xv . Sincere

24.1K 442 9
                                    

Pagkarating namin sa bahay ay nakita namin si Mommy sa kusina.

Napalingon siya sa amin at ngumiti. Lumapit siya at hinalikan si daddy. Yinakap naman niya ako.

"Nakapagsulat ka ba anak?" tumango ako sa tanong niya. 

Yinakap ko din siya ng mahigpit at bumitaw na din.

"Call your sister for dinner. Darating na din ang mag oorganize ng birthday party mo" tumango ako at umakyat na ng hagdan.

Pumunta ako sa kwarto ko at inilapag ang mga gamit ko. Nagbihis na din ako ng pang bahay. Tinungo ko ang pintuan na nagtutuglong sa mga kwarto namin.

"Caly!" mabilis ko siyang dinaluhan dahil nakita kong nakaupo siya sa sahig.

Nakahawak siya sa bandang puso niya at pawis na pawis.

Napatingin siya sakin at tinuro ang drawer niya. Napatingin ako doon at nakita ko ang mga gamot niya. Kinuha ko iyon at ibinigay sakanya. Agad agad naman siyang uminom ng gamot.

"Tatawagin ko lang sila mommy" sabi ko pero hinakawan niya ang kamay ko at nakita ko siyang umiling.

Parang kumikirot ang puso ko habang nakikita ko siyang nahihirapan ngayon.

"Ayus na ako. This is normal." kumunot ang noo ko at umupo din sa harap niya.

"Normal?! Normal ba yan?! Caly.. Akala ko ba nag pa opera ka na? Bakit ganyan pa din?" medyo napapataas na ang boses ko. 

Nakita ko naman siyang ngumiti. She's so pale..

"Ang saya pala sa feeling ng may kapatid na nag aalala" tinitigan ko lang siya. 

Bakas sa mukha niya ang hirap na pinagdadaanan niya.

"Meron pa akong major operation na kailangan gawin pero twenty percent lang ang chance na mabuhay ako. Now tell me.. Imbis na mag pa opera at sayangin ang oras ko, hindi ba mas maganda kung sulitin ko nalang ito kasama kayo?" umiling ako sa sinabi niya. 

Mataman ko siyang tinignan sa mata. Gusto kong ipakita sakanya na napaka mali ng iniisip niya.

Alam kong hindi ko siya maiintindihan kahit kailan. Kahit anong pilit ko ay imposibleng maintindihan ko talaga ang pinag dadaanan niya lalo na at wala ako sa pwesto niya pero alam kong may paraan pa..

"Caly naririnig mo ba yang sarili ko? Kaya ka nga binigyan ng chance ni Lord diba? Hindi mo ba naisip yun? Twenty percent is better than nothing. You just need to trust it and take the chance. Paano si Zicko? Ako? Si mommy at daddy? Ang mga kaibigan mo? Paano kami? Do you think magiging masaya kami? This twenty percent is your card. You need to win it by taking the operation" Giit ko.

Umiwas siya ng tingin. Alam kong nakukuha niya ang sinasabi ko.

"Caly.. I know you kahit sandali lang tayo nagkakilala. You are a fighter. Kaya mo to.." tumingin siya sa akin at nakita kong may luha sa mga mata niya. 

Pinunasan ko yun at tinulungan siyang tumayo.

"Tinatawag na tayo ni mommy. Kakain na" lumabas kami sa kwarto at tinahak ang hagdan.

Inaayos niya din ang sarili niya habang pababa kami para magmukha siyang presentable.

"Wag mo ng sabihin kina mommy ang nangyari tutal mag papa opera na ako" natigilan ako sa sinabi niya at ngumiti ako. 

Tumango ako at bumaba na kami.

Nakita ko na nandon nga ang organizer. Lumapit kami at umupo din sa sofa. So we need to finish this bago kumain?

ReverseOù les histoires vivent. Découvrez maintenant