vi . Truth

34.4K 554 5
                                    

"Sandali lang po. Baka po nagkakamali kayo. Meron po akong pamilya. Hindi po ako ulila o nawawala"

Tinignan ko sa mata ang babaeng nagsasabi na nanay ko siya pero puro iyak lang ang ginawa niya. Lumapit din ang kasama niyang lalaki.

"Alam ko po na magkamukha tayo pero posible naman po iyon. Pwede naman po mangyari yun diba. Ang dami nga pong magkakamukha sa mundo. Parehas tayong maganda. Wag na po kayong umiyak" Pinilit kong tumawa pero hindi ko magawa.

Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako habang nakikita ang babaeng to na umiiyak. 

Awa? Dahil ba sa awa?

"Sweetie.. stop crying. Lets not rush things. Maguguluhan din siya. Masyadong mabilis ang mga pangyayari para sa atin and sakanya. Let just be happy na nandito nasiya ulit" sabi nung lalaki at hinila na papasok nung restaurant yung babae. 

Muntik akong mapa upo pero may humawak sakin.

"Are you okay?" gustong gusto kong sabihin sakanya ang nararamdaman ko pero naalala ko ang pagiwas ko sakanya.

Sobra sobra ang paninikip sa dibdib ko.

"Oo naman.. nagkataon lang na parehas kaming maganda kaya nalito yung babae siguro." Sinusubukan kong pagaanin ang sitwasyon pero hindi talaga kaya ng sarili kong tumawa. 

Hindi ko din alam ang sasabihin ko kaya yan nalang ang lumabas sa bibig ko. 

Naglakad na ako paalis doon, buti nalang ay hindi na niya ako hinabol.

Pumunta ako sa kwarto ko at nagsimulang magsulat ulit pero pumapasok parin sa utak ko yung nangyari kanina. I really look like her, dati pa ako binubusit dahil hindi ko daw kamukha ang ate at nanay ko pero sabi ko ay sa tatay ko ako nagmana pero ngayong nakita ko na.. natatakot ako.

No! No camille.. napaparanoid ka lang. Tumigil ka na sa kakaisip.

Nag ring bigla ang phone ko. Napatingin ako at nakita kong tumatawag si nanay. Natatakot akong sagutin iyon.

"Nay?"mahina kong sagot sa tawag. Napapikit ako nung marinig kong umiiyak si nanay. Parang dinurog ang puso ko nang marinig ang pag iyak niya.

"Nay? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?"tanong ko sakanya at napasandal sa upuan ko.

"Anak.. nakita mo na daw ang mga tunay mong magulang diyan?" Mariin akong napapikit sa sinabi niya. Totoo ba 'to? Nananaginip ba ako?

Halos madurog ako sa tanong niya sa akin. 

Ano ba to? Bakit nangyayari to?

"Nay naman.. wag kang magbiro, busy ako eh. Ikaw kaya nanay ko. Magalit si tatay sige ka.. nag papahinga na pamo siya."ayoko ng marinig. Ayoko ng marinig kung may sasabihin pa siya.

"Nak, hindi mo ako nanay, masakit man sabihin sayo to lalo na at nasa telepono tayo pero ito ang nararapat.. mabait na tao ang mga magulang mo. Nakita ko ang tunay mong ina.. magka mukha kayo, parehas kayong maganda. Nakuha mo naman ang mga mata ng tatay mo ano? Anak alam kong masakit pero kahit ano pa man ang totoo tandaan mo mahal na mahal ka ni nanay" napaiyak ako sa sinabi niya. Bakit ang dali dali nalang nila akong sabihan ng ganito.

"Nay ano ba? Hindi naman ako laruan na pwedeng pagpasapasahan eh" umiiyak na ako sa sobrang sakit. 

Pinindot ko ang end call dahil hindi ko na kaya. Masisira nanaman ang schedule ko. Kinuha ko ang jacket ko at tumakbo palabas.

Napahawak ako sa puso ko dahil sa sobrang sakit.

Kung mamalasin ka nga naman. Nakasalubong ko ang mag asawa kanina at may dalawa pa silang kasama. Natigilan ako.. yung babae na mukhang anak nila ay kamukhang kamukha ko rin.

ReverseWhere stories live. Discover now