ix . Hand Kiss

28.2K 533 8
                                    

Naglalakad ako sa malawak na field malapit sa hotel na tinutuluyan ko. Siguro dito nag lalaro yung mga nabobored.

"Ms. Rodriguez!" napatingin ako sa tumawag at nakita ko yung pinsan at mga kapatid ni Francis noon sa barko. 

Nag lalaro sila ng volleyball. Biruin mo, yung mga busy na to.. nakuha pa maglaro. Kumaway ako at napatingin sa akin si Francis.

I saw his jaw tightened.. galit ba siya? Sa akin? Siguro ayaw niyang makita ako ng pinsan niya at kapatid niya. Sino nga ba naman ako?

Tumango nalang ako at tumalikod.


"FRANCIS!"mabilis akong napalingon muli nang narinig ko ang sumigaw na iyon. 

Natamaan sa ulo si Francis ng bola at natumba siya.

Napaawang ang labi ko at napako ako sa kinatatayuan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napahakbang ako pero lalapit ba ako? Marami naman tutulong sakanya.


"I know now how to distract you man!" natatawang sambit ng pinsan niya. 

Tinignan naman siya ng masama ni Francis. Nakita kong nag kasugat sa braso si Francis.. napatingin siya sa akin pero umiwas ako. Tumalikod na ako at naglakad papasok sa hotel.


I shouldn't care about him. 

I shouldn't.. 

"Sir.. gamutin na po natin yan" napahinto ako pero hindi pa ako lumilingon. 

Camille, why did you stop?

Gusto ko ng umalis pero ayaw ng mga paa ko.. pwede ba yun?

"Stop touching me. No one is allowed to touch me except for her. Go back to what you're doing a while ago" malamig na tugon niya sa mga ito. 

Naramdaman ko ang mga titig niya sa akin kaya napailing ako. Napakunot naman ang noo ko. Bakit ayaw niyang mag pagamot? Dapat wala akong pakielam. Nakakainis! Bahala na.. pero hindi ako matatahimik kung hindi ko to gagawin.

Lumingon ako at lumapit sakanila. Kinuha ko yung first aid kit dun sa babae at hinarap ko siya. Nagtama ang mata namin at naghurumentado nanaman ang puso ko. 

"Bakit ayaw mong mag pagamot?" inis na tanong ko.

Ngumisi siya at lumapit pa lalo sa akin. Napahakbang naman ako paatras pero hinawakan niya ang bewang ko para hindi ako makaalis.. umiwas naman ng tingin ang mga nasa paligid namin.


Lumalim ang paghinga ko at matalim na tingin ang pinukaw ko sakanya.

"You care.." aniya at napangiti siya. 

Napasinghap ako.. he wants me to care? 

Nagulat ako nung hilahin nalang niya ako at hindi man lang pinansin ang mga nakatingin. Pumasok kami sa isang kwarto at alam kong sakanya ito.


"Do you want anything?" tanong niya pero hindi ko 'yon pinansin.

Kinuha ko ang kamay ko mula sakanya at hinila siya dahil mukhang pagsisilbihan pa ako. Inupo ko siya sa upuan at umupo ako sa harapan niya.

"Gamutin na natin yan. Mukhang hindi sanay ang katawan mong nasusugatan" kinuha ko ang kamay niya at sinumulan ng gamutin yun. 


Literal na tumataan ang balahibo ko dahil sa hindi malamang dahilan. Nahuhuli ko naman siyang nakatingin sa akin at kapag nahuhuli ko siya ay dinidiinan ko ang bulak kaya napapadaing siya.

"Dapat hindi mo ginawa yung ginawa mo kanina. Paano kung mag isip sila ng mali.." tinakpan ko na yung sugat niya at hinarap siya. 

Ngumisi naman siya at linapit ang mukha niya sa mukha ko. Napaawang ang labi ko pero hindi ako makagalaw.

ReverseWhere stories live. Discover now