XLVI . Goodluck

20.1K 318 10
                                    

"Sige. Dalhin niyo na sa labas yan." sabi ko sa mga hired bakers ko. Everything was on set now pero hindi ako mapakali.

"Yung mga freebies, ipamigay niyo na okay?" tanong ko sa manager na hinire ko at ngumiti naman ito sa akin. Bakla siya at sobra ko siyang nakakasundo.

"Yes mam! Don't worry mam! Chillax ka lang! Keri natin to!" natatawang niyang sabi kaya hindi ko mapigilan matawa na din.

Kanina pa nag open ang shop ko. Isang beses lang akong lumabas ng kitchen, iyon ay nung nag cut ako ng ribbon. Bumalik din ako para mag bake ulit.

"Camille! Lumabas ka nga diyan!" narinig kong pumasok sa kitchen ang kapatid ko. Binalingan ko siya at nakita kong nakasalubong ang kilay niya.

"But I am baking" nakanguso kong dahilan sakanya. Hinila niya ang kamay ko at binalingan ang mga iba pang baker na nandon.

"Pwede niyo bang ituloy yung ginagawa niya?" tanong niya sa mga ito.

"Yes mam" sagot naman nila at agad kinuha ang hindi ko natatapos na cake.

"Yung icing ah.. yung cookies pala--" hindi ko na natapos dahil hinila na niya ako. Kinaladkad niya ako ng kinaladkad hanggang makita ko ang pamilya ko.

"Camille! Buti naman at lumabas ka na" sabi ni Alina. Tumango lang ako at napangiti ako nung makita si Josephine at Joseph na masayang kumakain ng cookies.

Hindi ko sila nakasama at nakausap kanina dahil napaka busy. Maraming tao na pumupunta at ang ibang business partners ni dad ay dumaan din kanina.

"Joseph, Josephine. Masarap ba?" tanong ko sakanila. Natigil sila at napatingin sa akin. May lampas pa sa mga bibig nila.

"YES!" sabay nilang sabi at tumawa kami. Napabaling ako kay Alina

"Ilang months na yang pinagbububuntis mo?" tanong ko . sakanya. Ngumiti naman siya na para bang sobrang saya niya.

"1 month and 3 days palang. Pinalilihian ko nga si Mia eh" saktong pagkasabi niya non ay nakita naming palapit si Mia at yinakap ako.

"CONGRATS! I AM SO HAPPY FOR YOU" masayang masaya siya para akin. Ginantihan ko din ang yakap niya. Nakita ko si Kuya Brian na matamang nakatingin sakanya.

"Thank you Mia. Thank you!" Sabi ko. Ang pagkakarinig ko ay halos kasabay lang ng paghiwalay namin ni Francis ay umalis siya. Walang nakakaalam kung saan siya nag punta. Hindi rin siya sinubukan hanapin ni Kuya Brian.

"Buti nakapunta ka. Akala ko hindi ka pupunta" sabi ko sakanya. Humiwalay siya sa akin at bumuntong hininga.

"No. Namiss lang kita. I went here for vacation. Kasama ko yung friend na nakilala ko sa Davao" napaawang ang labi ko. Nasa Davao pala siya..

"Wait! A friend?" Si Caly na ang sumabat. Nagulat kami nung may umakbay kay Mia.

"Hey! I was looking for you. Ang sarap ng cupcakes dito" Napatingin ako dun sa lalaki. Same height with Kuya Brian but Kuya Brian has fair complexion.

"Dust, this is Camille White. The owner of this shop" pagpapakilala ni Mia sa akin. Tumingin sa akin yung lalaki at inabot ang kamay niya sa akin.

Natigilan kami nung mag walk out si Kuya Brian. Inabot ko ang kamay ko sakanya.

"You really bake well and ofcourse you're workers. I'll surely recommend this to my friends." Nakangiti niyang sabi sa akin kaya ngumiti ako.

"Thank you so much" Sabi ko at nakipag shake hands.

"Sundan ko lang si Kuya Brian" sabi ni Caly at umalis.

"Sundan ko lang sila" sabi din ni Zicko at umalis.

