organized lahat." sabi niya at kinamayan ko siya. Napayakap ako sa libro ko. 

Gusto ko to! Organized!

Sobra sobra ang kabog ng puso ko. Pakiramdam ko ay tumatalon din ito ngayon. 

"See you soon Ms. Rodriguez"sabi niya at umalis na. 

Hinalikan at yinakap ko ang libro ko. Ito na talaga to!

Abot kamay ko na!

Natapos ang oras ko na may ngiti ako. Buong araw yata ay nakangiti ako. Humingi ako ng one month leave sa kompanya na pinagtatrabahuhan ko. Dahil maganda ang feed back ng sinulat ko sa column at wala pa naman akong mga absent ay pinagbigyan na ako.

Masaya akong umuwi sa bahay namin at excited na akong mag kwento kina Nanay at Ate.

"Ate Irene!" sigaw ko at nakita ko sila ni nanay na nasa sala. Kaagad akong tumakbo at yinakap siya.

"Napano ka nanaman? Ang ingay mo nanaman" sabi niya habang natatawa. 

Yinakap ko siya ng mahigpit at pinakita ang libro ko sakanya. Napangiti naman siya.

"Thank you ate" sabi ko at yinakap siya ulit.

"Wala iyon bunso. Ewan ko ba sa iyo.. tinatago mo ang libro mo sa bahay samantalang ang ganda ganda naman" sabi niya at pinahid ang luha ko. 

Hindi ko namalayan na naiiyak na pala ako. Tumayo si nanay at yinakap kaming magkapatid.

"Mga anak.. proud na proud ako sa inyo." sabi niya sa amin.

"Ate, nay, pupunta po ako sa tagaytay. Humingi po ako ng 1 month leave sa opisina para matapos ko 'to. Gusto ko sana sa tagaytay ko tapusin 'to" sabi ko sakanila at tumango naman silang dalawa.

May special place ang tagaytay sa puso ko, ayon kay nanay ay doon daw ako napanganak.

"Ako ng bahala sa mga gastusin dito Cams" sabi ni ate. Hinalikan ko sila sa pisngi.

"Ito talagang batang 'to. Pumasok ka na sa kwarto mo ng makapagpahinga ka na. Mag ayos ka na rin ng gamit mo para sa tagaytay na yan." sabi ni nanay. 

Sumunod na ako sa sinabi niya at pumasok na ako sa kwarto ko. Napahiga ako sa kama ko at tinakpan ng unan ang mukha ko at sumigaw. 

Thank you lord.. thank you kasi nararating ko na ang mga pangarap ko.

ReverseWhere stories live. Discover now