"Mia.. Ayokong sabihin to pero nasasaktan si Kuya Brian ngayon eh. Maybe let's just catch up some other time" matapang kong sabi kay Mia. Napaiwas naman siya ng tingin.

"Dust, ikaw ng bahala kay Mia" sabi ko at tumalikod na. Pumunta ako sa tabi ni daddy at umupo. Nakikipag usap siya with Tito Nico, Tito Charles and Tito Luke.

"Anak.. I am very proud of you" sabi niya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Thanks dad. Tingin niyo proud din si mommy?" I know she is proud but I want to hear it too.

"Of course. Lalo na at malapit ng mangyari ang pinakamalaking pagbabago sa buhay mo" napakunot ang kilay ko pero sabagay.. pinakamalaking pagbabago naman talaga to. New achievment..

"Camille! Come! Kuya Brian is still sulking" lumapit si Caly sa amin at hinila ako.

"Dad, hiramin ko ah" sabi niya at kumindat kay daddy. Napakunot ang noo ko pero binalewala ko nalang iyon nung hinila na niya ako palabas.

Lumapit kami kay Kuya Brian na kausap si Zicko.

"Mukhang okay ka na kuya. Nagselos ka lang naman eh" natatawa kong sabi kaya sinamaan ako ng tingin ni Kuya Brian.

"Camille, kakampi dapat kita" kahit natatawa ay napapatango nalang ako.

Napatingin ako sa oras.

"Kuya Brian, stop thinking about it. Magkakaayos din kayo. Just don't give up on her. I know she loves you. Nasaktan lang siya doon sa nakita niya" sabi ko at mukhang natauhan si Kuya Brian dahil napangiti siya.

I know they love each other..

Speaking of love.. Hindi yata siya pupunta.

"Okay, mukha ka ng okay so pasok na ako" sabi ko atsaka tumalikod hahakbang na sana ako.

"NO!" sabay sabay nilang sabi.

Pumunta sa harap ko si Caly.

"Hindi pa pwede" sabi ni Caly. Napakunot ang noo ko. Bakit?

"Why? Nandyan naman si Zicko para samahan ka kung aalis na si Kuya Brian" sabi ko at kinindatan pa si Caly pero ayaw niya paring umalis sa harapan ko.

"5 more minutes" rinig kong sabi ni Zicko. Lalo akong naguluhan, ano bang sinasabi ng mga to?

"Huh? Anong 5 minutes?" Tanong ko pero nagulat ako nung yakapin ako ni Kuya Brian.

"I am so happy for you. Whatever your decision will be. Nandito kami para sayo" napaawang ang labi ko. What in the world is happening?

"Kuya, ang drama mo" natatawa kong sabi sakanya.

"Goodluck" bulong niya sa akin. Sobra na akong naguguluhan.

Lumapit si Zicko at Caly. Inabot ni Caly ang kamay niya.

"Its time" napaawang ang labi ko kaya hindi ko agad nahawakan ang kamay niya.

"What do you mean?" Tanong ko pero hindi niya iyon sinagot. Siya na ang kumuha ng kamay ko at hinila ako papasok.

"Goodluck sis" sabi niya at ngumiti.

Sasagot sana ako pero natigilan ako nung makitang sarado lahat ng ilaw. Isang spotlight lang ang nasa gitna.

Hinila ako ni Caly doon at pinwesto ako doon. Pagkapwesto niya ay iniwan na din niya ako.

Magsasalita sana ako pero naunahan ako.

"Wife" sobra sobrang pagkagulat ang naramdaman ko nung marinig ko ang boses na yon.

Hinanap siya ng mata ko at nakita kong nasa gilid siya at palapit sa akin. May hawak pa ngang mike eh.

"I've done things that shouldn't be done. I've hurted you for so many times. I have not been the best boyfriend for you but you never gave up." nangingilid na ang luha ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Can I here your answer now?" Napatingin ako sa mga tao at nakita ko ang kasabikan.

Tinignan ko siya sa mata. I forgot that we are infrong of so many people. I forgot na nasa Opening kami ng shop ko.

All I can see is him.

My Francis..

ReverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon